Chapter Thirteen

911 41 9
                                    

Chapter Thirteen

Realized







[A/N: Annyeonghaseyo guyseu 😊 Sorry po kung hindi ako nakapag-update ng ilang araw 😭 Bawiin ko iyan sa mga susunod na araw. Enjoy this short update. Hope you'll like it 💗]






***

Nagpaalam na si Van sa mga magulang ko. Hinatid ko siya sa tapat ng sasakyan niya. 




"Salamat Van. Pagpasensiyahan mo na ang mga magulang ko." nahihiyang sabi ko sa kanya. 




Ngumiti siya. "Masaya akong makilala ang mga magulang mo, Aim." 






Ngumiti ako sa kanya. "Ingat ka," paalam ko. "Good night,"




"Good night, Aimi. See you sa university." 






Hinintay ko na makaalis ang sasakyan ni Van bago ako pumasok ulit sa bahay. Nandoon pa rin si Jaxon. Nagpaalam na ang mga magulang ko samin ni Jaxon para magpahinga. 






"Uuwi na rin po ako maya-maya," sabi ni Jaxon. Tumango ang mga magulang ko at iniwan na kami ni Jaxon. 






"You went out with him again?" tanong niya. 




Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Is there something wrong with that?" tanong ko pabalik. 




Umiling siya. "Nililigawan ka na ba niya?"




Napailing ako. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa inyo kanina?" pagtataray ko.






Napabuntong-hininga siya. He knows that I am still not in a good terms with him.






Alam ko na ang petty ko sigurong tao kasi parang iyon lang ay ganito na ang inaakto ko. I am not his girlfriend pero kung umasta ako para akong nobya na inabandona. But I cannot help it. Nasaktan ako.






"Aimi, I'm sorry. Alam kong hindi tama ang ginawa ko----"




"You don't have to explain anything, Jax." putol ko sa sinasabi niya.




Kita ko na natigilan siya. Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti ako sa kanya. "Whatever your reason was, tapos na. It will never changed the fact that you have forgotten about me."




"I'm sorry, sweetheart. Hindi ko sinasadya na makalimutan ang tungkol sa usapan natin."




Umiling ako kay Jaxon.  "You know what I hate the most, Jax. Give me time..." sabi ko sa kanya. "Good night," 






"Aimi," hinawakan niya ko sa kamay ko para pigilan. "Forgive me, please."






Binawi ko ang kamay ko at tiningnan siya. "Nothing to forgive, Jaxon. I know my place." sabi ko sa kanya. "Mawawala rin ang tampo ko kaya hayaan mo muna ako. Good night." dugtong ko pa bago na tumalikod para iwan siya roon.





Hindi ko alam kung tama ba ang inaakto ko kay Jaxon. Nasasaktan pa rin ako sa nangyari.






Hindi ko tuloy naiwasan ang mag story sa IG. I hate people who aren't true to their words.







Iyon lang sinabi ko pero nakatanggap agad ako ng mga message galing sa mga Griffin kung sino raw ang taong hindi tinupad ang sinabi sakin. I just assured them na okay lang ako. I just feel like saying it. Iyon na lang ang sinabi ko.




One Night Mistake (Griffin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon