Chapter One

2K 49 13
                                    

Chapter One


Best Friend







[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Omg, thank youuuuu po dahil binabasa niyo ang kwentong ito <3 Hindi na po ko masyadong nag-expect pero salamat po <3 Please comment kayo kahit isang beses lang para makita ko kung ano po username niyo. I will dedicate one username per chapter po. Hindi ko po kasi nakikita kapag vote kasi natatabunan ng iba sa notif ko po kaya sana comment kayo kahit isa lang if want niyo po ng dedication <33 


Thank youuuu for welcoming Aimi and Jaxon <3 I love youuuu po. God bless and ingat palagi mga bb <33]






***



"Aimi, bilisan mo naman! Mali-late na ko!" narinig kong tawag ni Jaxon mula sa kusina. 




Napairap ako sa sarili dahil kanina pa ko kinukulit ni Jaxon na magmadali! Paano niya ini-expect na makakakilos ako ng mabilis dahil lang sinabi niya na bilisan ko? Lalo akong natataranta sa kanya eh!




"Mauna ka na kaya..." inis na sabi ko at naupo sa upuan para sa kumain pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patayo. 




"Sa kotse ka na kumain," sabi niya habang kagat-kagat pa ang tinapay sa bibig. 




"What?" gulat pa na tanong ko. Pinakita niya sakin ang isang baunan.




Napairap ako sa kanya at hinayaan na tangayin niya dahil wala naman na akong magagawa. Napag-usapan na namin na hindi na niya ko kailangang sunduin dahil mayroon silang practice game ngayon pero mapilit siya at isasabay na raw ako tutal iisa lang naman ang pupuntahan namin. May study group kami ng mga kaklase ko sa university. Most of my study buddies are staying in our university dorm. 




"Sinabi naman kasi sa iyo na pwede naman ako magpahatid kay Manong Jeron." sabi ko sa kanya nang pagbuksan niya ko ng pinto ng kotse niya. 




"Kawawa naman si Manong. Pwede ka namang sumabay sakin," sabi niya at pinaupo na ko. Nilagay niya sa lap ko iyong baunan. Sinara na niya ang pinto at umikot para makasakay. I saw him chewing his bread. 

One Night Mistake (Griffin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon