Chapter Twenty One
Hindi Ko Gagawin
***
Hindi ko alam pero kahit marami akong naririnig ay binabalewala ko na lang.
Magkaibigan pa rin kami ni Van tulad kung paanong kaibigan pa rin ang trato ko kay Jaxon.
Ginagawa ko pa rin ang mga bagay na ginagawa ko for Jaxon. Nalulungkot lang ako sa tuwing tinatanggihan niya.
It's been 5 days na simula nang iniiwasan ako ni Jaxon at 1 week simula nang mini vacation namin. Unti-unti na kung nasasanay.
"Jaxon sa Sunday may gagawin ka?" aya ko sa kanya. It's Friday night. Gusto ko agad malaman ang isasagot niya para alam ko.
"Aimi saan ka na naman pupunta?" si Jaxon sa kabilang linya.
"Ano bang klaseng tanong iyan?" nagtatampong tanong ko dahil hindi siya ganyan sakin. Hindi siya nagtatanong ng ganyan sa tuwing may itatanong ako.
"You know I am not available at sa tuwing ganoon ay si Van ang kasama mo,"
Hindi ko gustong isipin na nagseselos si Jaxon. Hindi iyon healthy sa relasyon namin bilang magkaibigan lalo na dahil may girlfriend na siya.
"Hindi naman kami laging magkasamang lumabas." sabi ko sa kanya. Kung makikita man nila na kasama ko si Van ay tuwing tinuturuan niya kong maggitara sa university. Ang huling labas naman ni Van ay iyong sa unboxing ng album.
"Tss. Stop being so close to him." sabi niya sakin.
"Bakit naman? His a friend tulad ng pagkakaibigan natin."
"I don't know," sabi ni Jaxon. "Hindi ko lang gusto na nakikita kitang masyadong malapit sa kanya."
Hindi ko alam kung bakit doon ang naging usapan namin ni Jaxon. We argue about me being too close with Van. I explained to him na kaibigan ko lang si Van at hindi niya kailangang mag-alala roon.
In the end, he declined my offer kaya naman lungkot na lungkot ako.
Every time he declines me, unti-unti akong sumusuko at nawawalan ng pag-asa. Maybe if he wants to cut me off his life, I'll accept. I am just a friend to him.
Saturday night ay nagkayayaan ang mga Griffin na mag night out. Sumama ako dahil sa mga babae na pinilit akong isama. Hindi ko sana gustong sumama pero wala naman akong maidahilan.
"So, ngayong gabi. Maghahanap tayo ng magbibigay kulay sa buhay mo." sabi ni Sky sakin. She's tipsy dahil marami ng kakilala ang nagbibigay ng alak. She's a social butterfly kaya kaibigan niya lahat. Actually sila nila Callie at Tiffany.
"Tigilan niyo nga si Aimi," saway naman ni Momo sa pinsan.
"Huwag mong itulad sa iyo iyan Momo. Nakailang girlfriend na si Jaxon, itong si Aimi girl natin wala pa." sabi naman ni Callie.
Napailing ako sa kanila. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Jaxon kung sakaling narinig iyon. Speaking of Jaxon, kasama niya si Ava na nagsasayaw sa dancefloor.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomanceAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...
