8

169 5 0
                                    

Present...

Regret.

Ilang taon ko sinisi ang sarili ko tapos malalaman kong buhay pala siya at sa agency rin siya nagtatrabaho kaya bumalik rin ako sa pagmomodelo.

Kasal na rin si Serena kay Wacky. Naging kontra bida pa nga ako sa kapatid ko dahil ayaw ko na makita siyang umiyak. Kahit hindi sabihin sa akin ni Serena ay mahal niya si Wacky. Kaya nga gumawa ako ng paraan para magkaayos ang dalawa. Kinuha ko pa nga noon si Kiefer para ipalabas nawawala ang anak nila at kasabwat ko rin si Calyx noong mga panahon na iyon. Mabuti nga hindi sinabi ni Calyx ang plano ko.

"Stefan! Bakit hindi ka pa nagpapalit? Naghihintay na sayo yung makakasama mo sa photoshoot."

"Bahala siya maghintay."

"Alam kong galit ka kay Ms. Tolentino pero kailangan mo sumipot sa photoshoot."

"Tinatamad ako pumunta, Pau. Wala na bang ibang paraan? Ayaw ko kasi siya ang kasama ko."

Aaminin ko hanggang ngayon mahal ko pa rin si Mona pero ilang taon siya walang paramdam sa akin. Ang akala ko pa man matagal na siyang patay.

Ilang taon ako nagluluksa sa kanya tapos buhay pala!

Kung maaari ibalik niya ang lahat na sinasayang kong luha. Bwesit.

Gaguhan lang pala ang gusto. Sana hindi na lang siya ang minahal ko para hindi ganito ang nararamdaman ko ngayon. Ano ba ang ginawa kong mali para gawin niya sa akin ito? Naging mabuting boyfriend naman ako sa kanya at palagi ko siya sinusuportahan. Nasa tabi niya ko palagi kapag kailangan niya ng kausap. Ano ba ang mali doon?! Pakipaliwanag nga sa akin! Nang gigil kasi ako.

"Magbihis ka na, dali!"

"Magbibihis ako sa harapan mo? Pero okay lang sa akin. Girlfriend naman kita."

"Paalala ko sayo nagpapanggap lang akong girlfriend mo dahil gusto mong gumanti kay Ms. Tolentino. Pumayag ako sa kalokohan mo kasi ayaw kong mawala ang pagiging profesional mo. Ilang taon ka wala sa sarili mo dahil ang akala mo patay na ang ex girlfriend mo."

"Oo na. Huwag mo na ipaalala sa akin ang nangyari."

Sumipot na ko sa photoshoot at ako na nga lang ang hinihintay nila, eh.

"Mabuti nandito ka na, Stefan." Sabi ni River. Minsan na lang din pumunta si River dito sa agency kasi busy rin siya kay Mei.

Ang swerte rin ng kumag na ito dahil ang pinsan ko ang naging girlfriend niya.

"Wala rin naman akong choice."

"Okay. Pumuwesto ka na sa harap at magsisimula na tayo."

Hindi ko nga magawang dumikit sa kanya. Kahit dumikit ng ilang pulgada ang balat namin tapos sasabihin ni River na lumapit pa ko sa kanya. Over my gorgeous body! Ayaw ko!

"Stefan, ano ba! Hindi tapos matatapos nito kapag hindi ka lumapit kay Mona." Halata sa boses niya na stress na stress na siya.

"Pasensya na. Hindi ko talaga kaya ang pinagagawa mo sa akin." Sabi ko sabay walk-out.

Bumalik ako sa dressing room para magpalit ulit ng damit at umalis rin agad sa agency.

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now