"Um, Dad... Pwede po bang mahirap ulit ng kotse? Ipapasyal ko kasi si Mona habang nandito siya."
"Hindi pwede. Baka mahirapan ako umuwi kapag pinahiram ko sayo yung kotse."
"It's okay. Magcocommute na lang ako papunta sa hotel na tinutuluyan ni Mona."
Tinext ko na si Mona na nandito na ko sa lobby ng hotel at hinihintay ko na rin ang pagbaba niya.
"Sorry." Tumingin ako nang may narinig akong familiar na boses. "Naghintay ka ba ng matagal?"
"No, it's okay."
"Sorry talaga. Nahirapan kasi ako kung ano ang susuotin ko."
"Kahit ano pang suotin mo ay babagay sayo."
"Really? Hindi na 'ba ko nagmumukhang mataba sa suot ko? Pakiramdam ko kasi tumabata na ko."
"Nope. You're so sexy!" Hinawakan ko na ang kamay niya. "Tara na. Baka abutin pa tayo ng gabi na hindi pa umaalis dito sa lobby."
"Saan ba tayo pupunta?"
"Anywhere you want to go. Gusto mo bang pumunta sa park o sa pier? Maganda ang pier dito. Marami ang pumunta doon dahil sariwa ang hangin."
"Park na muna tayo tapos mamaya na tayo pumunta sa pier."
"Okay."
Naglalakad na kami papunta sa park. Actually, hindi naman talaga kailangan magkotse dahil medyo malapit lang dito ang park. Ang malayo lang ang pier. At ayaw ko naman mapagod si Mona.
"Kamusta na pala? Nasabi mo na ba sa kanila ang tungkol sa pagdadalang tao ko?"
"Yup. Si mom ang una kong sinabihan dahil pagkagising ko kanina nakaalis na si dad. Galing pa nga ako sa kumpanya namin para sabihin rin kay dad." Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "May bad news nga pala ako."
"Hindi pa sila pumayag?"
"Hindi yun ang bad news ko."
"Ano ang bad news mo?"
"Pagbalik ko sa Manila ay kakausapin ko si Wacky dahil ako ang hahawak sa kumpanya namin dito."
"Huh? Aalis ka na sa agency? Akala ko ba mahal mo ang pagiging modelo mo."
"Oo, pero hindi ito ang unang beses na umalis ako sa agency. Umalis na ko noon bago ko nalaman na doon ka rin nagtatrabaho. Bumibisita lang ako noon sa mga kaibigan ko."
"Kung iyon talaga ang desisyon mo. Susuportahan kita."
"Baka kasi nahahayaan na ni dad ang sarili niya at saka hindi na rin siya bumabata."
"Ano pala ang sinabi nila noong sinabi mong nagdadalang tao ako?"
"Disappointed si mom sa nangyari at kalmado naman si dad dahil wala na rin siya magagawa kung pagalitan pa niya ko. May kondisyon pa nga si dad, eh."
"Ano ang kondisyon niya?"
"Since wala sa amin magkakapatid na interesado humawak ng kumpanya namin kaya ibibigay na lang niya sa apo niya ang kumpanya. Ang gusto pa nga ibigay sa magiging anak natin kaso tumanggi ako. Ang anak ni Serena ang una niyang apo dapat sa kanya niya ibigay ang kumpanya."
"Bakit ka tumanggi?"
"Paglaki ng anak natin ayaw ko siyang pilitin sa ayaw niya. Kaya napagkasunduan namin ni dad na hintayin siya umabot ng 18 years old at kung interesado ba siya sa kumpanya. Saka tumanggi rin si Serena at wala pang balak si Calyx pumasok sa isang relasyon ngayon. So... Walang papalit kay dad."
"I see... kahit ano pa ang desisyon mo ay susuportahan kita." Nguniti siya sa akin saka hinawakan niya ang kamay ko. "Tara. Picture tayo para may remembrance tayo."
Kumuha na kami ng picture na magkasama. Makita lang masaya si Mona ay okay na sa akin. Malaki rin naman ang kasalanan ko sa kanya kaya gusto kong bumawi.
"Gusto mo bang kumain?" May nakita kasi akong street food kanina at baka gusto niyang kumain o hindi pa siya kumakain.
Tumango siya sa akin. "Alam kong pagagalitan mo ko pero hindi pa ko kumakain. Hindi ko kasi gusto pagkain sa restaurant ng hotel."
Bumuga ako ng hangin. "Sana sinabi mo sa akin kanina bago tayo pumunta dito."
Hindi ako pwede magalit kay Mona dahil naalala ko na naman yung mga panahon na pinagbubuntis pa ni Serena si Kiefer noon. Grabe ang tantrum. Ayaw ko na maulit iyon.
"Sorry. Hindi ko na uulitin."
"Medyo malayo dito ang mga fast food kung lalakarin natin. Kailangan natin sumakay ng tricycle."
"W-Wait. Ikaw, sasakay ng tricycle?"
"Why not?"
Ano masama kung sasakay ako ng tricycle? Hindi ko naman dala ang kotse ko noong pumunta ako dito dahil nageroplano ako. Kaysa pahirapan ko ang sarili ko sasakay na lang ako ng tricycle, jeep o kung ano pa ang pwedeng masakyan dito.
"Ang ibig kong sabihin um... Ang yaman ng pamilya mo tapos sasakay ka ng tricycle."
Tumawa ako. "Mayaman nga kami pero dito sa probinsya nakatira ang mga magulang ko. What's the different?"
"Sabagay. Tara na. Nagugutom na talaga ako."
Nang makarating na kami sa malapit na fast food ay umorder na rin kami agad. Bawal malipasan ang buntis.
"Hanggang kailan ka lang dito?" Tanong ko sa kanya.
"Limang araw lang ako. Kailangan ko rin kasi bumalik agad sa trabaho."
"Pagbalik ko sana kung maaari lumipat ka nang kasama ko para maalagaan ko kayo."
"Kailan ka ba babalik ng Manila?" Tanong niya sa akin.
Bago pa ko sumagot ay tinawag na yung number namin kaya kinuha ko na ang mga inorder namin. Actually, marami ang inorder ni Mona pero hayaan na lang na kumain siya ng marami.
Nilapag ko sa mesa ang hawak kong tray at nilagay ko ang lahat na pagkain sa mesa. Umupo na ako sa harapan niya pagkatapos.
"Hindi ko pa ba nasagot ang tanong mo kanina, 'no?"
Ngumunguya siyang tumingin sa akin saka tumango. "Mmm..."
"Baka next week pa ko babalik. May gagawin pa kasi ako dito."
"Ang gagawin mo ba ay sa kumpanya niyo?"
Tumingin ako sa kanya. "Yes. Kahit graduate ako ng business administration ay marami pa kong walang alam sa kumpanya namin na kailangan kong pagaralan."
Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa pier. Mahangin talaga dito.
Pumunta na kami sa kubo na walang tao at umupo.
"Ang ganda pala dito. Mabuti na lang pumunta ako dito."
"Oo, pero minsan lang ako pumunta dito sa pier."
"Bakit naman?"
"Kilala ako ng mga tao at ayaw kong pinagkaguluhan nila ko."
"Eh, mukhang hindi ka pagkakaguluhan ng mga fangirls mo."
"Mabuti na rin na hindi nila ako pagkaguluhan habang nagbabakasyon ako. Ayaw na ayaw ko talaga ang ganoon."
Naalala ko bigla noong first date namin ni Mona na may babaeng bumangga sa akin at gusto pa niyang makipag picture sa akin pero hindi ko gusto ang ginawa niya kay Mona.
"Oo nga pala, Stef." Binaling ko ang tingin sa akin. "Hindi ba naging girlfriend mo rin si Paula?"
"Nope. Hindi ko naging girlfriend si Pau."
"Pero yung kumakalat sa agency na girlfriend mo daw siya."
"She helped me pretend to be my girlfriend so I wouldn't lose my professionalism at work."
"Pretend?! Bakit mo naman iyon ginawa?"
"To make you jealous. Ayaw ko man aminin may nararamdaman pa talaga ako sayo pero pinipigilan ko lang. Noong tinigil na namin ay sinabi ko sa kanya na gawin na naming totoo pero nire–"
"Ayaw ko na marinig pa kung ano ang sasabihin mo."
Sinundan ng paningin ko noong tumayo na siya. "What's wrong?"
![](https://img.wattpad.com/cover/322075383-288-k315951.jpg)
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
Storie d'amoreGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...