Chapter Five

950 45 5
                                    

Chapter Five



Date






***


"Aimi, bilisan mo!"




Tahimik akong napairap sa sarili ko nang marinig si Jaxon mula sa labas na isinisigaw na naman ang pangalan ko. Tuwing may pasok na lang ay palagi siyang ganito. 




Mula sa terrace ay tinignan ko si Jaxon na nasa harap ng bahay, nakasakay sa motor niya at hinihintay ako. Hindi ko ba maintindihan sa taong ito kung bakit kailangan pa kong hintayin kung nagmamadali siyang makita ang kasintahan niya. 




Yes. Jaxon and Stephanie are official now. So far, they're doing good. Sana magtagal na talaga sila. They already celebrated their first monthsary. 




"Mauna ka na kasi!" sabi ko sa kanya. 




"Nandito na ko. Paalisin mo pa ko?"




I rolled my eyes at him. "Then, huwag mo ko madaliin."




"Mali-late na ko sa usapan namin,"




Umiling ako sa kanya. "Ewan ko sa iyo, Jaxon Griffin!" inis na sabi ko sa kanya at nagmartsa na pababa ng hagdan. Hindi na ko kumuha ng pagkain. I can eat na lang ng breakfast sa cafeteria. 




"Tagal," sabi niya nang makalapit ako sa kanya. 




"Then why are you still taking me to school with you?" inis na tanong ko habang sinusuot niya ang helmet sa ulo ko. 




"To check if you're safe and sound," sabi niya at inayos ang pagkakalagay ng helmet sa ulo ko. "Hop in," 

One Night Mistake (Griffin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon