To be honest, ayaw ko talaga umattend sa darating na grand ball. Paniguradong si Serena ang nagsabi kay Paula na bawal ako tumanggi dito. I know my twin sister.
"Ito na po yung huling araw na tuturuan ko kayo kung paano sumayaw, Sir."
"Yes. Thank you again."
"Wala po iyon at nagulat nga ako noong sinabi ni Sir Calyx na dodoblehin niyo daw yung bayad sa akin."
"Yes, nararapat na doblehin ang bayad sayo dahil matyaga kang turuan ako kahit..." Napakamot ako ng ulo ko. "Kahit mahirap akong turuan."
Binigay ko na sa kanya ang bayad. "Thank you po talaga. Malaking tulong na po ito para sa akin."
"Hatid na kita sa inyo." Sabi ni Calyx. Sumasama rin sa amin ang kapatid ko pero nanood lang siya habang tinuturuan ako ng estudyante niya sumayaw at siya na rin ang naghahatid sa kanya.
"Hindi niyo naman po kailangan hatid pa ako sa amin, Sir. Kaya ko namam pong umuwi na magisa."
"Hindi ako papayag na umuwi ka sa inyo na ganitong oras. Masyadong delikado kung uuwi ka magisa."
"Baka bukas pa kayo matapos diyan kaya mauuna na ako sa inyo." Binaling ko ang tingin kay Calyx. "Hintayin kita sa bahay mamaya."
Ayaw pa kasing sabihin na may relasyon silang dalawa. Obvious naman pero ang pagkaalam ko bawal magkaroon ng relasyon ang estudyante sa teacher nila.
"Mabuti nandito ka na, Calyx."
"Bakit, kuya?"
"Aminin mo nga sa akin may relasyon ka ba sa estudyante mo?"
"Relasyon? Wala kaming relasyon na dalawa. Alam kong bawal magkaroon ng relasyon ang estudyante sa teacher nila."
"Hindi normal ang closeness niyong dalawa."
"Ahh... Ganoon talaga ako sa mga estudyante ko, kuya. Hindi lang sa kanya, sa lahat."
"Siguraduhin mo lang dahil nagaalala ako sayo kapag nalaman ng iba na nakipag relasyon ka sa estudyante mo."
"Don't worry, kuya. Wala pa akong balak pumasok sa isang relasyon. Focus na muna ako sa trabaho ko ngayon."
Kinabukasan, kinabahan ako dahil mamayang gabi na gaganapin ang grand ball. Pwede bang last minute uurong ako? Ayaw ko talaga pumunta sa ganitong event.
Bakit pa kasi ako ang gustong pumunta, eh?
"Stefan, excited ka na ba mamayang gabi?" Tanong ni Paula sa akin.
"Mukha ba kong excited? Pwede bang umurong na lang ako?"
"Sinabihan na kita dati na bawal ka tumanggi dito."
"Hindi nga ako tumanggi. Uurong lang ako."
"Gusto mo bang pareho tayo pagalitan ni Wacky? Okay sana kung ikaw lang ang pagagalitan pero kasama rin ako."
"Ni hindi niyo nga masabi sa akin kung sino ang magiging partner ko."
"Mamayang gabi mo na siya makilala."
Kinagabihan nagasikaso na ako para sa grand ball mamaya. Wala rin tutulong sa akin dahil nasa trabaho pa si Calyx.
Ginala ko ang paningin ko para hanapin ang magiging partner ko pagkarating ko sa venue kaso hindi ko nga pala ang itsura noon.
Marami ring paparazzi na pumunta rin dito.
Lumapit na sa akin ang mga paparazzi pagkakita nila sa akin at kinukuhanan nila ako ng pictures. Sanay na rin naman ako sa ganito.
Nagsimula na ang event at laking gulat ko nga makita si Wacky nasa stage. Hindi ko inaasahan na nandito rin pala siya.
"Good evening, everyone! Thank you to those who attended tonight. Today we will celebrate the thirty-sixth anniversary of the agency. Let's enjoy!"
Paano nga pala ako naging VIP sa event na ito kung kasama rin pala yung ibang modelo? Ugh, hindi ko talaga alam ang pakulo nila.
Pero teka, ngayon ba talaga ang anniversary ng agency? Hindi ko na kasi tanda sa sobrang busy ko sa trabaho.
"Glad you came, twin."
Lumingon ako sa kanya. Of course, kung nandito si Wacky ibig sabihin nandito rin si Serena. "Ang akala ko pa man nakikibalita ka kay Calyx."
"Humingi lang ako ng tulong sa kanya tungkol sa susuotin mo dito. Alam kong wala kang formal attire dahil hindi ka mahilig sa ganito."
"Alam mo pala na hindi ako mahilig sa ganito pero pinagbawalan niyo ko tumanggi. No choice rin ako."
"Special rin kasi ang gabing 'to para sayo, Stefan."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"There you are, Misis ko." Pareho kami napalingon ni Serena sa nagsalita.
"Bakit mo ko hinahanap?"
"Kumpleto na sana tayo kung nandito lang sana si River." Binaling niya ang tingin sa akin. "Hello there, Stefan."
"Hello, Wacky. Hindi ko tanda na ngayon pala yung anniversary ng agency."
"Masyado ka na yatang busy sa trabaho kahit ang anniversary ng agency ay kinalimutan mo na."
"Alam mo namang inaasikaso pa nila ang kasal." Rinig kong sambit ni Serena sa sinabi ni Wacky kanina.
Nagpaalam na ko sa mag-asawa. Ayaw ko kasi maging third wheel sa kanila kaya aalis na lamang ako.
Kumuha ako ng isang wine na sineserve ng isang waiter at nakita ko na rin si Paula kaya nagpasya na kong lapitan siya.
"Wow. You're so beautiful tonight."
Humarap siya sa akin. "Ikaw lang pala iyan, Stefan. Ang akala ko kung sino na."
Tumawa ako at ininom ko na ang wine ko. "Dadarating ba yung sinasabi mong magiging partner ko ngayon?"
"Actually, nandito siya kanina kaso nagpaalam siya sa akin na magpapahingin lang daw sa labas. Ewan ko kung nandoon pa rin siya."
"Excuse me. Puntahan ko lang siya sa labas."
"Alam kong excited ka na makita ang magiging partner mo ngayong gabi."
Pumunta na ko sa labas para hanapin na yung magiging partner ko.
Pagkarating sa may garden ay may nakita akong tao nakatalikod sa direksyon ko kaya nagpasya akong lumapit sa kanya.
"Hi. You must be my partner ton–" Namilog ang mga mata ko pagkaharap niya sa akin. "What the heck?!"
Bakit ko ba nakalimutan na sa agency nga rin pala nagtatrabaho si Mona?!
"Hindi ka talaga titigil, 'no? At lumapit ka pa talaga sa kakambal ko at kay Wacky."
"Hindi ko nga alam na may kakambal ka pala at bayaw mo si Sir Wacky."
Lumayo na ako sa kanya noong may tumawag sa akin – galing sa private investigator. Kaya sinagot ko na rin agad.
"Hello."
"Hello, Sir. Sorry to disturb you."
"It's okay. Ano may nakuha ka na bang impormasyon tungkol sa bata na pinapahanap ko sa inyo?"
"Bad news, Sir. Kanina galing ako sa ospital kung saan dinala si Ms. Tolentino at nakausap ko yung doctor nagpanganak sa kanya. Ang sabi hindi daw nabuhay yung sanggol."
Ibig sabihin hindi nabuhay ang anak ko kung saan nga iyong bata dahil sa kagagawan niya. Tsk.
"Okay. Salamat. Ilalagay ko na lang bukas sa account mo yung bayad."
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...