Ngayong gabi na ang grand ball namin kaya nagaasikaso na ko. Ang totoo niyan kinakabahan ako. Paano kung iwanan ako ni Stef pagnalaman niya na ako ang partner niya? Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.
Nang makarating na ko sa venue mukhang hindi pa dumadating si Stef.
"Mona." Lumingon ako sa tumawag sa akin – Si Paula. Kumakalat na siya daw ang bagong girlfriend ni Stef.
Inaamin kong nasasaktan ako na may bagong girlfriend na siya ngayon. Mahal ko pa rin kasi si Stef hanggang ngayon.
Pero ano ang laban ko kay Paula? Mas matagal na niyang kilala si Stef kumpara sa akin.
"Hi." Ngumiti ako sa kanya.
"Hindi pa dumadating si Stefan."
"Ayos lang. Hindi pa nga ako excited kapag nalaman ni Stef na ko ang partner niya ngayong gabi." Biro ko pero sa kaloob-looban ko hindi biro iyon.
Napansin ko maraming paparazzi ang nagkakagulo sa entrance.
"Ano meron?" Tanong ko kay Paula.
"Mukhang dumating na ang ating VIP."
Mas lalo akong kinakabahan dahil nandito na si Stef ngayon. Pero in fairness ang gwapo niya ngayon – I mean, araw-araw naman siyang gwapo.
Nagsimula na ang event at nakita ko na si Sir Wacky sa stage.
"Good evening, everyone! Thank you to those who attended tonight. Today we will celebrate the thirty-sixth anniversary of the agency. Let's enjoy!"
Ngayon nga rin pala ang anniversary ng agency. Ang tagal na rin pala nito. Wala pa kasing isang taong noong pumasok ako dito kaya medyo nangangapa pa ko sa mga kasamahan.
"Um, Paula. Magpapahangin lang ako sa labas." Paalam ko sa kanya.
"Sige. Ako na ang magsasabi kay Stefan nasa garden ka."
Imposibleng hahanapin ako ni Stef kung malaman niya na ko ang partner niya.
Niyayakap ko ang sarili ko. Ang lakas ng hangin ngayong gabi ah.
"Hi. You must be my partner ton–" Humarap na ko sa kanya pagkarinig ko ang boses niya at laking gulat pa nga niya noong nalaman niya kung sino. "What the heck?!"
What do I expect? Iba ang magiging reaksyon ni Stef kapag malaman niya kung sino ang magiging partner niya sa event.
"Hindi ka talaga titigil, 'no? At lumapit ka pa talaga sa kakambal ko at kay Wacky."
"Hindi ko nga alam na may kakambal ka pala at bayaw mo si Sir Wacky."
Wala nga akong ideya na may kakambal siya dahil niisang beses walang binabanggit sa akin si Stef na may kakambal siya. Ang alam ko lang tatlo sila magkakapatid at hindi nila kasama ang mga magulang nila.
Nakita kong lumayo siya sa akin at may kausap rin sa phone nito. Ang totoo niyan gusto kong umiyak pero ayaw kong masira make-up ko.
Bumalik na ko sa loob at nagsimula na pala ang kasiyahan.
"Can I dance with you?" Lumingon ako sa kanya habang nakalahad ang palad nito.
Totoo ba ito? Niyaya ako ni Stef sumayaw. Ano kaya ang nangyari sa kanya kanina at niyaya niya kong sumayaw.
Tinanggap ko na ang pagalok niya sa akin ng sayaw. Bakit pa ko tatanggi kung once in a blue moon lang ito mangyari.
"I heard that you had a miscarriege."
Bakas sa mukha ko ang pagkagulat. "How did you know?"
"Hmph. Siyempre pinaimbestiga kita para alamin kung ano ang ginagawa mo nitong mga nakaraang taon. Nalaman ko rin na nagkaroon ka ng amnesia."
"Yes." Tumingin siya sa ibaba. Hindi na ko makatingin sa kanya. "Noong nagkaroon ako ng malay pero wala akong maalala maliban sa pangalan ko."
Hinawakan niya ang baba ko para tingnan siya. "Yung sanggol na pinagbubuntis mo noon... ako ba ang ama?"
"I'm so sorry, Stef. Alam kong marami akong kasalanan sayo."
"Uulitin ko, Mona. Ako ba ang ama noong sanggol na pinagbubuntis mo?"
Dahan-dahan akong tumango sa kanya. "I'm sorry. Wala akong ideya na buntis pala ako. Kung alam ko lang na buntis ako sana..."
"Sana hindi mo tinuloy ang binabalak mong magpakamatay. Hindi mo na maibabalik ang nakaraan, Mona. Nangyari na. Namatay ang anak ko." Huminto na kami sa pagsasayaw at tinitingnan ko lang siya habang nakatalikod sa akin. "Kahit ilang beses ka pang humingi ng sorry sa akin hindi mo na mababago ang lahat."
Iyon na nga. Hindi ko na mababago ang mga nangyari na.
If I am given a chance. The first thing I will do is I will do everything to make him forgive me.
"Stef!" Sumilyap siya sa akin saglit. "Ano ba ang gusto mong gawin ko para patawarin mo ko – Hindi, kahit hindi mo na ko patawarin sa lahat na kasalanan ko sayo. Kahit anong gusto mo gagawin ko."
"Kahit anong gusto ko?" Walang alinlangan na tumango ako. "Wait me here after the event."
"Iyon lang ba ang gusto mong gawin ko? Ang hintayin kita dito?"
"Of course not! Marami pa kong gustong ipagawa sayo pero ayaw kong masira ang gabi ko dahil sa mga natuklasan ko." Sabi niya at tumuloy na siya sa paglalakad.
Hihintayin ko siya dito kahit anong mangyari. Kahit alam kong baba lang ang tsansa na puntahan niya ko dito.
Niyakap ko ang sarili ko habang hinintay ang pagdating ni Stef.
"Mukhang mas lalo yatang lumamig ngayon kumpara kanina." Bulong ko sa sarili.
Sabi na nga hindi na dadating si Stef. Ako lang naman ang umaasa na dadating siya dito, eh.
"Mona!"
Nakangiti akong lumingon kaso naglaho agad ang ngiti ko pagkakita ko kay Adam. Ano ang ginagawa niya dito?
"What are you doing here, Adam?"
"Ako dapat ang magtatanong sayo niyan? Ano pa ang ginagawa mo dito?"
"Umaasa kasi akong dadating si Stef dito pero mukhang nakali–"
"Stef. Stef! Pwede bang tanggapin mo na lang hindi ka na niya mahal, Mona."
"Alam ko naman iyon." Yumuko ako dahil kahit kailan papatak na ang luha ko. "Pero nangako ako kay Stef na gagawin ko ang lahat kahit hindi niya ko kayang patawarin. Kahit parusahan pa niya ko sa lahat na kasalanan ko sa kanya."
"Nababaliw ka na ba?!"
Tumingin ako sa kanya habang pumapatak na ang luha ko. "Siguro nga nababaliw na ko. Kahit anong gawin ko mahal ko pa rin talaga siya, Adam."
"Tsk. Sa ayaw o sa gusto mo iuuwi na kita sa bahay." Sabi niya sabay hatak.
Tumingala ako sa kalangitan kasi may pumatak na ulan sa braso ko kanina. Maya-maya pa ay bumuhos na rin ang malakas na ulan.
"Shit. Bilisan natin! Baka magkasakit tayo nito."
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...