Chapter Twenty Seven
3rd Monthsary
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu. Kumusta po kayo? Hope you're doing okay lalo na dahil sa dumaang bagyo. Hope you're fine and safe.
Sorry for not updating for more than a week dahil may importanteng ginawa si Owtor 😭😭 Babawi ako this week. Pasensya na po huhuhu.
Sana po magustuhan niyo ang update natin ngayon. Stay healthy and keep safe always ♥]
***
Nang makarating sa bahay ay nagulat ako na nasa sala si Van kausap si Papa.
"Van," gulat na tawag ko sa pangalan niya.
"Nandiyan ka na pala, hija." sabi ni papa. Nagmano ako nang makalapit sa kanila.
"Hi, Aim." bati ni Van sakin.
"Kanina ka pa hinihintay niyan." sabi ni papa sakin. "Sinabihan ko na na hintayin ka dahil nagsabi ka na rito maghahapunan."
Tumango ako kay papa. Nagpaalam siya at pupuntahan si mama sa kusina na abala sa pag-aayos ng hapunan.
"Sorry kung pinaghintay kita." sabi ko sa kanya. "May usapan ba tayo na magkikita?"
Umiling siya sa sinabi ko. "Wala pero nagsabi ako na ililibre ka ng pastries." sabi niya na ikinagulat ko. Hindi ko akalain na tutuparin niya ang sinabi niya.
"Hindi ka na sana nag-abala." sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sakin. Nagulat ako nang haplusin niya ang pisngi ko. "You okay?" tanong niya.
"Oo naman," sabi ko trying to be cheerful.
Umiling si Van. "You look like you just cried." sabi niya. "May nangyari ba sa lakad niyo ni Jaxon?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Van..."
"Sinabi sakin ni tito na umalis ka raw kasama si Jaxon." sabi niya. "But you look sad rather than happy."
Umiling ako sa kanya at ngumiti. "I'm fine," sabi ko sa kanya at nilahad ang kamay sa harapan niya para maiba ang usapan. "Where's my pastry then?"
Tinitigan muna ako ni Van na para bang tinatantiya ang tunay na nararamdaman ko. Ngumiti ako sa kanya para ipakita na ayos lang talaga ako.
"Wala ka naman yata talagang dala, eh." sabi ko sa kanya.
Napailing siya at ngumiti na. Alam kong alam niya na hindi ako okay pero dahil pinipilit ko ay pinipilit din niya na okay talaga ako.
Mula sa bulsa ay may kinuha siya. Nilagay niya sa kamay ko ang isang balot ng brownies.
Balat lang ng brownies ang binigay ni Van. Napasimangot ako nang makita iyon. Nakita niya ang reaksyon ko kaya naman tumawa siya.
Napatingin ako sa kanya. Kinamot niya ang likod ng ulo niya in a very boyish way and he looks so handsome doing that. "Ang tagal mo kasi, eh. Naubos ko na."
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomanceAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...
