3

216 9 0
                                    

Umiwas ako ng tingin. "W-Wala akong sinabi na nagaalala ako sayo kung pagalitan ka pa ng professor mo."

Narinig ko ang pagtawa niya. "Hindi daw nagaalala kung mapagalitan ako pero kung makayap sa akin kanina wagas."

Pakiramdam ko namumula na ang buong pisngi ko. "K-Kaya mo ba ko gustong kausapin para asarin? Sinasayang mo lang ang oras ko."

"Of course not. Kaya kita gustong kausapin para sagutin ang tanong mo sa akin kahapon. Ano ang nagustuhan ko sayo? Simple lang. Hindi ako tumitingin sa labas na anyo ng isang tao. Ang importante maganda ang kalooban mo at wala kang inaapakan na ibang tao."

Yumuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na ganoon ang sasabihin ni Stef sa akin.

May luhang pumatak sa kamay ko kaya agad kong pinunasan. "Sorry. Wala pa nagsasabi sa akin ng ganyan kahit ang sarili kong pamilya – ikaw pa lang. Isang halimaw kasi ang tingin nila sa akin at palagi nila ako kinakahiya sa ibang tao nakakilala sa kanila."

Pinunasan niya ang luha ko. "So, pumapayag ka ng ligawan kita?"

Tumango ako. "Hmm... Pero pwede bang huwag mo kong ligawan sa maraming tao?"

"Bakit naman ayaw mo?"

"Ayaw ko kasi lalaitin ako ng iba kapag nalaman nilang pumatol ka sa isang panget na kagaya ko."

"Hindi ka panget, Mon."

Sobrang saya ko dahil may tao pa pala kayang tanggapin ang pagkatao ko. Ang akala ko kasi wala na at mabuti na lang dumating si Stef sa buhay ko.

"Magsisimula na ko sa panliligaw bukas ah."

"Huh? Malapit na ang midterm natin. Hindi ba dapat focus muna tayo sa pagaaral? Ayaw ko namang bumagsak ka dahil sa binabalak mong panliligaw sa akin."

"Huwag ka magaalala. Hindi ko naman hinahayaan ang pagaaral ko. Ayaw ko madisappoint sa akin ang mga magulang ko."

Nawala sa isip ko ang tungkol sa pamilya ni Stef. Paano kung hindi nila ako tanggap? Tsk, bakit kasi nakalimutan ko pa ang tungkol doon, eh.

"Uuwi ka na ba pagkatapos nito?"

"Oo, uuwi na rin ako."

"Hatid na kita sa inyo."

"Huwag na. Baka mahuli ka pa sa trabaho mo kung ihahatid mo pa ko sa amin."

"Oo nga pala. Tinalo pa noong manager ko si mommy kung maka sermon sa akin wagas."

"Kaya hindi mo na kailangan ihatid ako."

"Wait. May cellphone ka ba?"

"Wala akong cellphone. Wala naman akong tatawagan kung meron man ako."

May kaya naman ang pamilya ko at kapag nagpabili ako sa kanila ng cellphone ay paniguradong hindi nila ako bibilihan.

"Paano kung may meeting kayo na kailangan niyo pumunta? O kaya may group project kayo?"

"Hindi ako umaattend sa meeting. Kahit may isuggest ako ay hindi rin naman nila ako papakinggan at mukhang hindi nila napapansin na wala ako sa meeting. Sa group project naman wala may gustong magpasali sa akin kaya magisa ko na lang ginagawa ang project. Sanay na rin naman ako na ganoon, eh. Umabot nga ako ng 4th year college na walang kaibigan at kakayanin ko ito hanggang grumaduate ako."

"Alam mo bilib ako sa katulad mo. Palaban ka."

"Kung hindi ako lalaban sa lahat na bagay, sino ang tutulong sa akin? Wala naman."

"May ibibigay pala ako sayo. Amin na yung palad mo."

Inilahad ko ang palad ko at may inilagay siya – isang cellphone. "Hindi ko matatanggap ito, Stef."

"Tanggapin mo na at kung may problema ka o gusto mo ng kausap tawagan mo lang ako."

"Paano kita matatawagan kung binigay mo sa akin ang cellphone mo? Huwag mong sabihin sa akin na bibili ka ng bago."

"May isa pa kong cellphone." Ipinakita niya sa akin ang isa pa niyang cellphone. "Nandiyan na rin ang contact number ko. Call me anytime. Tandaan mo hindi ka na nagiisa ngayon. Handa ako makinig sa lahat na problema mo."

"Ibabalik ko ito sayo kapag may trabaho na ko at pangbili sa sarili kong cellphone."

"No, you can keep it. Kailangan ko na rin pala umalis baka anong oras pa ko makarating sa trabaho."

Pagkaalis ni Stef ay pinagaaralan ko kung paano gumamit ng cellphone. Sa buong buhay ko ngayon pa lang ako nakahawak ng ganito.

"Siya ba ito? Ang cute naman niya dito." Nakangiting sabi ko sa sarili. Picture kasi niya ang wallpaper at hindi ko naman pwedeng palitan baka magalit siya sa akin kapag gagawin ko iyon.

Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko dahil hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Stef kanina. Gusto niya kong ligawan, ibig sabihin gusto niya maging girlfriend niya ko tapos hinalikan pa niya ko kahit nakaw ang halik na iyon. First kiss ko iyon, eh.

"Mona." Lumingon ako noong may tumawag sa pangalan ko.

"Yes, ma?"

"Ipapadala kita sa Paris pagkagraduate mo at doon ka na titira sa tita mo."

"What?!" I can't disobey my parents. Mga magulang ko pa rin sila kahit ganito ang trato nila sa akin. "Okay po."

Paano ko ba sasabihin kay Stef na ilang buwan na lang ang pagsasama naming dalawa? Bahala na nga. Hindi ko na muna iisipin ang sinabi ni mama sa akin kanina. Ang gusto ko lang makasama si Stef hanggang grumaduate kami at saka hindi na rin aasa na magiging kami.

Tiningnan ko ulit yung cellphone na binigay ni Stef sa akin at ang sabi niya tatawagan ko siya kung may problema ako o gusto ko ng kausap kaya tinawagan ko siya.

"Hello?" Pagkasagot niya sa tawag ko.

"Um, hello."

"Mon, napatawag ka. May problema ba?"

"Wala namang problema. G-Gusto ko lang na kausapin ka kung hindi ka busy."

"I'm free. What's up?"

"Kamusta naman ang trabaho mo?"

"Medyo nakakapagod kasi ang daming pinagawa sa akin yung photographer kanina."

"Ibig sabihin makikita ko ulit ang mukha mo sa front page ng magazine?"

"Hindi lang sa magazine. Pwede mo rin makita ang picture ko sa billboard."

"Hindi ko naman afford bilihin ang billboard para makita ko lang ang picture mo."

"Oh, ang akala ko ba hindi kita fan."

"Okay, I admit it. Fan mo na ko ngayon kasi kaya mong pagsabayin ang pagaaral at trabaho mo."

"Sanayan lang siguro. Simulang bata pa lang kasi kami ni Serena modelo na."

Kainggit. Kung maganda lang sana ako baka pumasok rin ako sa modelling kahit wala akong alam sa ginagawa nila doon. Gusto ko lang subukan.

"Um, Stef, masaya ka ba sa pagmomodelo?"

"Oo naman. Simulang bata pa lang ako ang pagmomodelo na ang pangarap ko. Ikaw ba, saan ka masaya?"

"I... I don't know. Hindi ko pa kasi alam kung anong bagay ang nagpapasaya sa akin."

"Masaya ka ba sa kurso mo?"

"No." Sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. "Hindi ko naman pwede hindi sundin ang gusto ng mga magulang ko kahit iba ang trato nila sa akin at halimaw ang tingin nila sa akin."

Nakakagaan pala ng ganito yung may mapagsabihan ka ng problema mo. Nakakagaan ng loob.

I think I'm in love with Stefan De Luca.

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now