Chapter Eight
Jealous
***
I got mild hangover nang magising kinabukasan. Walang pasok ngayon kaya naman tinanghali ako ng gising. Kung wala lang kaming usapan ni Van ay baka maghapon akong natulog.
Alam ni mama na nag-party ako kagabi kaya naman nagluto siya ng clam miso soup. Naglagay ako sa isang food container para dalhin kila Jaxon.
"Good morning, mama." bati ko kay tita Nozomi nang makita niya kong pumasok sa living room nila. "Nagdala po ako ng clam miso soup,"
Ngumiti si tita sakin. "Good morning, hija." sabi niya. "Naku, tulog pa. Gisingin mo na lang, hija."
Ngumiti ako kay tita. Kinuha ng isang kasambahay nila ang dala ko at nagpunta na ko sa kwarto ni Jaxon. Nalasing siya kagabi kaya naman hinatid na sila ni Kuya Phoenix pauwi. Sumabay lang ako sa kanila.
Pagkapasok sa kwarto niya ay nakita ko na natutulog pa siya. Nakadapa siya sa kama niya at nakaharap ang mukha sa kaliwa. Wala siyang pantaas at alam kong naka-boxer lang siya ngayon.
Pinagmasdan ko si Jaxon na natutulog. He looks so peaceful while sleeping. Bakit ba napakagwapo mo, Jaxon Griffin?
I shook my head dahil hindi ko dapat iniisip ito ngayon.
Binuksan ko ang kurtina sa kwarto niya. Narinig ko kaagad ang pag-ungol niya dahil natatamaan na siya ng sinag ng araw. "Gising na! Tanghali na!" sabi ko sa kanya.
"Ang aga mo namang mang-istorbo, Aimi!" sabi niya na ikinatawa ko. Hindi na bago samin ang ganito. It's either siya ang manggugulo sa maganda kong tulog o ako ang manggugulo siya sa payapa niyang tulog.
Lumapit ako sa kanya at naupo sa gilid ng kama niya. Umupo-tayo pa ko ng dalawang beses para maalog ang kama niya. ""Good morning," sabi ko sa kanya. "Gising na,"
"Hayst!" inis na sabi niya at umupo mula sa pagkakahiga. "Oh, damn. My head hurts." sabi niya at napahawak pa sa ulo. "Fuck,"
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
Storie d'amoreAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...