Stefan's POV
"Wacky, pwede ba kita makausap?"
"Tungkol saan?"
"Pwede bang magbakasyon na muna ako? Uuwi na muna ako sa amin."
"Siguraduhin mong doon ang punta mo. Baka malalaman ko na lang iyan ang paalam mo sa akin tapos sa ibang bansa ka pala pupunta. Sasapukin kita pagbalik mo, Stefan."
"Hindi. Promise. Doon lang ako sa mga magulang ko."
"Mabuti ng malinaw. Okay, papayagan kita na magbakasyon para makapag pahinga ka muna."
"Thank you."
Pagkatapos kong kausapin si Wacky ay nakita ko si Mona naglalakad papunta sa direksyon ko. Baka kakausapin niya si Wacky pero huminto sa harapan ko.
"Aalis ka?"
"Hindi ako aalis. Magbabakasyon lang ako."
"Hanggang kailan ka mawawala?"
Parang noong isang araw sinabihan niya kong huwag ko siyang kausapin pero hindi na importante iyon. Ang importante kinakausap niya ulit ako."
"Hindi ko alam kung hanggang kailan ako doon.
"Hindi ako papayag na umalis ka, Stef." Seryosong sabi niya sa akin.
Napangiti ako sa isipan ko dahil tinawag niya ulit akong Stef.
"I'm sorry. Kahit hindi ka pumayag tutuloy pa rin ako uuwi sa amin."
Marami akong ginawa bago umuwi sa bahay. Bukas sana ang flight ko kaso naubusan na ko ng ticket kaya sa susunod na bukas pa ako aalis.
"Tamang tama nandito ka na, Calyx." Sabi ko pagkakita sa kanya. Tutal kaming dalawa na lang ni Calyx ang magkasama dito sa bahay.
"Bakit, kuya? May ipapagawa ka ba sa akin?"
Umiling ako. "Wala naman. May gusto lang ako sabihin sayo."
"Ano iyon?"
"Doon na muna ako kila mom kaya ikaw na muna ang bahala dito ah. Kung may girlfriend ka huwag mo dito dalhin ah. Mahiya ka naman sa pagbalik ko."
"Bakit ko naman iyon gagawin? At saka wala pa kong girlfriend. Wala akong oras para diyan."
"Sinasabi ko lang sayo. Magiimpake na ko ng mga dadalhin ko."
"Pero hindi pa bukas ang alis mo."
"Mas okay na maaga ako magimpake kaysa last minute. Baka may makalimutan pa ko."
Kinabukasan nagpasya akong hindi na pumasok dahil marami pa kong gagawin. Baka nga may makalimutan akong dalhin. Kung kailan nandoon na ko baka doon ko lang maalala ang nakalimutan ko. Kailangan kong double check. Wala kasi akong oras para gawin ito mamaya.
Tutal may pasok pa si Calyx ngayong araw kaya ako ang nagluluto ng makakain ko.
Abala ako kumain ng pamanghalian ko ng may nagdoorbell. Imposibleng si Calyx iyon dahil may susi naman siyang dala at kung may nakalimutan iyon uuwi siya para kunin o tatawagan ako.
Laking gulat ko makita kung sino ang tao nasa harapan ko ngayon.
"What are you doing here?"
"Mabuti naabutan pa kita bago umalis."
Kumunot ang noo ko. "Bakit? May kailangan ka ba?"
"Pwede ba tayo magusap?"
"Naguusap na tayo."
"No, I mean I have something to tell you."
"Ano ba iyon? Hindi pa kasi ako tapos kumain."
"Hindi mo ba ko papasukin sa loob para doon na tayo magusap?"
Niluwagan ko na ang gate. "Pumasok ka na."
Umupo na ulit ako sa harapan ng hapag pagkapasok ko at para ituloy ko na ang pagkain ko.
"Ano ba ang gusto mong pagusapan?"
"Kailan ang alis mo?"
"Bukas ng umaga ang flight ko."
"Date tayo."
Nasamid ako sa narinig ko at agad akong uminom ng tubig. "Huh? Di pa nga ko tapos kumain."
"Hindi porket niyaya kita makipag date ay kakain tayo sa labas. Pwede tayo mamasyal. Kung gusto mo."
"Marami pa kong gagawin mamaya. At saka wala ka bang pasok ngayon?"
"Wala naman ako masyadong gagawin kaya umalis ako ng maaga."
Tumayo na ko pagkatapos kong kumain. "I see..."
"Ako ba ang dahilan kung bakit ka aalis?"
"Hindi nga ako aalis, magbabakasyon lang ako."
"Pero hindi mo ko sinagot kahapon kung kailan ka babalik. Baka wala ka ng balak bumalik."
"Baliw. Babalik ako dahil nandito ang trabaho ko pero ang hindi ko lang alam kung kailan ako babalik."
"Ako ba ang dahilan kung bakit bigla mo naisipan ang magbakasyon?"
"Of course not. Masyado na kasi akong busy sa trabaho kaya nawawalan na ko ng oras para sa sarili ko."
I'm sorry kung hindi ko masabi sayo ang totoong dahilan kung bakit bigla kong naisip ang magbakasyon. Ayaw ko kasing saktan ka ulit.
"Let's make love, Stef."
Kumurap akong humarap sa kanya. "Huh?"
"Let's make love." Ulit niya.
Umiwas ako ng tingin at paniguradong namumula na ko nito. "Hmm... O-Okay."
Nilabas ko ang phone ko habang naglalakad papunta sa kwarto ko.
To Calyx;
Bro, alam kong busy ka pero pwede bang favor?
From Calyx;
Ano iyon, kuya?
To Calyx;
Pwede bang bukas na lang umuwi?
Wala akong nakuhang reply galing kay Calyx pero bigla siyang tumawag sa akin.
"Bakit bukas mo pa ko pinapauwi?"
"Basta. Doon ka na muna kila Gaia tumuloy o kay Serena. Ililibre na lang kita pagbalik ko."
"Nandiyan ang girlfriend mo, 'no? At may gagawin kayong kalokohan kaya ayaw mo kong umuwi."
"Calyx, hindi ko siya girlfriend at wala kami gagawing kalokohan."
"Sus. Fine, doon na muna ako kila Gaia pero ngayon lang 'to ah."
"Oo. Thank you, bro." Binaba ko na ang tawag at tumingin kay Mona. "Gusto mo bang manood na muna ng movie? Marami pa kasi akong gagawin ngayon. Baka may nakalimutan pa ko."
Tumango siya sa akin. "Anong movie ba ang meron ka diyan?"
"Marami akong kopya sa laptop ko at ang password ay ang birthday mo."
"B-Birthday ko?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
Right, tinatamad kasi akong palitan ang password ng laptop ko at kapag nagpalit ako baka makalimutan ko na.
"Yes, why?"
"Nothing." Umupo na siya sa harap ng laptop at nilagay na niya ang password.
"Pumili ka lang diyan kung ano gusto mong panoorin."
Lumingon ako noong marinig ko siyang suminghap. "Stef, you really love me but you don't show it to other people."
Umupo ako sa gilid ng kama ko. "Kahit noon pa lang mahal na kita. Hindi ako nakipag pusta o naawa sayo noon kaya kita nilapitan at tinulungan. Minahal kita kahit dati ka pang ugly duckling."
"Stef!" Tinulak niya ko pahiga sa kama kaya nasa ibabaw ko na siya at hinalikan niya ko sa labi. "I love you too."
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
Lãng mạnGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...