1

392 7 0
                                    

"Saan ka ba galing at hindi ka pumasok kahapon?"

"Pasensya na. May tinulungan kasi ako kahapon at saka nawala na rin sa isip ko ang tungkol sa photoshoot."

"Alam mo namang importante itong photoshoot tapos kinalimutan mo! Stefan naman! Trabaho ko ang nakasalalay dito."

"Kalma. Ang puso. Kung palagi kang ganyan baka walang lalaki ang magtatangka manligaw sayo."

"Huwag mong papakialaman ang status ko, Stefan. Ang pakialaman mo ang trabaho mo!"

"Oo na!" Hands up na ko para matapos na ito.

Hinilot ko ang sentido ko habang naglalakad. Sa tuwing naalala ko ang sermon sa akin ni Paula noong isang araw ay sumasakit ang ulo ko parang matandang dalaga. Well, same age lang kami ni Paula kaso pinili niya ang magtrabaho na lang kaysa ituloy ang pagaaral niya.

Nakita ko na naman yung babaeng tinulungan ko noong isang araw habang binubully na naman siya ng mga varsity. Ngayon hindi ko na magawang manahimik na lamang dito dahil hindi tama ang ginagawa nila.

"Hoy! Itigil niyo na iyan!"

"Pre, umalis na tayo dito. Delikado kung makabangga natin si Stefan." Sabi noong isa niyang kasama.

"Pasalamat ka, panget. Kung hindi dumating si Stefan lagot ka sa akin ngayon."

"S-Stefan De Luca?" Tanong niya pagkaalis ng mga bully.

"Oo, ako nga. Sorry kung hindi ako nagpakilala sayo noong huling pagkita natin."

Mabilis siyang umiling. "No. Sorry rin dahil nadumihan ka pa noong tinulungan mo kong hanapin ang tinapon nilang bracelet."

Ngumiti ako sa kanya. "Wala iyon. Anyway, ano ba ang kasalanan mo sa kanila kung bakit ka nila binubully?"

"Wala akong ginawang mali sa kanila. Baka dahil sa itsura ko – bakit kasi pinanganak akong panget?"

"Hindi ka panget. Alam mo kung sino ang panget? Yung mga varsity na iyon dahil ang panget ng ugali nila."

Napansin ko ang biglang namula ang pisngi niya. "I-Ikaw pa lang ang nagsabi na hindi ako panget. Yung mga nakakilala nga sa akin ang tawag nila sa akin ay ugly duckling dahil ang panget ko."

"Sa story nga ng ugly duckling biglang gumanda, paano pa kaya ikaw? Sigurado akong balang araw ay gaganda ka rin at maraming lalaki ang magkakagusto sa kanya."

"Sana nga magkatotoo iyang sinabi mo. Ayaw ko na kasi binubully ng ibang tao dahil sa itsura ko."

"Tiwala lang, Miss."

"Mona. Mona Tolentino ang pangalan ko."

"Nice to meet you, Ms. Tolentino."

"Huwag mo na kong tawaging Ms. Tolentino. Masyado kasing formal kung ganoon ang itawag mo sa akin. Mona na lang."

"Okay, Mona na lang ang itawag ko sayo. Huwag mo rin ako tawaging Mr. De Luca."

"Can I call you Stef?"

"Stef? Sure!"

Wala pang tumatawag sa aking Stef dahil lahat na nakakilala sa akin ay Stefan ang tawag sa akin. Kahit nga si Serena Stefan ang tawag sa akin.

"Shoot! Kailangan ko na pala umalis. Baka kasi pagalitan ulit ako kapag hindi ako sumipot."

"Sige, ingat ka. Baka pagalitan ka pa ng girlfriend mo kapag hindi ka pa umalis."

"Wala pa kong girlfriend. Hindi pa pumapasok sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Trabaho lang ito. Sige na alis na ko!"

Pagkarating ko sa agency ay wala pa si Serena dahil iba ang schedule namin sa school. Susubukan ko ngang kausapin ang mga magulang ko para payagan nila ako magmaneho na. Nasa tamang edad na rin naman ako.

"Mabuti hindi mo na ginawa ang ginawa mo noon."

"Ayaw ko ng pagalitan mo ko. Para naman kasing pinapagalitan ako ni mommy sa asal mo."

"At talagang ginawa mo pa kong mommy mo ah. Hoy, Stefan! Huwag mo sana kalimutan magkasing edad lang tayo."

Tinakpan ko na ang mga tenga ko. "Oo na! Hindi ko naman nakakalimutan na magkasing edad lang tayo."

"Umalis ka na nga sa harapan ko. Baka ano pa ang gawin ko sayo at saka kanina ka pa hinihintay ng make-up artist mo sa dressing room. Magpalit ka na rin para magsimula na kayo."

Pagkatapos ng photoshoot ko ay umuwi na ko sa amin. Wala rin naman masyadong gagawin sa agency pagkatapos ng photoshoot ko, eh.

Tumingin ako sa phone ko dahil nakita kong tumatawag si mommy sa akin.

Sinagot ko ang tawag. "Hello, mom."

"Anong oras ang uwi mo bukas?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni mommy out of nowhere. "Not sure. Busy pa po kasi ang schedule ko. Why?"

"Diyan na kasi sa Manila ang gusto ni Calyx ituloy ang pagaaral niya hanggang sa makapag tapos na siya. Kaya kung pwede ba sunduin mo siya sa airport bukas."

"Sure, mom. Anong oras po ba ang alis niya diyan bukas?"

"Mga 4 pm pa naman ang alis niya dito."

Isang oras biyahe ni Calyx papunta dito galing sa probinsya namin. May oras pa ko para pumasok sa trabaho pagkasundo ko kay Calyx sa airport bukas.

Sa aming tatlo na magkakapatid, si Calyx lang ang hindi modelo dahil iba ang gusto niya sa buhay.

"Bakit ka nagmamadali kanina umuwi?"

Lumingon ako sa likod ko. "Ako? Nagmamadaling umuwi?"

"Oo, hindi mo nga narinig na tinatawag kita kanina, eh."

"Tinatawag mo ko? Wala nga akong narinig na may tumatawag sa akin kanina."

"Stefan naman! Dahil ba diyan sa babae na tinulungan mo noong isang araw kaya hindi mo na ko sinasamahan."

Kumunot ang noo ko. "Ano pinagsasabi mo diyan? Wala siyang kinalaman dito kung bakit hindi ko narinig ang pagtawag mo sa akin kanina, Serena. Huwag mo nga siya idamay diyan sa kadramahan mo."

"Bakit mo ba siya pinoprotektahan? Hindi ka naman ganyan dati ah. Wala ka ngang pakialam sa ibang tao nasa paligid mo. Don't tell me, you like her."

Tumawa ako bigla baka kasi nagpapatawa lang siya. "Nice joke! You know me, Serena. Wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Focus na muna ako sa pagaaral at trabaho ko bago ako papasok sa isang seryosong relasyon."

Ewan ko ba kung bakit iyon nasabi ng kakambal ko. Ni hindi ko pa nga ganoon kilala si Mona para magkagusto ako sa kanya. Hindi imposible kung siya ang nagkagusto sa akin. Kilala ang pamilya ko sa buong mundo tapos sikat pa kong tao. Kahit saan ka lumingon ang mukha namin ni Serena ang makikita.

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now