34

281 4 0
                                    

Stefan's POV

"Stefan."

Binaling ko ang tingin kay Mason. "Yes?"

"Narinig ko kay Serena na may balak ka na daw humawak ng kumpanya ngayon. Ano ang nakain mo at nagkaroon ka ng interest?"

"Totoo ba 'yon, kuya Stefan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rico. Mabuti nga umattend ng reunion ito, eh.

At saka alam nilang lahat na wala akong interest sa kumpanya namin kaya nga ang pagmomodelo ang trabaho ko.

"Yeah, wala kasi sa amin magkakapatid na may gusto pumalit kay dad saka hindi na umaasa si dad kay Calyx at hindi na rin bumabata si dad. Baka kasi hinahayaan na niya ang sarili niya kaya naisip ko na palitan ko na lang siya. Kaso wala akong alam paano humawak ng kumpanya." Sabi ko at binaling ko ulit ang tingin kay Mason. "Pwede mo ba kong tulungan? Kahit yung mga basic lang."

"Pwede kitang tulungan pero hindi ako magtuturo sayo. Alam mo naman ayaw kong mawalan ng oras sa pamilya ko."

"So... Siya ba yung naging girlfriend mo dati?" Tanong ni Riley sa akin. Ang alam niya lang na may nililigawan ako dati pero wala siyang alam na sinagot na pala ako ng nililigawan ko. Hindi kasi ako ganoon close sa kambal.

Si Rico kasi may sariling mundo este palaging busy sa pagaaral kahit nga rin ngayon busy pa rin sa trabaho tapos si Riley may sariling group of friends. Kaya si Mason ang madalas kong kasama noong nagaaral pa kami.

"Siya nga yung girlfriend ko dati."

"Akala ko ba hindi mo mahal si Mona." Sabi ni Mason.

Kadramahan ko lang iyon dahil maiinis ako dati kay Mona.

"Kahit anong pigil ko, si Mona pa rin ang babaeng minahal ko. Sabi ko nga sayo dati na gusto ko siya pahirapan sa ginawa niya pero hindi ko magawa."

"Oo nga pala, Stefan." Singit ni Wacky. Nandito rin siya kahit nga rin si River. "Kailan pala kayo magpapakasal ni Mona?"

"W-Wait! Kasal?! Wala akong ideya na engaged na pala kayo ni Mona ngayon."

Ngumiti ako. "Hindi ba ipinakilala ko sa inyo si Mona bilang fiancee ko? Ibig sabihin engaged na ko sa kanya."

"Oo nga pala. Pasensya na, insan hindi kasi ako masyado nakikinig kanina. Ginugulo kasi ako ng kambal."

Ibinaling ko ulit ang tingin kay Wacky. "Hindi pa kasi namin pinaguusapan ni Mona kung kailan ang kasal. O baka pagkapanganak niya."

"Nauna pa talaga ang anak."

"Magpipinsan nga kasi tayo." Natatawang sagot ko.

"Huwag niyo ko idamay diyan ah. Kasal na ko bago kami nagkaroon ng anak ni Kate."

Natapos na ang reunion pero hindi pa rin tapos magusap ang mga asawa namin. Mukhang nageenjoy naman si Mona sa kanila.

"Stefan." Lumingon ako noong marinig kong tinawag ako ni Mason. "Pwede ka ba sa Monday?"

"Yes, why?"

"Pumunta ka sa DL Corp sa Monday para magsimula ka na sa training mo."

"Hindi mo ba muna kakausapin yung taong magtuturo sa akin para alam niya."

"No need." Tinuro niya si Rico kung nasaan ito. "Si Rico ang magtuturo sayo at kinausap ko na siya kanina. Pumayag na rin naman siya."

"Thank you, Mason."

"Walang pinsan-pinsan sa trabaho, kuya Stefan at saka hindi ko rin iisipin na mas matanda ka sa akin."

Tumawa ako. "Oo na. Si Riley nga hindi ako tinatawag na kuya, eh."

"Nadamay ako diyan." Sabi ni Riley habang karga niya ang bunsong anak nila ni Airi.

"Bakit? Ni minsan hindi mo nga ako tinatawag na kuya Stefan."

"Kung tinawag kitang kuya Stefan baka malito ka lang sa amin ni Rico." Tinanggal ni Riley ang suot na salamin ng kakambal niya at binaba niya rin ang anak niya. "Sino ngayon si Rico at sino si Riley sa amin?"

"Siya si Rico." Tinuro ko kung nasaan si Rico. "At ikaw si Riley."

"Ngayon alam mo kasi nakita mo. Paano kung hindi mo nakita na inalis ko ang salamin ni Rico at binaba ko ang anak ko kanina? Malilito ka sa amin."

Sabagay, tama naman si Riley doon. Baka nga malito ako sa kanilang dalawa ni Rico.

"Ayos lang 'yan, Stefan. Ako nga hindi kita tinatawag na kuya kahit mas matanda kayo ng isang taon ni Serena sa akin." Natatawamg sabi ni Mason.

Pagkatapos magusap ng mga babae ay umuwi na kami ni Mona.

"Punta na ko sa kwarto ah."

"Sige, magpahinga ka na."

Halata sa mood ni Mona kanina na ayaw niyang umattend sa reunion pero hindi niya man lang sinabi sa akin.

Salamat sa mga pinsan kong babae at kay Serena na hindi nabored kanina si Mona.

Pumunta na rin ako sa kwarto namin para magpahinga. Sobrang nakakapagod ngayong araw. Paano pa kaya sa Monday? Kailangan ko pang pumunta sa DL Corp. Sana nga lang hindi ako pahirapan ni Rico.

Nagising ako wala ng araw sa labas at tulog pa rin si Mona. Kaya nagpasya na ko bumaba para magluto ng hapunan namin.

Naapangat ang tingin noong may narinig akong naglalakad. Abala kasi ako sa pagayos ng mesa para makakain na kami.

"Gigisingin na sana kita pagkatapos ko dito."

Umupo na siya sa harap ng hapag at binaling ang tingin sa akin. "Wala bang seafoods?"

Kumunot ang noo kong tumingin sa kanya. "Hindi ba ang sabi mo may allergy ka sa seafoods?"

"Oo nga may allergy nga ako sa seafoods pero iyon ang gusto kong kainin ngayon."

Shit. Sa dami pwede niyang paglihian doon pa talaga sa seafoods.

"Hindi ka pwedeng kumain ng seafoods. Hindi lang ang buhay mo ang ipapahamak mo pati rin ang buhay ng magiging anak natin."

"Pero..."

"Hep! Huwag na matigas ang ulo at makinig ka sa akin, Mona."

Mukhang mas mahihirapan pa kong alagaan si Mona kaysa noong buntis pa si Serena ah.

Bakit pa kasi sa seafoods siya naglilihi? Sa daming pagkain sa mundo doon pa talaga.

"Fine. Pipilitin ko na lang kainin kung ano meron dito kahit ayaw ko."

"Mona naman. Ipapahamak mo ang buhay niyo ng anak natin. Ayaw kong mawala ka ulit sa akin kung papayag akong papakainin kita kung saan may allergy ka."

"Okay, ganito na lang. Payagan mo kong make love tayo mamaya."

"Huh? Um... Oh, sige! Pumapayag na kong make love tayo mamaya."

Iyon talaga ang gusto niyang gawin namin. Hindi naman siguro bawal gawin iyon kahit buntis si Mona, 'no? Magiingat na lang ako para hindi mapahamak ang anak namin.

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now