"Dad, pwede po bang mahiram yung kotse? Hahatid ko lang po si Mona kung saan siya tumutuloy ngayon."
"Sure. Kunin mo na lang yung susi sa likod ng pinto."
"Thanks, dad."
Sumakay na kami ni Mona sa kotse kaya umalis na kami. Baka kasi anong oras pa kami makarating sa tinutuluyan niya ngayon kung hindi pa kami umalis. Well, pwede naman siya magpalipas ng gabi sa bahay kung gusto niya at sa guest room siya kasi hindi papayag ang mga magulang ko kung magkasama kami sa kwarto ko.
"Ang bait pala ng mga magulang mo."
"Sabi ko sayo. Mababait talaga sila lalo na si dad."
"Sorry nga pala kung kailangan mo pang magsinungaling sa mga magulang mo tungkol sa relasyon natin."
"It's okay. Sorry nga rin pala dahil hindi ko masabi sa kanila ang tungkol sa pagdadalang tao ko."
Paano ko ba sabihin sa mga magulang ko? Sana man lang tinawagan niya ko para mapag handaan ko ang sitwasyon namin. Pero hindi ko pwede sabihin kay Mona iyon. Baka mapasama pa ko sa mga magulang ko kapag nalaman nilang pinagalitan ko si Mona.
"Alam kong biglaan ang pangyayari. Hayaan mo..."
Hininto ko ang kotse sa isang tabi. "Ayan ka na naman, Mona."
Subukan lang niya may gawin na hindi ko magugustuhan at hindi ko na siya papatawarin sa buong buhay niya.
"Patapusin mo muna kasi ako. Hayaan mong tulungan kitang sabihin sa kanila."
"Payag ka bang tumira na kasama ko? I mean hindi papayag si mom na hindi kita alagaan lalo na't buntis ka."
"Ano kasi... Um, ayos lang sa akin. At least may kasama ako sa bahay."
"Oo nga pala kasama ko nga rin pala yung isa kong kapatid sa bahay namin sa Manila."
"Nakilala ko nga pala yung isa mong kapatid."
"Kununot ang noo ko. "Paano mo nakilala si Calyx?"
"Noong gabing bago ka umalis, hindi ba may nangyari sa atin?"
Tumango ako. "Yeah."
"Kinabukasan pagkagising ko wala ka na sa tabi ko kaya napaisip ko baka umalis ka na. Pagkalabas ko sa kwarto mo may nakita akong lalaki. Ang akala ko nga magnanakaw na pumasok kaya pinagpapalo ko siya."
Natawa ako. "I feel bad for my brother."
"Hindi ko naman kasi alam na may isa ka pa lang kapatid. Ang akala ko dalawa lang kayong magkapatid ni Serena."
"Hindi ko nga pala nabanggit sayo noon na may mga kapatid ako kahit ang mga pangalan nila. My bad."
"Kasalanan mo rin kasi!"
"Pero nabanggit ko naman sayo na tatlo kami nakatira sa bahay namin sa Manila."
"Oo nga sinabi mo nga sa akin pero hindi ko namang alam ang itsura niya."
"Hayaan mo na. Hindi naman magagawang magalit sa akin ni Calyx. Anyway, paano mo nga pala alam kung saan ako makikita?" Tanong ko at pinatakbo ko na ulit ang makina.
"Kinausap ko si Sir Wacky kaso hindi niya alam kung saan ang saktong lugar nakatira ang mga magulang niyo. Ang sabi niya sa akin may isang tao ang makakatulong sa akin kaya tinawagan niya si Serena. Si Serena ang nagbigay sa akin ng address niyo dito."
Bakit hindi ko naisip na pwede may kinalaman pala dito ang magasawang iyon? Tsk, kahit kailan talaga hindi ako titigilan ni Serena.
Nang makarating na kami sa hotel kung saan siya tumuloy ngayon ay pareho na kaming bumaba.
"Bukas." Sabi ko.
Humarap siya sa akin. "Huh?"
"Bukas sasabihin ko na sa kanila ang tungkol sa pagdadalang tao mo."
"Hindi ba dapat tayo ang magsabi sa kanila?"
"It's okay. Ako na muna ang kakausap sa mga magulang ko. After all of this, I will ask you to marry me."
Ngumiti siya sa akin. "Okay!"
"Uwi na ko." Hinalikan ko siya sa labi. "Good night."
"Stef, wait lang." Humarap ulit ako sa kanya. "Pwede bang magkita ulit tayo bukas?"
"Sure. Kung gusto mo ipasyal kita habang nandito tayo. Sunduin kita dito bukas."
"Okay, hintayin kita bukas."
"Susunduin kita ng mga after lunch. Uwi na ko."
"Ingat sa pagmamaneho."
Paguwi ko sa bahay ay nakita ko si dad nakaupo sa may kusina.
"Dad, bakit gising pa po kayo?"
Binaling niya ang tingin sa akin. "Hinihintay ko ang pagbalik mo."
"Bakit po?"
"Maupo ka na muna para makapag usap tayo."
Umupo na ko sa bakanteng upuan. "Ano po ang gusto niyong pagusapan?"
May nilapag sa mesa si dad at inabot sa akin. "Why did you lied? Hindi pumunta ang girlfriend mo sa France."
Namilog ang mga mata ko kaya agad kong binasa ang inabot niya sa akin. Kailan pinaimbestiga ni dad si Mona na hindi ko man lang namalayan?
"Sinabi sa akin ng mom mo naghiwalay kayo dahil sa long distance relationship pero ang sabi sa imbestiga ay nagkamatay ang girlfriend mo 8 years ago. Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang totoo."
"Dad, I'm sorry. Ang totoo po niyan 8 years ago nagpakamatay si Mona dahil hindi maganda ang relasyon niya sa mga magulang niya."
"Bakit niya iyon ginawa?"
Sinabi ko kay dad ang lahat na alam ko.
"Nasaktan po ko sa ginawa ni Mona. Ilang gabi ako umiiyak sa pagkawala niya dahil ako ang huli niyang kasama pero hindi niya man lang sinabi sa akin na may problema pala siya tapos malalaman kong buhay pala siya. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa sa kanya."
"May balak ka bang ipakilala si Mona sa amin?"
"Meron po. Iyon po talaga ang balak kong gawin pagkabalik niya galing France." Yumuko ako at nakayukom ang mga kamao ko sa ilalim ng mesa. "Dad, do you think I'm a failure?"
"Why did you think of that thing?"
"Because I don't even protect Mona. I'm a failure as her boyfriend."
"Of course not! You are not a failure, son."
"That's why I hate to fall in love again. Ayaw ko na po kasi maulit ang nangyari noon."
"Stefan, tumingin ka sa akin." Inangat ko ang tingin para tingnan si dad. "Makinig ka ng mabuti sa akin. Siguro ako alam mo kung gaano kalaki ang age gap namin ng mommy, 'di ba? At hindi siya tanggap ng nonna niyo. Hindi ko nagawang ipaglaban ang mommy niyo sa nonna niyo dahil wala akong ideya kung ano ang ginawa niya. Wala rin akong ideya na buntis siya sa inyo ni Serena."
Alam ko ang lahat na iyon. Pero ano ang gustong sabihin sa akin ni dad?
"Ngayon binigyan ka ng pagkakataon. Magagawa mo na bang protektahan ang mahal mo?"
"I... I don't know, dad."
Kumunot amg noo nito. "What do you mean you don't know? I thought you love her."
"Yes, I love her. Pero nandito pa rin po talaga ang takot baka kasi isang araw ay biglang mawala ulit si Mona sa akin."
"Kung mahal ka niya ay hindi ka niya iiwanan at ipaglalaban ka rin niya."

YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomantikGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...