Chapter Twenty Nine

937 39 15
                                    

Chapter Twenty Nine

Everyday













***

"Have this," sabi ni Van sakin at binigay ang t-shirt niyang extra sa loob ng sasakyan niya.







Tumango ako sa kanya. "I'll be outside. Tell me when you're finish."







"Thank you," mahinang sabi ko. Pumasok ako sa loob ng kotse niya at hinubad ang top na suot bago ko sinuot ang t-shirt ni Van.







Napabuntong hininga ako. I cried out loud earlier. Wala akong ibang sinabi kay Van kung hindi ang mahal ko si Jaxon. Hinayaan lang ako ni Van na umiyak nang umiyak dahil hindi ko na nagawang dugtungan ang sinabi ko kanina.








Nang kumalma ako ay tahimik akong inalalayan ni Van papunta sa kotse niya. And now here we are. Napatingin ako sa bintana sa labas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Nakasandal si Van sa may pinto ng kotse niya habang nakapayong. He gave me his extra shirt dahil basang-basa ako sa ulan kanina.







Binaba ko ang bintana ng kotse ni Van kaya napatingin siya sakin. "You're done?"







Tumango ako sa kanya kaya naman pumasok na siya sa loob. "Thank you," mahinang sabi ko. "Pasensya ka na kung naabala pa kita."








Umiling si Van sa sinabi ko. Hinawakan niya ang nanlalamig kong mga kamay dahil sa basa ng ulan. "You will never be a bother to me, Aimi." sabi ni Van.









"Thank you," sincere na sabi ko.








He smiled gently. "Okay lang ba na sa condo tayo tumuloy? Hindi ka pwedeng umuwi sa inyo na ganyan ang ayos. Mag-aalala ang mga tao sa bahay niyo."







Matagal bago ako nakasagot pero sumang-ayon ako kay Van. Magtataka ang mga tao sa bahay kung bakit basang-basa ako ng ulan.









Tahimik kami sa daan ni Van hanggang sa makarating kami sa condo niya. Agad niya kong hinila papunta sa kwarto niya. Naghanap siya ng pwede kong isuot.








"You can take a shower, Aim. Maghahanda ako ng pwede nating kainin." sabi niya nang ibigay sakin ang t-shirt at boxer niya.








"Thank you, Van." iyon lang ang nasabi ko. Wala na yata akong ibang sasabihin kay Van kung hindi salamat. He's been my savior recently.









Lumapit si Van sakin at niyakap ako. "You'll be fine." sabi niya. Tumango ako sa sinabi niya.







Hinayaan ako ni Van na gamitin ang bathroom niya. I took a hot shower. Habang nasa loob ay hindi ko maiwasang isipin lahat nang nangyari ngayong araw.









Hindi ko kayang sisihin si Jaxon sa pagiging miserable ng puso ko. He doesn't know my feelings kaya hindi niya sinasadya na saktan ako.








Nang matapos akong mag-ayos ng sarili ay lumabas ako sa kwarto ni Van. Nahanap ko siya sa may kusina. He's cooking something, pero sa amoy pa lang akong noodle soup iyon.







Nakabihis na siya ng pambahay niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil masyado ko na siyang naaabala.







At bukod kay Jaxon, si Van pa lang ang kauna-unahang lalaking sinuot ko ang mga damit. I'm shy about it pero hindi naman pwede na hindi ako magpalit.









One Night Mistake (Griffin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon