Dinala ko siya sa malapit na ospital dahil sobrang taas ng lagnat niya at hindi normal na umabot ng 40⁰C ang temperature niya.
"Kayo ho ba ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong ng doctor sa akin.
"Hin-" Biglang ko naalala walang ideya siguro ang mga magulang niya buhay si Mona. "Yes, kamag-anak ako ng pasyente. Kamusta ang kalagayan niya? Kung bakit ganoon kataas ang temperature niya kanina?"
"Inaalam pa namin ang cause ng high fever niya. Maaaring dengue ang cause nito."
"Dengue?"
Imposible sa paghihintay niya sa akin noong isang gabi. Knowing Serena, maingat siya pumili ng venue sa event lalo na't mga importanteng tao sa kanya ang pupunta. Hindi niya rin ipapahamak si Mona kahit first time pa lang niya nakilala ito.
"Mmm..." Lumingon ako kasi mukhang gising na siya. "N-Nasaan ako?"
"Nasa ospital ka ngayon. Dinala kita dito dahil ang taas ng lagnat mo kanina. Nagaalala ako baka ano na ang nangyari sayo at wala pa man akong alam kung ano ang gagawin. Hindi ko pwede istorbohin si Serena."
Hindi na nga pumasok sa isipan ko na tawagan si Serena kanina. Masyado na kong nagaalala sa kalagayan ni Mona.
"Iuwi mo na ko, Stef."
"No! Paano kung dengue nga ang cause ng high fever mo kanina? Mabuti pang nandito ka para matingnan ka nila."
"Malaki ang gastusin dito."
"Huwag mo na isipin ang gastusin mo. Ako na ang bahala sa lahat na gastusin dito. Ang gawin mo lang ay magpagaling ka."
"Nagkaroon pa tuloy ako ng utang sayo."
"You don't need to pay me back."
"Pero..."
"No more buts. Magpahinga ka lang diyan at kakausapin ko lang yung nurse."
Pumunta na ko sa nurse station kaso wala niisang tao nandoon. Dapat may nurse dito ah.
"Stefan?" Lumingon ako noong marinig ko ang pangalan ko. "Hindi nga ako nagkamali na ikaw yung nakita ko kanina. Ano pala ang ginagawa mo dito?"
"Calvin, hi. Ano kasi... May dinala ako dito kasi biglang tumaas ang body temperature niya. Umabot pa naman ng 40⁰C."
"Sobrang taas na noon ah. Mabuti dinala mo dito agad."
"Mabuti nga binabantayan ko siya kanina. Paano kung wala pala ako sa tabi niya tapos ganito ang mangyayari?"
"Anong cause? Marami kasing cause ng high fever ngayon."
"Ang sabi ng doctor na tumingin sa kanya kanina baka daw dengue."
"Huwag ka magaalala magagaling ang mga doctor dito."
"Anyway, kamusta ka na?"
"As usual sobrang busy ko pa rin sa trabaho. Hindi ko kasi pwedeng ibilin sa iba yung trabaho ko, eh."
"Ibig sabihin hindi mo pa rin nahahanap ang mag-ina mo ngayon?"
Umiling ito sa akin. "Hindi pa pero may lead na ko kung saan pwede makita ang mag-ina ko."
"Good for you."
"Sige, balik na ko ah. Nice to see you again, Stefan."
Bumalik na ko sa hospital room ni Mona pagkaalis ni Calvin.
"Saan ka galing?" Tanong niya sa akin.
"Magtatanong sana ako sa nurse kaso walang tao sa nurse station." Kumuha na kong upuan at nilagay sa tabi ng kama nito bago umupo. "May itatanong pala ako sayo."
"Ano iyon?"
"Wala bang alam ang pamilya mong buhay ka?"
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya dahil umiwas siya ng tingin sa kanya.
"So, ibig sabihin wala nga silang alam na buhay ka."
"Kahit alam nilang buhay ako wala silang pakialam sa akin. Kahit hindi nila sabihin ay alam kong sinusumpa nila ako. Sana hindi na lang ako binuhay para maging ganito ang buhay ko ngayon."
Naitindihan ko ang nararamdaman ni Mona ngayon. Kahit nga ako habang kausap ko ang ama niya ay nainis rin ako, eh. Kaya nga nilabas ko ang lahat na sama ng loob ng anak niya noong araw na iyon.
"Walang magbabantay sayo dito."
"Bakit hindi mo na lang tawagin si Adam? Ay, wait."
Kumunot ang noo ko. "Bakit ko naman gagawin iyon?"
"Busy rin pala yung tao kaya huwag na lang. Ayos lang ako kahit wala akong kasama dito."
"Sigurado ka?"
"Oo, ayaw ko rin namang istorbohin ka. Malaki na rin ang tinulong mo sa akin. Ikaw pa nga ang nagbabayad ng bill ko dito."
Hinalikan ko siya sa noo. "Magpagaling ka ah."
Ngumiti ito sa akin. "I love you, Stef."
"I know. Bibisitahin na lang kita dito kapag hindi ako ganoon busy sa agency."
Kinabukasan maaga akong pumasok sa agency kahit mamaya pa dadating ang iba.
"Stef!"
Lumingon ako noong may tumawag sa aking Stef. "Wala kang karapatan tawagin akong Stef, River."
"Bakit? Dahil si Mona lang ang pwede sayo tumawag na Stef?"
"Baliw. Wala akong sinasabing diyan."
"Sus, pakipot ka pa. Anyway..." May inabot siya sa aking invitation. "Ayan na yung wedding invitation namin."
"Bakit dalawa yung binibigay mo sa akin?"
"Baka kasi nagkikita kayo ni Mona na hindi namin alam. Ibigay mo na lang sa kanya iyan. Hindi ko rin kasi alam kung saan siya nakatira."
"Baliw ka talaga. Bakit naman kami magkikita noon?"
"Hindi mo na ba siya namimiss dahil dalawang araw na siyang absent?"
"Hindi! Kahit kailan hindi ko mamiss ang babaeng iyon. Mabuti nga wala siya dito ngayon. Tsk."
"Oo nga pala. Kanina ka pa hinahanap ni Paula at ang sabi niya hihintayin ka daw niya sa dressing room mo. Baka kakausapin ka niya tungkol sa biglang pagalis mo kahapon."
Pumunta na ko sa dressing room para puntahan si Paula at kung ano man ang kailangan niya sa akin.
Binuksan ko na ang pinto at pumasok na sa loob. "Pau, hinahanap mo daw ako sabi ni River."
Tumingin siya sa akin. "Oo. Mabuti dumating ka na, Stefan."
"Ano ba kailangan mo sa akin?"
"Ano ba nangyari sayo kahapon? Bigla ka na lang umalis sa kalagitnaan ng trabaho. Dahil ba sa sinabi ng kaibigan ni Mona?"
"Tsk. Wala akong pakialam kung ano man ang nangyari sa kanya. Matagal na kaming tapos na dalawa. Kaya lamang ako umalis kahapon dahil biglang sumama ang pakiramdam ko."
"Ayaw ko mawala ang pagiging professional mo. Paano kung umalis na ko sa pagiging manager mo?"
Kumunot ang noo ko. "What are you talking about? Aalis ka na ba sa pagiging manager ko? Pau, simulang high school pa lang tayo ikaw na ang manager ko. Hindi ako papayag na umalis ka."
"Kahit ayaw kong umalis pero hindi pwede." Sabi niya kaso hindi siya makatingin sa akin.
"Bakit? Sabihin mo nga sa akin ang rason mo."
"Noong isang araw kasi nakatanggap ako ng sulat galing sa gusto kong paaralan. Pangarap ko rin ituloy ang pagaaral ko kapag nakaipon na ko ng pera at mukhang ito na ang araw para tuparin ko ang pangarap ko makapag tapos."
"Um, good luck. Alam ko namang makakaya mo iyan."
"Thank you, Stefan. Magpalit ka na para makapag simula na. Hinihintay ka rin ni River." Sabi niya at lumabas na siya sa dressing room.
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...