Ilang buwan na ang lumipas at kapag nakakasabay ang vacant namin ni Stefan ay nagkikita kami sa tambayan.
Namilog ang mga mata ko noong may humalik sa pisngi ko at napatingin ako sa kanya. "Ano ang ginagawa mo?"
"Kiss your cheek. Wala naman siguro masama doon, 'no? Girlfriend naman kita."
Hindi ko na rin pinatagal ang panliligaw ni Stef sa akin. May gusto rin naman ako sa kanya kaso natatakot akong umamin sa kanya. Paano kung naawa lang pala siya sa akin? O kaya isang araw magising na lang ako na hindi pala niya ko kilala. Para tuloy ayaw ko ng magising kung isa itong panaginip.
"M-May gusto pala akong sabihin sayo."
Kita sa gilid ng mata ko na tumingin siya sa akin. "Ano ang sasabihin mo?"
"Pagkagraduate kasi natin um... ipapadala ako ng mga magulang ko sa Paris at doon na ko titira sa tita ko."
Alam ko naman pagkarating ko doon ay gagawin akong alipin ng tita ko. Sino ba naman tatanggap sa akin doon? Siyempre, wala. Sa panget kong 'to.
"I see... May apat na buwan pa bago ang graduation natin. Ibig sabihin lubusin natin ang mga oras na magkasama tayo."
"Hindi ka makikipag hiwalay sa akin?"
"Bakit ko naman iyon gagawin? Maghihintay ako sa pagbalik mo."
"Mahirap ang long distance relationship, Stef."
"Kakayanin natin ang LDR kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako sa pagbalik mo."
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan na naman niya ako pero ngayon ay tumugon na ko sa kanya.
"Thank you, Stef. Kung kailangan ko ng kausap palagi ka nasa tabi ko at handa makinig sa akin."
"Sabi ko nga sayo hindi ka na nagiisa ngayon. Nandito na ko sa tabi mo at hindi kita iiwan. Promise 'yan."
Tumayo na ko. "Kailangan ko na pala umuwi. Malapit na ang midterm exams natin kaya kailangan na muna natin magaral."
"Oo pala. Nawala na sa isip ko ang tungkol sa midterm exams natin. Kailangan ko rin pala kausapin ang manager namin."
"Good luck."
Ngumiti siya sa akin. "You too."
Muli ako nagpaalam sa kanya at kinuha ko na ang bag ko bago umalis sa tambayan namin.
"Hey, ugly duckling."
Lumingon ako sa kanya. "Ano ang kailangan mo sa akin?"
"Layuan mo si Stefan."
Paano niya nalaman na nagkikita kami ni Stef kapag sabay ang vacant namin? Wala kami pinagsasabi na iba na nagkikita kami dahil ayaw ko lalaitin ako ng mga tao.
"Huwag ka na magtaka kung paano ko nalaman. Halos lahat alam na magkasama kayo palagi ni Stefan."
Imposibleng sabihin ni Stef sa iba ang tungkol doon.
"Hmph... Malabong papatulan ka ni Stefan. Kung patulan ka man niya baka naawa lang siya sayo."
Yumuko ako. "Kung iniisip mo na girlfriend niya ko."
"Aba, ilusyunada ka pala. Huwag ka na mag ilusyon na magigi-"
"Siya ang layuan mo!"
Pareho kami napalingon sa taong nagsalita. Bakit nandito ang pinsan ni Stef?
"Mason..."
Lumalapit na sa amin si Mason. "Lalayuan mo siya o gusto mo mawalan ng trabaho ang mga magulang mo."
"B-Bakit mo naman gagawin iyon, Mason? Wala akong ginawang mali para tanggalin mo sa trabaho ang mga magulang ko."
"Anong wala? Sinasabihan mo siya na layuan niya si Stefan. Hindi mo ba kilala kung sino itong kinakausap mo?" Sabi niya at tumingin ako sa kanya para sabihin na huwag niya pasabi sa iba kung may alam man siya.
"She's an ugly duckling."
"Maybe she's an ugly duckling but she's still important to Stefan."
Hindi ko alam kung nang iinsulto ba siya o ano.
"Tsk. Hindi pa ko tapos sayo, panget."
"Subukan mo lang. Malalaman mo na lang isang araw wala ng trabaho ang mga magulang mo at hindi na muli sila makakahanap ng malilipatan."
"Um, hindi mo naman kailangan gawin iyon."
"Hindi naman ako papayag na walang gawin habang inaapi ka noon kanina at saka girlfriend ka ni Stefan."
Kumurap ako. "May alam ka?"
"Of course. Sa akin pa nga siya nagpapatulong kung paano manligaw. Ang kaso..." Napakamot siya ng ulo. "Wala akong ideya kung paano manligaw. Wala pa nga ako naging girlfriend."
"Hindi mo na kailangan ako iligtas sa mga iyon kahit alam mo ang lahat." Sabi ko. Magpinsan nga talaga kayo ni Stef. Pareho kayong pakialamero pero kahit niligtas ako ni Stef mga bullies dati ay naging masaya naman ako sa tuwing kasama ko siya.
"Kahit thank you lang ang sabihin mo."
"Eh, thank you. Alis na ko." Nagmamadali na ko umalis sa harapan niya.
Kung dati excited ako grumaduate dahil matatapos na rin ang pangaapi nila sa akin pero ngayon hindi na ko excited kasi pagkatapos ng graduation namin aalis na ako at mapapahiwalay na ko kay Stef. Hindi ko nga alam kung babalik pa ba ko dito.
Ayaw ko naman paasahin si Stef sa wala kung hindi rin naman ako babalik.
Kinabukasan maaga akong pumasok pero nakita kong naghihintay sa akin si Stef kaya lang hindi ko siya pinansin.
"Mon." Tawag niya sa akin pero tuloy lang ako sa paglalakad. "Mon!"
Humarap ako sa kanya. "Ano ba!"
"May nagawa ba ko kung bakit ka galit ngayon?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "W-Wala. May iniisip lang kasi ako kanina."
"Ang balita ko may nang away daw sayo kahapon ah."
"Sinabi ba sayo ni Mason?" Hay naku. Hindi lang pala pakialamero, sumbongero rin pala.
"Siyempre sasabihin niya sa akin ang nangyari sayo. Sorry kung wala ako sa tabi mo noong nangyari iyon para iligtas kita doon."
"Hindi niyo naman kailangan gawin iyon, eh. Kahit sabihin mong girlfriend mo ko o special someone hindi mo pa rin kailangan iligtas ako sa mga bullies. Sanay na ko sa ganyang bagay. Hindi na bago sa akin iyon." Sabi ko at iniwanan na si Stef. Ang dami tuloy nakarinig sa pinagusapan namin at panigurado akong alam na nilang girlfriend ako ni Stef.
Hindi ko na lang papansinin ang panlalait nila sa akin. Kung ano ang nagustuhan ni Stef sa akin para maging girlfriend niya. Sobrang panget ko kaya.
Habang naghihintay sa sunod na klase namin. As usual, ang iingay ng mga kaklase ko.
"Alam mo na yung balita?" Rinig kong sambit ng babae kong kaklase sa kausap niya.
"Oo. Hindi nga ako nakapaniwala. Ano kaya ang nagustuhan ni Stefan sa kanya? Ang panget kaya niya."
"Baka pinagpustahan lang nila ng mga kaklase niya kaya pumatol si Stefan sa katulad niya."
Pinagpustahan? Bakit hindi ko naisip ang bagay na iyon? Masakit kapag iyon nga ang dahilan kung bakit ako niligawan ni Stef.
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...