Sabay kami ni Stef na pumasok sa agency kaso napapansin ko parang wala sa sarili ngayon si Stef. Ano kaya ang problema?
Ang daming ginagawa ng iba maliban sa akin. Kahit nga si Stef ay busy rin sa ginagawa niyang photoshoot.
"Guys, announcement!" Tumingin kaming lahat kay River. "Since matagal tagal na rin ang huling nagkaroon event sa New York."
"Damn." Ibinaling ko ang tingin kay Stef. "Nakakamiss 'yong kami palagi ni Serena ang isa sa mga napipili sumama."
May event pala sila dati ginaganap sa ibang bansa. Hindi naman ako umaasa na makakasama ako lalo na't buntis ako ngayon kaya imposible iyon.
"Don't worry, sasama si Serena." Sabi ni Sir Wacky.
"Kung sasama si Serena, paano yung mga anak niyo?" Tanong ni River.
"Ayaw talaga sumama ni Serena sa New York kaso pinapasama siya ng panganay namin. Ang gusto niya siya ang nagaalaga at nagbabantay sa kapatid niya saka kasama rin naman nila ang yaya ni Melody."
"Too bad. Hindi ako makakasama sa inyo sa New York kaya ibigay niyo na lang sa iba ang slot ko." Sabi naman ni Stef.
"Pero ito na ang huling event na makakasama ka namin dito."
"Exactly. But it's okay. Hindi ko kasi pwede iwanan si Mona dito at may plano na ko sa araw na 'yon."
"Wala pa kong napipili kung sinu-sino ang kasama sa New York pero mamaya sasabihin ko kung sinu-sino ang kasama." Sabi ni Sir Wacky
Maya't maya pa ay sinabi na ni Sir Wacky kung sinu-sino ang mga makakasama sa New York. Pili lang pala ang makakasama, ang akala ko lahat makakapunta at sabi nila swertehan lang talaga. Ang balita ko palagi rin pala napipili sina Stefan at Serena noon.
Pagkatapos ng trabaho hinanap ko si Stef kaso hindi ko siya makita. Nagpasya akong lapitan si River para tanungin siya.
"River." Binaling niya ang tingin sa akin. "Nakita mo ba si Stef?"
"Parang nakita ko siya kanina papunta sa dressing room niya."
"Salamat."
Nang makarating na ko sa dressing room niya ay kumatok na muna ko kaso wala man lang nagbukas sa akin.
Nagulat ako pagkabukas ko ng pinto dahil nakita kong may balloons na decorations tapos may mga rose petals pa sa sahig.
"Glad you came."
Lumingon ako ng marinig ko ang boses niya. "Anong pakulo 'to, Stef? May ganito ka pang malalaman ngayon."
"Don't expect too much that it will be romantic. You know I don't know how to court so expect what can happen now."
Ngumiti ako. Naappreciate ko ang effort niya. "Okay nga, eh. Dito mo pa talaga naisipan gawin ito."
"Kasi dito sa agency ulit tayo nagkita at saksi ang mga kasamahan natin."
"Huh?" Nilibot ko ang paningin ko pero sarado naman ang pinto. "Wala namang tao ah."
"That's not what I meant. Kahit sinabihan ko na si Wacky na huwag nila pinapakialaman ang personal life ko pero makulit si Serena. Kaya Mona..." Lumuhod na siya sa harapan ko. "Will you marry me?"
Inaasahan ko na ang ganito mangyayari ngayon. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa dressing room ay marami ng balloons at petals.
Dahan-dahan na kong tumango. "Yes, I will marry you."
Tumayo na siya at sinusuot na niya sa daliri ko ang singsing saka niyakap. "Thank you, Mon. I love you."
Ginantihan ko siya ng yakap. "I love you too."
Sobrang saya ko ngayong araw dahil engaged na ko sa lalaking mahal ko tapos magpapakasal na rin kami. Ewan ko lang kung kailan.
Sabay na kami ni Stef pumunta sa studio kaso sinalubong kami nina River at Sir Wacky.
"Congrats, Stefan at Mona!" Sabi nilang dalawa.
"Huh? Paano niyo nalaman? Wala ako pinagsabihan sa plano ko."
Napatingin ako bigla kay Stef. Ang akala ko pa naman kasabwat niya ang dalawa.
"Napansin namin kanina ang dami mong dalang balloons tapos may bulaklak pa. Nagtataka nga rin kami kung ano ang event bakit ang dami mong dalang balloons kanina."
"Kailangan kong sabihan si Serena. Panigurado akong matutuwa iyon ngayon. Excuse me, tatawagan ko lang siya."
"Tatawagan ko si Paula at panigurado akong magugulat iyon ngayon."
Hindi talaga mawala sa isip ko na si Stef lang may gawa ng lahat na iyon. Ang akala ko kasi kasabwat niya si River o silang dalawa ni Sir Wacky.
"May problema ba?"
Umiling ako. "Wala naman. Hindi lang mawala sa isip ko ang nangyari kanina kasi ang akala ko kasabwat mo silang dalawa. Noong tinanong ko si River kanina ang akala ko nagpapanggap lang siya na wala siyang alam sa nangyayari para hindi masira ang plano mo. Pero noong sinabi mong wala kang pinagsabihan ay nagulat ako doon."
"Gusto ko sana sabihin natin sa iba kapag tagumpay ang pagpropose ko sayo. Kaso mukhang excited pa yung dalawa."
Huminto ako sa tapat ng kotse dahil napansin kong huminto siya sa paglalakad.
"Bakit ka nakatayo lang diyan?"
"Nakatanggap kasi akong message galing kay Ryan."
Itinabingi ko ang ulo ko. "Sinong Ryan?"
"Pinsan ko. Bunsong kapatid ni Mason. I'm sure you still remember Mason, right?"
"Oo naman. Kilala kaya sa buong mundo ang pangalan niya at palagi ko rin nakikita ang picture niya sa dyaryo o magazine."
Sino ba ang hindi nakakilala sa pamilya nila? Marinig lang ang De Luca ay natatakot na ang mga tao. Nakakatakot kasi makabangga ang pamilya ni Stef.
Hindi mo alam ang pwede nilang gawin sayo.
"Ano meron kung bakit siya nagmessage sayo?"
"This Saturday kasi may gaganapin daw family reunion. Uuwi daw ang ibang kamag-anak namin galing sa ibang bansa. Gusto kita pakilala sa iba."
Bigla akong kinabahan dahil makakaharap ko ang ibang kamag-anak ni Stef.
"H-Hindi ba ko pwedeng tumanggi?"
"Siyempre hindi." Pinagbuksan na niya ako ng pinto kaya sumakay na ko.
"Kinabahan tuloy ako bigla." Sabi ko habang sinusuot ko ang seatbelt.
"Huwag kang kabahan. Mababait naman silang lahat at sigurado akong magugustuhan ka nila."
Hinimas ang baby bump ko na halata na talaga. "Pero sa araw rin mismong iyon ang check-up ko."
Excited na nga ako malaman ang gender ng baby namin para makapag isip na kami ipapangalan namin sa kanya.
Gusto ko sana babae ang magiging anak namin.
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...