Chapter Twenty Four
Movie
***
Tumango si Nessa sa pagpapakilala ko sa kanila ni Jaxon. "Buti na lang po friend niyo lang siya, ate." sabi sakin ni Nessa at tiningnan ang kapatid. "Akala ko magiging kaagaw mo siya, Kuya."
Namula ang pisngi ko sa sinabi Ni Nessa sa kuya niya.
"Nessa," saway ni Van sa kapatid. Ngumuso si Nessa kaya naman napangiti na lang ako.
Lumapit ako kay Jaxon. Kita ko ang gulat niya sa ginawa ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palapit.
"Nessa I want you to meet my friend, Jaxon Griffin. Jaxon si Nessa, Van's younger sister."
Narinig ko ang pagsinghap ni Nessa at gulat sa mga mukha niya. "You're Jaxon Griffin?" hindi makapaniwalang sabi niya.
Alam kong kanina lang ay nababasa lang niya ang mga comment na mini-mention si Jaxon pero ngayon ay nasa harapan na niya.
Inabot ni Jaxon ang kamay kay Nessa. "Nice meeting you, Nessa."
Nahihiyang ngumiti si Nessa pero tinanggap ang pakikipagkamay kay Jaxon. "Same with you po," magalang na sabi ni Nessa kay Jaxon.
Ngumiti si Jaxon. "Thank you for making Aimi happy today." sabi ni Jaxon sa magkapatid.
Ngumiti si Nessa. "I love ate Aimi po. Wala po iyon." sabi niya na ikinatango ni Jaxon.
Lumapit sakin si Nessa. Humawak siya sa braso ko at bumulong. "Ang gwapo po pala nung Jaxon Griffin na nababasa ko sa comment. And he really is so possessive po. Sinundo ka pa ate."
Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Nessa sakin. Tumawa si Nessa sa reaksyon ko at niyakap ako. "Thank you sa pagpunta ate."
Tumango ako. "Salamat din sa pagtanggap sakin." sabi ko sa kanya. Inabot ko kay Nessa ang regalo ko. Nalimot kong iabot kanina.
"Ano po ito?" tanong niya.
Hinaplos ko ang buhok niya. "Buksan mo mamaya kapag pasok mo sa kwarto mo." ngiti ko sa kanya.
Kita ko ang excitement sa mga mata niya. "Hala, ate. Wala man lang akong naibigay sa iyo."
Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang. Huwag mong isipin iyon." sabi ko sa kanya.
Niyakap ako ulit ni Nessa. "Thank you, ate." sabi niya na ikinangiti ko at niyakap din siya pabalik.
"Mauna na kami," paalam ko sa kanila.
Lumapit sakin si Van at niyakap ako. "Ingat, Aimi. Salamat sa pagpunta."
Niyakap ko siya pabalik. "Salamat, Van." sabi ko sa kanya at humiwalay sa yakap.
Nagpaalam na kami ni Jaxon sa magkapatid. Isinuot ni Jaxon ang helmet sakin at siya pa ang nag-ayos.
"Salamat ulit," sabi ni Jaxon sa magkapatid bago na siya sumakay sa motor niya.
Kumaway ako kina Van at Nessa. "Bye!" paalam ko sa kanila. Kumaway sila pabalik sakin.
Humawak ako sa balikat ni Jaxon pero hinawakan niya ang kamay ko at iniyakap sa baywang niya. "Baka mahulog ka. May hawak ka pa naman," narinig kong sabi niya bago pinaandar ang motor niya.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomansaAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...