Chapter Twenty
Friends
***
Nasa hallway na ko palabas ng university nang makita ko si Van na naglalakad papuntang parking.
"Hi, Aimi. Pauwi ka na?" tanong niya.
Tumango ako sa kanya. I tried to act like nothing happened. "Pauwi na. Sasakay na lang ng taxi."
Kumunot ang noo niya. "Hindi ka nagpasundo?"
Umiling ako. "May pupuntahan ako eh." sagot ko. Totoo naman na may pupuntahan ako.
"May usapan na naman ba kayo ni Jaxon at hindi niya natupad?"
Nagulat ako tanong niyang iyon. Umiling ako. "Wala. Isang beses lang nangyari iyon at hindi na ulit naulit." sabi ko. "Ako lang talaga ang hindi nagpasundo."
Tumango siya. "Wala na rin akong klase. Baka gusto mong ako na ang maghatid sa iyo."
Umiling ako. "Hindi na," sabi ko sa kanya at ngumiti. "Magta-taxi na lang ako."
Hinawakan ako ni Van sa wrist ko. "Kung mag-ta-taxi ka, sakin mo na lang ibigay ang bayad."
Hindi ko naiwasan ang mangiti sa sinabi ni Van. Alam ko naman na nagbibiro lang siya. Hindi na ko nagpapilit pa at sumama na kay Van.
Tinuro ko sa kanya ang lugar ng pastry shop. Gustong-gusto ko ang brownies nila roon.
"Can't believe na dinadayo mo pa ito dahil lang gusto mo ang brownies nila rito,"
Napangiti ako sa sinabi ni Van. "Tama kasi iyong tamis at pait nung chocolate sa brownies kaya gusto ko rito laging umorder," sabi ko sa kanya.
Tumango siya. "Alam ko na kung saan ka dadalhin sa susunod." sabi niya na ikinangiti ko.
"Are you okay, Aimi?" tanong ni Van.
Nagulat ako sa tanong na iyon. "Ayos lang," nakangiting sabi ko sa kanya. "Bakit?"
Umiling siya. "You seem sad even you're smiling."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Okay lang ako, Van."
Tumango siya. "If you need someone at hindi available si Jaxon, pwede mo kong tawagan."
Ngumiti ako sa sinabi ni Van. "I'll keep that in mind."
Sinamahan ako ni Van na bumili ng paborito kong pastry. I bought some for him bago niya ko inihatid pauwi.
Nang makarating ako sa bahay ay nagpasalamat ako kay Van bago siya umalis.
I eat with by parents. Nang nasa kwarto na mag-isa ay hindi ko maiwasang umiyak dahil sa sama ng loob hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan ay wala akong pasok at wala ring pasok si Jaxon nun. Tinawagan ko siya para ayaing mag-amusement park.
Kahit sila na ni Ava noon, siya pa mismo ang nag-aya sakin nung wala kaming pasok na lumabas ng kaming dalawa lang. Siguro naman, pwedeng ako naman ang mag-aya?
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomanceAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...
