Chapter Fourteen
Accepted
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu ♥ Sorry for not updating yesterday huhu. Nabusy si Owtor sa mga baga-bagay. Na-busy rin sa EXO sorry na huhu. Ang dami po kasing update sa EXO Planet. My fangirl heart is so happy with EXO's content. At dahil masaya si Owtor, masaya lang ang update natin today. Hope you'll enjoy this update po. Bawi ako sa susunod ~ God bless ♡♡♡]
***
Kinabukasan ay ganoon ulit ang ginawa ni Jaxon. Sinubukan niya na alukin ako na sumabay na sa kanya papasok sa university pero tumanggi ako dahil ayoko na magkaroon ng issue saming dalawa. Alam ko na kapag nakita nila kami na magkasabay pumasok ay iisipin nila na nag-away kami ni Jaxon dahil kay Ava at sinusuyo ako ni Jaxon.
I don't want to give them the satisfaction to gossip about us na wala namang katuturan.
At isa pa, baka mamaya makarating pa kay Ava. Alam ko naman na sabay silang pumapasok na dalawa.
"Hindi mo ko kailangang isabay sa iyo, Jaxon. Alam kong sinasabay mo si Ava. We're goods now. Hindi mo na kailangang gawin ito."
Iyon ang sinabi ko sa kanya bago ako sumakay sa kotse namin. Naka-convoy ulit siya samin. Napapailing na lang ako.
Pagpasok ko sa klase ay may nagtatanong na mga classmate ko tungkol samin ni Van at ni Jaxon. I know they saw the video last night.
"Nakita namin na sinundo ka ni Van. Nililigawan ka ba niya?" tanong ng babae kong classmate.
"Hindi. Nagkataon lang na sabay kami palabas ng university." sagot ko at naupo na sa upuan ko pero nilapitan nila ko.
"Eh, bakit nakasunod si Jaxon? I heard nag-away kayo kasi wala na siyang oras sa iyo?"
Huminga ako ng malalim. "Hindi kami nag-away ni Jaxon." sabi ko sa kanila. "I support him with his relationship kay Ava. I am his best friend kaya bakit ako magseselos dahil lang na kay Ava na ang atensyon niya? Masaya pa ko dahil may girlfriend siya. Huwag niyong bigyan ng issue."
Natahimik sila sa sinabi ko at nilubayan na ko. Napabuntong-hininga na lang ako.
Mabilis na lumipas ang oras. Nag-aayos na ko ng gamit ko nang marinig ko ang mga classmate ko na sinabing naghihintay sakin si Jaxon. Really, Jaxon?
Nagmamadali akong nag-ayos ng gamit para makalabas na. Nakita ko na may kausap na siyang mga babae. He's smiling with them. He really is a chic magnet.
Nang makita niya ko ay nagpaalam na siya sa mga kausap niya. I even saw how those girls were disappointed. Napailing na lang ako kasi kahit may girlfriend na siya ay iniisip pa rin ng iba na may pag-asa pa sila sa kanya. Alam kasi nila hindi tumatagal ang mga nagiging girlfriend ni Jaxon dito.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" tanong ko nang makalapit na siya.
"Here," sabi niya at inabot sakin ang plastic bag na may lamang pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/321437386-288-k595052.jpg)
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomansaAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...