12

181 6 0
                                    

Niyaya ko na siyang sumayaw dahil ayaw ko rin naman maging party pooper.

"I heard that you had a miscarriege."

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "How did you know?"

"Hmph. Siyempre pinaimbestiga kita para alamin kung ano ang ginagawa mo nitong mga nakaraang taon. Nalaman ko rin na nagkaroon ka ng amnesia."

"Yes." Tumingin siya sa ibaba. "Noong nagkaroon ako ng malay pero wala akong maalala maliban sa pangalan ko."

Hinawakan ko ang baba niya para tingnan ako. "Yung sanggol na pinagbubuntis mo noon... ako ba ang ama?"

"I'm so sorry, Stef. Alam kong marami akong kasalanan sayo."

"Uulitin ko, Mona. Ako ba ang ama noong sanggol na pinagbubuntis mo?"

Dahan-dahan siyang tumango sa akin. "I'm sorry. Wala akong ideya na buntis pala ako. Kung alam ko lang na buntis ako sana..."

"Sana hindi mo tinuloy ang binabalak mong magpakamatay. Hindi mo na maibabalik ang nakaraan, Mona. Nangyari na. Namatay ang anak ko." Huminto na kami sa pagsasayaw dahil nasaktan ako sa mga natuklasan ko ngayon. "Kahit ilang beses ka pang humingi ng sorry sa akin hindi mo na mababago ang lahat."

Hindi ko na kaya. Sobrang sakit ng mga natuklasan ko. May isasakit pa ba dito? Baka meron pa!

"Stef!" Sumilyap ako sa kanya saglit. "Ano ba ang gusto mong gawin ko para patawarin mo ko – Hindi, kahit hindi mo na ko patawarin sa lahat na kasalanan ko sayo. Kahit anong gusto mo gagawin ko."

"Kahit anong gusto ko?" Walang alinlangan na tumango siya. "Wait me here after the event."

"Iyon lang ba ang gusto mong gawin ko? Ang hintayin kita dito?"

"Of course not! Marami pa kong gustong ipagawa sayo pero ayaw kong masira ang gabi ko dahil sa mga natuklasan ko." Sabi ko at tumuloy na sa paglalakad.

"There you are, Stefan."

Lumingon ako noong may narinig akong boses. "Bakit? May kailangan ka ba sa akin, Wacky?"

"Hindi ako may kailangan sayo pero si Paula. Kanina ka pa kasi niya hinahanap."

"Bakit namam ako hinahanap ni Paula?"

Kibit balikat ito sa akin. "Baka yayain ka niya makipag sayaw sayo. Bawal ka tumanggi."

Sumimangot ako sa huli niyang sinabi. "Ano ba kasi ang pakulo niyo magasawa ah?"

"Wala naman. Gusto lang namin idiriwang ang ika-tatlumpu't anim na anibersaryo ng agency. Si Serena pa nga ang nagbigay ng ideya kung ano ang gagawin."

Kumunot ang noo ko. "Siguraduhin niyo lang na hindi niyo pinapakialam ang personal na buhay ko. Knowing my twin sister kapag gusto niya ako inisin pinapakialam niya ang buhay ko."

"Whoa there, buddy! We know nothing. Even I asked your twin sister, she doesn't know anything. Pero naririnig ko sa iba na ex girlfriend mo daw yung bagong modelo. Noong sinabi ko kay Serena pero wala siyang ideya na siya pala yung naging girlfriend mo. At saka huwag ka magaalala hindi namin papakialamin ang buhay mo."

"Mabuti nagkakaintindihan tayo, Wacky. Ang ayaw ko sa lahat pinapakialam ang buhay. Pumayag ako sa kagustuhan niyong umattend ako dito dahil bawal ako tumanggi. Kung alam ko lang na si Mona pala ang magiging partner ko ngayong gabi sana hindi na lang ako umattend."

"Nandiyan ka lang pala, Stefan."

Pareho kami napalingon ni Wacky noong marinig namin ang boses ni Paula.

"Sorry, Paula. May pinagusapan lang kami ni Stefan kanina."

"Ayos lang, Wacky."

"Bakit mo ba ako hinahanap?"

Hinawakan niya ang braso ko. "Sayaw tayo. Ang sabi ni Serena ay nagpractice ka daw kung paano sumayaw. Tingnan natin kung may improvement."

"Bakit? Nakita mo na ba ko sumayaw dati para sabihin mo sa akin kung may improvement ang pagsasayaw ko?"

"Hindi pa. Si Serena kasi ang magiging judge."

"Ugh!" Hinawi ko ang braso dahilan napalingon sa akin si Paula. "Hindi niyo na kailangan alamin kung may improvement ba sa pagsasayaw ko. Nahirapan nga rin ang nagturo sa akin dati."

Pagsisinungaling ko. Ayaw ko talaga ang sumayaw kahit sabihin nilang may improvement ako.

"Pumayag ka na, Stefan. Ako nga lang ang walang partner dito."

"Nasaan ang partner mo?"

"Si River sana ang partner ko ngayong gabi pero busy sa girlfriend niya at sa kasal nila. At mukhang hindi kayo nagkaayos ni Mona."

"Tsk. Bakit ba hindi mo sinabi sa akin?"

"Kung sinabi ko sayo kung sino ang partner mo baka hindi ka pumayag. Kaya sinabi ko sayo na makilala mo siya sa mismong event. Bakit may nangyari ba kanina?"

"It's none of your business."

Wala na rin ako sa mood para magsaya pa pagkatapos kong matuklasan ang lahat. Magkakaroon sana ako ng anak pero sa kagagawan ng ex girlfriend ko kaya hindi siya nabuhay.

"May dala ka bang kotse?" Tanong ni Serena sa akin.

"Wala. Commute lang ako papunta dito kanina."

"Hatid ka na namin."

Sumabay na ko kila Serena dahil ayaw ko na rin gumastos pa ng pamasahe.

"Stefan, I heard the new girl is your ex girlfriend. Hindi ba siya yung tinatawag nilang ugly duckling? Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya pala yung naging girlfriend mo? Pero in fairness ang ganda na niya ngayon ah."

"Pwede ba huwag na natin pagusapan ang tungkol diyan kung ayaw mo magaway pa tayo."

"Bakit ba kasi hindi mo sinabi sa akin?"

"Serena, stop! Mahirap bang intindihin na sinabi kong huwag na natin pagusapan ang tungkol diyan?!"

"Gusto ko lama–" Nakita ko ang paghawak ni Wacky sa braso ng asawa niya saka umiling para sabihin na huwag na siya makulit baka magaway nga talaga kayo. "Pero gusto ko talaga malaman."

"Stop it already, Misis ko. You are Stefan's twin, you should feel what he feels."

Mabuti pa si Wacky naramdaman niyang wala talaga ako sa mood kaso si Serena simulang sanggol pa lamang kami magkasama na pero hindi niya pa rin maintindihan. Tsk.

Dumungaw na ako sa labas ng bintana dahil kahit kailan iiyak na ko na kanina ko pang pinipigilan at iniisip ko kung may nakalimutan ba kong gawin kanina.

Kung meron man baka hindi iyon importante sa akin.

Bumaba na ko sa tapat ng bahay at hindi na nga ako lumingon pa sa kotse ng magasawa. Nakapatay na ang mga ilaw dahil tulog na si Calyx at anong oras na rin natapos ang grand ball. Mabuti nga inanunsyo rin ni Wacky kanina na magpahinga na muna kami.

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now