Mona's POV
Simula noon ay naging busy na si Stef sa kumpanya nila pero nagkakaroon pa rin siyang oras sa amin ng anak niya. Limang taon na rin ang lumipas simulang kinasal kami ni Stef at ipananganak ko ang anak namin at lumipat na rin kami ng tirahan. Malapit lang sa mga magulang niya saka bago pa kami umalis ay pinabalik niya sa bahay si Calyx para hindi na siya magrenta ng apartment
Hindi na rin ako bumalik sa pagmomodelo dahil wala naman talaga akong balak magmodelo. Pumasok lang ako sa agency nila Stef dahil sa kanya at tumuloy na rin ako sa pagaaral ko pagkapanganak ko sa anak namin.
"Papa!" Rinig kong sigaw ni Mira. Miracle ang pangalan ng anak namin pero tinatawag namin siyang Mira at kung bakit Miracle ang pinangalan namin sa kanya kasi milagro ang pagdating niya sa amin.
Pinuntahan ko na ang mag-ama ko at nakita ko si Stef nakaupo sa sofa habang ginugulo siya ng anak niya.
"Nakauwi ka na pala." Umupo ako sa tabi niya at niyakap ang braso nito.
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "Miss me already?"
Tumango ako. Bakit pa ko tatanggi kung totoo naman. "How's your day?"
"Kapagod. Ang dami ko kasing ginawa sa kumpanya ngayon. How about you?"
"Okay lang naman. At saka malapit na nga pala ang graduation ko. Sana makapunta ka."
"Of course! Hindi ako pwede hindi pumunta sa graduation mo." Sabi niya saka hinalikan ako sa labi.
"Why are you eating mama's face, papa?" Rinig kong tanong ni Mira.
Tumawag si Stef pagkarinig niya sa tanong ng anak niya. "Hindi ko kinakain ang mukha ng mommy mo, princess. Ang tawag doon ay kiss – hinahalikan ko ang mommy mo. Mamaya ko pang kakain–"
"Hoy!" Pagpigil ko sa kanya dahilan tumingin siya sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mata. "Kung anu-ano ang sinasabi mo sa bata."
Humalakhak ang magaling kong asawa at binaling ulit niya ang tingin kay Mira. "Princess, pumunta ka na muna sa kwarto mo at laro ka na muna ng mga laruan mo."
Sinunod naman siya ni Mira na pumunta sa kwarto nito.
"Alam mong pasaway ka talaga. Kung anu-ano ang sinasabi mo sa bata."
"Bakit kasi ayaw mo pang sundan natin si Mira? Malaki na rin namam ang anak natin."
"Alam mo namang bawal pa. I mean, hindi pa nga ako graduate baka hindi na naman ako makakapag tapos nito kung buntis ulit ako."
Baliwala na lang ang usapan namin na bibigyan ko ulit siya ng anak dahil malabo na mangyari iyon.
"Hindi naman siguro lalaki agad ang tyan mo bago ang graduation mo at saka hindi pa naman siguro magkakaroon ng bunga kung gagawin natin mamaya."
"Hindi mo alam ang pwedeng mangyari. Saka bakit bigla ka yata nagkaroon na ng interest magkaroon ng anak ngayon? Parang dati ayaw na ayaw mo magkaroon ng anak ah."
"Sinabi ko ba 'yon? Parang wala akong maalala na may sinabi akong ganyan noon."
Aba, nag maang-maangan pa ito na hindi niya alam ang sinasabi ko.
"Alam mo naman kung bakit ko sinabi sayo iyon, 'di ba? Galit pa ko sayo noon."
"Oo na. Galit ka na sa akin noon."
"Kaya huwag na natin ibalik ang nakaraan."
"At saka pagod ka ngayon, 'di ba? Kaya magpahinga ka na muna." Tumayo na ko para asikasuhin ang hapunan namin. "Magluluto na muna ako ng hapunan natin."
"No, dito ka lang." Hinawakan niya ang kamay ko. "May katulong tayo kaya siya na ang magluto ng hapunan natin at saka galing ka rin sa school kaya pagod ka rin."
Hinawi ko ang kamay ko. "Exactly. Pagod rin ako kaya walang mangyayari mamaya."
Ang cute talaga ni Stef kapag naasar sa tuwing hindi ako pagpayag sa kagustuhan niya. Kahit hindi naman ako pumayag ay nasusunod pa rin ang gusto niya.
Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay tinutulungan ko si Mira sa homework niya. Kahit 5 years old pa lang siya ay nasa 2nd grade na siya ngayon.
Pumunta na ko sa kwarto namin ni Stef nang makatulog na si Mira. Kahit ang bata gusto rin magkaroon ng kapatid pero wala daw sinabi ang papa niya sa kanya tungkol doon.
"Stef..." Pagtawag ko sa kanya.
"Hmm?" Inangat niya ang tingin sa akin. Busy kasi siya sa harap ng laptop nito. Kahit nandito na siya sa bahay ay marami pa rin siyang ginagawang trabaho.
Pero paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo? Malabo na namin mabigyan ng kapatid si Mira. Kung magkakaroon ulit ng milagro na bigyan kami ng anak.
"Um, busy ka ba?" Kinakabahan akong sabihin sa kanya ang totoo. Kita pa naman sa mukha niya kanina ang pananabik magkaroon ulit kami ng anak tapos ganito pa ang mangyayari.
"Hindi ako ganoon busy. Bakit?"
"Uh, alam mo naman ang sitwasyon ko, 'di ba?"
"Anong sitwasyon 'yon?"
"Na malabo na kong mabuntis ulit. Isang milgaro ang pagdating ni Mira sa atin kaya imposible na maulit."
Kumunot ang noo nito. "Hindi na pala natin mabibigyan ng kapatid si Mira."
Yumuko ako. Pinipigilan ko ang pagpatak ng luha ko. "I'm sorry..."
Niyakap niya ko. "Hush... It's okay. Hindi na importante kung hindi na natin mabibigyan ng kapatid si Mira. Ang importante ay kasama ko kayong dalawa."
"Pero sabik ka na magkaroon ulit ng anak."
"We can adopt. Maraming bata nangangailangan ng pamilya."
"Adopt? May balak kang umampon ng isang bata na hindi natin kilala?"
"Kung ayos lang ba sayo. Kasi noong isang gabi nakita kitang umiiyak kaya naisip kong magampon na lang tayo."
May ideya na pala siya sa problema ko na hindi ko magawang sabihin sa kanya. Ayaw ko kasi magalit siya sa akin at iwanan niya kami ng anak niya.
Kinuha niya ang laptop nakapatong sa desk nito at may pinakita sa akin. "Tinitingnan ko ang mga ito kanina. Ikaw ang pumili kung sino ang gusto mong ampunin natin."
Hindi pa nga ako pumapayag kung aampon ba kami o hindi kaso ayaw ko namang masira ang araw ni Stef ngayon.
Abala ako tingnan ang mga pinapakita na pictures sa akin ni Stef.
"Wala bang baby pa lang? Mukha kasi yung iba diyan ay mas matanda ng ilang taon kay Mira. Ang gusto ko sana bigyan natin siya ng kababatang kapatid."
"Heto." Pinakita niya sa akin ang picture ng isang baby. "3 months old pa lang."
"Kailan ba tayo pupunta sa ampunan?" Tanong ko. Gusto ko rin makita sa personal yung baby.
"If you want this coming Saturday."
The End
_-_-_-_-_-_-_-
Ayan tapos na rin ang De Luca Sequel natin.
Basta next year pa yung Agent Sequel ko.
P.S. huwag niyo kalimutan basahin ang Th World Between Us at may bago pa kong ginagawang story. 😁
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...