Chapter Three
Choose
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu. Sorry po kung now lang nakapag-update. This update is for 9/11. I'll update po ulit later for 9/12. Hope you'll like it. Sa past po muna tayo. Gusto ko po kasi makita niyo kung paano iyong relationship ni Jax at Aimi sa noon at sa magiging ngayon. Hope you'll be patient. Thank youuuuuuuu and enjoy reading 💙]
***
"Anong nangyari?" tanong ko kay Jaxon nang magkita kami sa library. Nakaupo na siya sa tabi ko, halatang badtrip na. Mukhang nag-away pa sila ng girlfriend niya.
"Nag-away kayo?" tanong ko.
Bumuntong hininga siya. "Nakakasakal pala magka-girlfriend..."
Gulat na tinignan ko siya. "What? Nag-away nga kayo? Dahil ba sakin? Should I talk to her?" nag-aalalang tanong ko.
Jeez! Hindi ko naman akalain na masyadong selosa ang girlfriend niya at makitid ang pag-iisip.
"Natural lang na magselos siya, Jax."
"I know, Aim, but doubting me and accusing me of cheating are different stories."
Napasinghap ako sa sinabi niya. "Iniisip niya that you are cheating on me?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Tsk. She thinks that I am two timing. What the hell?" badtrip na sabi ni Jaxon.
Hindi ako makapaniwala na iniisip ng girlfriend niya na may relasyon kaming dalawa and Jaxon is two-timing her.
What? Is she nuts? Gagawin ba ni Jaxon iyon?
Jaxon may look like a bad boy but he's a living green flag. Kapag gusto ka niya, gusto ka niya. He doesn't like complications kaya bakit siya papasok sa dalawang relasyon?
That Janice really doesn't know Jaxon at all. Kung kilala lang ng babaeng iyon kung anong klaseng lalaki si Jax, hindi niya maiisip na magagawa ni Jaxon na pagsabayin ang mga babae.
"Maybe I am also at fault," sabi ko sa kanya.
Umiling si Jaxon. "Wala kang kasalanan."
"Alam kong pinagseselosan niya ko." sabi ko sa kanya. "I need to explain to her. Kahit sino iisipin talaga na pinagsasabay mo kami."
"What? What are you saying?"
"Masyado tayong madikit sa isa't isa, Jax, kaya siya nagseselos. Kailangan ko siyang kausapin para malinawan siya." sabi ko sa kanya.
Kahit ayoko sa babae ni Jaxon, ayoko naman na mag-fail ang unang relationship niya nang dahil lang nagseselos ang girlfriend niya sakin.
"Why would you do that?" medyo inis na sabi niya. "If she loves me, she will trust me. Sinabi ko na sa kanya na magkaibigan lang tayo."
Napailing ako. "Kakausapin ko siya," sabi ko sa kanya.
"Do that and I will be mad at you," seryosong sabi niya. Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. "What?
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomanceAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...
