Chapter Forty Six
Start Over
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu 🥹 Thank youuu for sharing me your thoughts thru votes and comments. I appreciate it 😭❤️ Salamat po! I'll work harder po to create more updates and make sure that it's worth it every chapters
Enjoy reading mga bb 💕]
***
I'm lying on my bed and trying to calm myself. Gusto ko man hindi umiyak ay hindi ko magawa dahil sa bigat nang nararamdaman. Alam kong kawawa ang baby ko ngayong umiiyak ako, but if I don't let it go mas lalo lang akong mahihirapan.
I heard my door opened. I made sure I locked it before lying down at my bed pero alam kong may susi si Jaxon kaya niya iyon nabuksan.
Hindi ko siya nilingon dahil mas lalo akong maiiyak kapag nakita ko siya. Maya-maya lang ay naramdaman kong umuga ang kama at napasinghap ako nang maramdaman ang pagtabi ni Jaxon sakin.
Nagulat ako nang maramdaman ko ang braso niya sa baywang ko para yakapin ako. Lumapit pa siya sakin at mas niyakap ako. "I'm sorry. I'm sorry."
Mas lalo akong napahikbi sa sinabi niya. I tried to pull away dahil hindi ko gusto ang init na nagmumula sa kanya. Alam kong ngayong humihingi na naman siya ng tawad ay mabilis ko lang siyang mapapatawad.
Isang sorry lang niya palagi ay bumibigay ako. I should get a hold of myself. I know I love him so much that I can forgive everything he does pero masyado akong nasaktan ngayon na basta na lang ulit siya tanggapin.
He didn't let me get away from him at mas niyakap ako. "I know I hurt you," sabi niya. "I'm sorry dahil palagi na lang kitang pinapaiyak at sinasaktan. I'm sorry."
"Why saying sorry if you always do it, Jax?" Hindi ko na napigilang sabihin.
Noong unang beses na nag-away kami, nag-sorry rin siya pero naulit na naman ang dahilan ng paghingi niya ng tawad noon.
"I'm sorry," sabi niya at pinilit akong iharap sa kanya, pero hindi ako nagpaubaya. "Please let's talk? Let's talk, Aimi."
"I don't want to talk! We'll just end up hurting each other more."
Naramdaman ko ang pag-iling niya dahil nakabaon na ang mukha niya sa leeg ko. Bahagya siyang umangat para matingnan ako pero hindi ko siya tiningnan pabalik. "I know I always hurt you when we talk about our situation, but let's hear each other out. I promise I'll listen carefully."
Umiling ako at sinubukang alisin ang kamay niya sa tiyan ko. "Leave me alone." I told him and trying to get out of his hold pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya sakin.
"Then let me explain, please?" Pagmamakaawa niya. Huminto ako sa pagpupumiglas dahil ayaw niya kong pakawalan. Hindi ako nagsalita kaya naman bumuntong hininga siya.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa tiyan ko gamit ang daliri niya. "I acted like an asshole because I was out of my mind at iyon valid na rason para saktan ka. Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari satin. Alam kong hindi mo gusto na manatili sa tabi ko dahil alam mong mayroon akong Ava sa buhay ko. Alam ko naman na ako lang ang iniisip mo kaya ayaw mong tanggapin ang kasal na inaalok ko."
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Hinayaan ko magsalita siya nang nararamdaman niya. Maybe this is what is lacking between us. Communication. We forgot to communicate effectively kaya nagkakasakitan kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomanceAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...