28

207 9 0
                                    

Mona's POV

"Ayaw ko na marinig pa kung ano ang sasabihin mo." Tumayo na ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib noong sinabi niyang may balak siyang ligawan noon si Paula.

Dapat pala hindi ko na lang tinanong sa kanya. Tsk, dahil sa curiosity na 'yan nasaktan pa tuloy ako.

"What's wrong?"

"Nothing." Umiwas na ko ng tingin sa kanya at may nakita akong may dalawang babae ang nakatingin sa direksyon namin. Siguro mga fans ito ni Stef. Hindi talaga maiiwasan na maglalabasan ang mga fans kung may kasama akong sikat.

"Mon, sabihin mo sa akin kung may prob-"

Humarap ulit ako sa kanya. "Nagseselos ako. Okay na?"

"Nagseselos ka dahil sa sinabi kong may balak akong ligawan si Pau? Nireject niya ko."

"Paano kung hindi ka niya nireject? Itutuloy mo pa rin ba ang binabalak mong ligawan siya?"

"Hindi siya papayag. Kaya niya ko nireject dahil alam niyang may mahal na kong iba at ikaw 'yon, Mon. Sinabi ko rin naman kanina na pinipigilan ko lang ang nararamdaman ko para sayo." Lumapit na siya sa pagkatayo niya at hinawakan niya ko sa baba. "Huwag ka na magselos diyan. Sayo lang ako."

Magsasalita pa sana 'ko pero sinunggaban na niya ko ng halik.

"I love you." Sabi niya.

Muli akong umiwas ng tingin sa kanya. "Balik na ko sa hotel."

"Huh? Bakit? I mean may nasabi ba ko?"

"Inaantok ako bigla kaya gusto ko na muna matulog." Pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan nagseselos talaga ako at hindi ko talaga mapigilan magselos kay Paula. Sa sobrang tagal na niya kilala yung tao kumpara sa akin.

"Hatid na kita sa hotel para alam kong ligtas ka nakarating. Hindi ka pa naman familiar sa mga lugar dito at hindi mo rin kilala ang mga tao."

Humiga na ko sa kama pagkabalik ko sa hotel kaso hindi ako iniiwanan ni Stef kahit sinabi ko na sa kanya na maaari na siyang umalis. Makulit talaga.

Hindi daw siya aalis hangga't hindi ko sabihin sa kanya kung ano ang problema ko.

Eh, huwag siyang umalis. Basta ako magpapahinga na ko.

Nagising ako palubog pa lang ang araw at wala na sa hotel room si Stef. Baka umalis na habang tulog pa ko kanina. Wala rin naman siya gagawin dito, eh. Kaysa bantayan niya ko, umuwi na lang siya sa kanila.

Napalingon ako noong may bumukas sa pinto at nakita kong pumasok si Stef.

Nandito pa rin siya?!

Ang akala ko pa naman umalis na siya habang natutulog ako kanina.

"Gising ka na pala."

"Nandito ka pa rin pala. Ang akala ko umuwi ka na sa inyo."

"Hindi ba ang sabi ko sayo hindi ako aalis hangga't hindi mo sabihin sa akin kung ano ang problema."

"Wala nga kasi akong problema. Kaya pwede ka ng umuwi sa inyo. Baka kasi hinahanap ka na."

"Hindi na ko bata para hanapin ako ng mga magulang ko. At saka tumawag na rin ako na hindi ako makakauwi ngayon. Gusto kita alagaan."

Sasagot pa sana ako pero hindi maalis ang tingin ko sa plastic bag na hawak niya kaya tinuro ko 'yon.

"Ano iyang dala mo?"

Inangat niya ang plastic bag. "Ah, heto ba? Pagkain ito para makakain ka pagkagising mo."

"Anong pagkain iyan?"

"Marami akong binili. Hindi ko kasi alam kung saan ka naglilihi." Nilapag na niya ang plastic bag sa mesa.

"I hate you!"

"Ano na naman ba ang ginawa ko?" Napakamot siya ng ulo. "May problema ba tayo, Mon? Okay naman tayo kanina ah."

"Hindi ko maiwasan na magselos dahil mas matagal ka niyang kilala kumpara sa akin. Ni hindi nga tumagal ang pagsasama natin dahil sa problema ko sa pamilya ko." Pinunasan ko na ang luha ko na kanina pang pumapatak.

"Ano ang sabi ko sayo dati? Kung may problema ka nandito lang ako at handa akong tulungan ka." Umupo na siya sa gilid ng kama. "Nagsisi ako noon na hindi ko man lang inalaman dati kung may problema ka ba o wala. Kaya ngayon hindi na ko papayag hindi mo sabihin sa akin ang problema mo."

"Wala naman akong problema. Nagseselos lang talaga ako."

"Sigurado kang wala? Baka ayaw mo na namang sabihin sa akin."

"Wala nga. Ang kulit nito."

Niyakap niya ko at hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Palagi ko kasi sinasabi sa sarili ko na kung pwede lang bumalik sa nakaraan ay gagawin ko at sasabihin ko sa sarili ko na kulitin ka para sabihin sa akin kung may problema ka ba o wala. Dahil ayaw ko ng maulit ang nangyari noon."

Ginantihan ko siya ng yakap. "Hindi na mauulit ang nangyari noon. Hindi na ko mawawala sa tabi mo."

Humiwalay na siya ng yakap sa akin. "Kain ka na. Lumalamig na yung dinala kong pagkain para sayo."

Tiningnan ko na ang mga dinala niyang pagkain para sa akin. Sobrang dami naman nito at hindi ko kayang ubusin ang lahat na ito.

"Hindi mo ba ko sasamahan kumain?"

"Binili ko iyan para sayo dahil ayaw kong magutom kayo ni baby."

"Pero hindi ko ito mauubos na magisa. Ang dami kaya nito."

"Dalawa naman kayo kakain."

"Stef, dali na! Samahan mo na ko kumain. Magtatampo ako sayo."

Bumuga siya ng hangin. "Okay, sasamahan na kita kumain."

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na siya sa akin na uuwi na. Ang sabi niya hindi siya aalis hangga't hindi ko sinabi sa kanya kung ano ang problema ko pero wala talaga akong problema. Nagseselos lang talaga ako.

Bigla ko tuloy namiss si Stef. Kung pwede nga lang na dito muna siya pero baka marami siyang gagawin sa kanila. Bukas ko na lang siya tatawagan kung pwede ba niya ko puntahan.

Tinanghali na pala ako ng gising dahil napasarap ang tulog ko. Ewan ko ba nagiging antukin na ko simulang nabuntis ako o ganito talaga kapag buntis.

Ano ba ang pwedeng kainin? Nagugutom na ko ngayon pero tinatamad akong lumabas para maghanap ng makakainan.

Parang gusto ko kumain ng something sour.

Habang iniisip ko kung paano ako makakain ng maasim na pagkain ay biglang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Stef sa ID caller.

"Hello?" Pagkasagot ko sa tawag.

"Nandito ako. Hinihintay ko na lang bumukas ang elevator at may dala rin akong makakain mo."

"Okay. Hintayin kita dito." Mabuti na lang dumating si Stef. Tinatamad talaga ako lumabas.

Hindi naman ako naghintay ng matagal nang may kumatok na sa pinto.

Nilapag na niya sa mesa ang dala niya.

"Ang dami naman niyan."

"Hindi kasi ako tinitigilan ni mom kanina baka daw hindi ka makakain. Kaya nag grocery ako wala sa oras."

"Naabala ka pa tuloy."

"Ano ka ba. Gusto ko rin namang alagaan ka. Kumain ka lang nang kumain diyan at saka ang iba dito kapag nagutom ka pwede mo kainin. Hindi ko kasi alam kung saan ka naglilihi kaya kung ano na lang ang binili ko."

"Gusto ko ng maasim. Pwede mo ka ba maghanap ng maasim."

"Sure. Maghahanap ako ng maasim pero kumain ka na muna diyan ah. Bawal ka kumain ng maasim na wala pang laman ang sikmura mo."

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now