Mona's POV
Pagkababa ko ng taxi ay si Stef ang una kong nakita. Maaga nga ang punta ko sa simbahan kahit mamaya pa ang simula ng kasal nina River at ang magiging asawa nito. Ang balita ko girlfriend ni River ay ang pinsan ni Stef.
"Bakit nandito ka na? Mamaya pa magsisimula ang kasal." Nagulat siya pagkakita niya sa akin.
"Wala rin kasi ako magawa sa bahay kaya nagpasya na lang ako pumunta dito ng mas maaga."
"Nagaayos pa kasi yung groom at bride. Gusto mo bang sumama sa akin na puntahan si River?"
Tumango ako. "Okay."
Naglalakad na kami sa hallway na hindi niya binibitawan ang kamay ko. Para bang mawawala ako sa tabi niya o maagaw sa kanya.
"Isang buwan na rin noong may nangyari sa atin. May nararamdaman ka bang kakaiba?"
Ang akala ko nga ayaw niya ng anak pero biglang nagbago si Stef noong inamin niya sa akin na mahal niya pa rin ako.
Mabilis akong umiling sa kanya. "Negative."
Sumimangot ito. "Gusto mo ba bukas magpa check-up?"
Muli akong tumango sa kanya. "Gusto ko kasi bigyan ka ng anak balang araw."
"It's okay. Kung hindi tayo makabuo ngayon, may ibang araw pa naman. Kung wala talaga may iba pang paraan."
"Bakit biglaan yata nagkaroon ka ng interesado na magkaroon ng anak sa akin? Parang dati lang ayaw mo."
"Maya na tayo magusap." Nalungkot ako noong binitawan na niya ang kamay ko.
Wala talaga magagawa kung ayaw niyang may makakita na ganito kami ni Stef. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya sabihin sa iba na may balak siyang ligawan ako.
"Oh, bakit kayo magkasama na dalawa?" Pagtataka ni River pagkapasok namin sa loob.
"Nagpumilit na sumama sa akin dahil gusto ka niya makita."
Hala, wala akong sinabing ganoon. Siya nga ito nagyaya sa akin na sumama dito.
"Ayaw mo pa kasing aminin na mahal mo rin siya."
"Imposible iyang sinasabi mo, River. By the way, congrats nga pala. Balik na ko sa simbahan ah."
Nalulungkot ako pagbalik sa simbahan. Sobra na kong nasasaktan sa pinag gagawa ni Stef sa akin. Binigay ko naman sa kanya ang lahat pero talagang may kulang.
"Hello." Inangat ko ang tingin at may nakita akong may edad na babae. Medyo hawig nga lang ni Stef. "Why are you sad, hija? Kaibigan ka ba ng groom?"
Umiling ako. "Hindi po kami ganoon close ng groom pero katrabaho ko siya. Baguhan pa lang po kasi ako sa agency."
"I see... Teka, hindi ba ikaw yung kasama ng anak ko kanina? Nakita ko kasi kayo na magkasama."
Namilog ang mga mata ko. "Mommy po kayo ni Stefan?"
Hindi ko nga pala nakilala ang pamilya ni Stef dahil natatakot ako baka husgahan rin nila ako gaya ng mga tao. Sobrang panget ko noon kaya hindi kami bagay ni Stef sa isa't isa. Tago kami nagkikita kasi ayaw ko may makakita sa amin na magkasama.
"Yes, I'm his mother. May I know your name, hija?"
"Mona po."
"Mom, nandito lang po pala kayo. Hinahanap ka ni dad kanina." Rinig kong sambit ni Serena at binaling ang tingin sa akin. "Nandito ka rin pala, Mona."
"You know her, Serena?"
"Of course, mom. She is Stefan's ex girlfriend."
"Ex girlfriend?!" Gulat na humarap sa akin ang mommy nila. "Bakit kayo nagkahiwalay ng anak ko?"
"Pinadala po kasi ako ng mga magulang ko sa France at dahil sobrang hirap ng long distance relationship nakipag hiwalay po ako kay Stefan." Sabi ko at kinagat ko ang ibabang labi ko dahil anytime papatak na ang luha ko. Baka masira pa ang make-up ko kapag umiyak ako.
"Serena, pwede mo bang samahan si Mona mag re-touch? Puntahan ko lang ang daddy mo."
"Sure, mom."
Sumama na ko kay Serena sa women's comfort room para ayusin ang make-up ko.
"Bakit ka nagsinungaling kanina?"
Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?"
"Sorry kung nangialam na ko kahit sinabihan na ni Stefan si Wacky na huwag pakialamin ang personal life niya. Pero hindi ko talaga tinitigilan si Wacky na alamin niya ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay ni Stefan. Sigurado akong sinabi niya kila River o Paula ang nangyari sa inyo."
Mabilis akong umiling. "It's okay. Kasalanan ko naman talaga kung bakit galit sa akin si Stef. Kung hindi lang siguro ako pinanganak na panget baka hindi ganito ang mangyayari sa akin."
"Huwag mong isipin na panget ka."
"Yan na yan rin ang sinabi sa akin ni Stef dati."
"Dahil iyon kasi ang nakikita namin. Kahit hindi sabihin ni Stefan alam kong mahal ka pa rin niya."
"Umamin siya sa akin dati na mahal pa rin niya ko. Ewan ko ba kung bakit hindi niya magawang ipakita sa ibang tao na mahal niya talaga ako."
"Minsan hindi ko na maintindihan ang takbo ng utak niya." Nakangiti niyang sabi. "Ayan, tapos na kita ayusan. Sigurado akong mas lalo mahuhulog sayo ang kakambal ko."
"Thank you." Humarap na ko sa salamin at ibang iba nga ang ayos ngayon kumpara kanina. Mas maganda nga ang ginawa ni Serena sa akin.
"Balik na ko ah. Baka kasi hinahanap na ko ni Wacky."
"Salamat ulit ah."
Hindi ko na matanggal ang tingin ko sa salamin kasi sobrang ganda talaga ng pagkaayos ni Serena sa akin.
"Talagang ginagalit ako ni Serena. Sinabihan ko na sila magasawa na huwag nila papakialamin ang personal life ko." Nagulat ako pagkarinig ang boses ni Stef at nilock pa niya ang pinto.
Lumingon ako sa kanya. "S-Stef... Hindi naman nila pinapakialam ang personal life mo. Gusto lang malaman ni Serena kung bakit tayo naghiwalay."
"Ganoon na rin iyon! Pinilit pa rin niya si Wacky alamin ang nangyari sa atin!"
"Gusto lang naman tumulong ni Serena na magkaayos tayong dalawa."
"Tulong?" Napatalon ako sa paghampas niya sa pinto. "Pwes, hindi ko kailangan ng tulong na kahit sino! Kahit pamilya ko pa iyan!"
Nagsimula na ang wedding ceremony. Ang totoo nga niyan ang ganda ng bride ni River. Isang beses ko lang siya nakita noong pumunta siya sa agency at ang sabi ni River isa siyang architect.
Simula noon nangyari kanina hindi na ko pinapansin pang muli ni Stef. Ang akala ko magiging okay kami pero mas lalong lumala ang galit niya sa akin.
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomantizmGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...