Prologue

911 16 0
                                    

"Akin na kasi iyan!"

May narinig akong boses ng isang babae sa hindi ganoon kalayuan. Sinundan ko kung saan nang gagaling ang boses na iyon hanggang sa makita kong may babae na namang binubully ng mga varsity. Wala talaga sila magawa sa buhay nila kapag trip nila bully-hin ang isang tao ay bubully-hin talaga nila. Tsk.

"Ibalik niyo na kasi iyan!" Sinusubukan niyang abutin ang isang bagay na mas lalong tinataas ng isang varsity para hindi maabot nito.

"Paano kung ayaw ko?" Nakangisi pa sabi nito.

"Ibalik mo na–" Nagulat yung babae noong tinapon ng varsity yung bagay na hawak niya sa basurahan.

"Nice one, dude! 3 points."

"Siyempre! Magaling talaga ito." Nakipag apiran pa siya sa mga kasamahan pa niyang varsity rin.

Umalis na yung mga varsity habang tumatawa ito. Masaya ba sila dahil may napaiyak na naman silang estudyante? Tsk, wala talaga sila magawa sa buhay nila.

Nilapitan ko na siya habang abala sa paghahanap sa gamit niya sa basurahan.

"Hindi pwede mawala iyon." Sabi niya.

"Need help?"

Nagulat ako noong tumingin siya sa akin. Mukhang alam ko na kung bakit isa siya sa mga binubully ng mga varsity na iyon. But I don't want to judge other people. Baka may dahilan kung bakit ganyan ang itsura nila o kung ano pa man.

"Hindi na. Kaya kong hanapin na magisa ang gamit ko."

"Sure ka? Mas madali hanapin iyon kapag tutulungan kita lalo na't malapit na gumabi."

"Baka madumihin ka pa kung tutulungan mo ko sa paghahanap at saka hindi mo nga alam kung ano ang hinahanap ko."

"Hindi nga. Kung hindi mo sasabihin sa akin kung ano ba ang hinahanap ko." Nirorolyo ko na ang sleeves ng uniform ko.

"Bracelet yung hinahanap ko."

Tinulungan ko na siyang hanapin ang bracelet niya sa basurahan.

"Importante ba sayo ang bracelet na hinahanap natin?"

"Oo, may sentimental value kasi ang bracelet na iyon sa akin. Iyon kasi ang huling binigay sa akin ng lola ko bago pa siya namatay. Kaya hindi pwede mawala yung bracelet."

Hindi na ko nagsalita pang muli dahil abala ako sa paghahanap sa bracelet niya hanggang sa...

"Heto ba yung bracelet?" Ipinakita ko na sa kanya yung nahanap ko.

"Iyan nga!" Kinuha na niya sa akin ang bracelet. "Maraming salamat!"

"Wala 'yon. Ngayon nahanap na natin ang bracelet mo, alis na ko ah. Kaya umuwi ka na rin sa inyo baka hinahanap ka na."

Nilinis ko na muna ang sarili ko dahil sobrang dumi ko at mas lalong mabaho kasi basura pa ang hinawakan ko kanina.

"Ang baho mo, Stefan!"

"Shut up, Serena! Tsk."

"Huwag kang lalapit sa akin na ganyan ang amoy mo. Maligo ka na muna!"

Ugh, ano pa nga ba ang magagawa ko? Kaysa walang katapusan na sermon ang matatanggap ko galing kay Serena.

"Ano ba ang nangyari sayo kanina? At kung bakit ang baho mo."

"May tinulungan lang ako kanina."

"Alam kong hindi masama ang tumulong sa kapwa pero sana hindi mo kinalimutan na may photoshoot ka kanina. Ang kaso hindi ka sumipot."

Shit. Nawala sa isip ko ang photoshoot ko kanina.

"Kaya humanda ka bukas at paniguradong pagagalitan ka ni Paula dahil hindi ka sumipot."

Ugh, kailan ba tatahimik ang buhay ko? Mabuti na nga lang wala pa kong girlfriend dahil kapag nakalimutan ko may date kami o anniversary namin ay panigurado akong walang kapatapusan na sermon matatanggap ko sa girlfriend ko.

Sakit sa ulo ang mga babae.

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now