13

154 6 0
                                    

Mona's POV

Napalingon ako sa bagong dating. Bago lang ba siya dito? Kasi ngayon ko pa lang siya nakita dito sa agency. Pero mukhang hindi kasi kilala niya sina Paula at River.

"Guys, attention!" Sigaw ni Paula para kunin ang atensyon ng iba. "Nandito si Wacky ngayon dahil may gusto daw siyang sasabihin sa atin."

"Good afternoon, guys. Alam ko ang iba sa inyo kilala na ako at ang iba hindi pa. I'm Joaquin Anderson, the current owner of this agency. Sorry kung hindi ko sinabi sa inyo agad na ako ang boss niyo dito kasi ayaw kong magbago ang tingin niyo sa akin."

Siya pala ang boss namin dito. Ang bata pa niya para maging boss.

"And by the way, this is my wife – Serena. Dati siyang modelo dito."

"Hi sa inyo!" Kumaway pa siya sa akin.

Grabe ang ganda naman niya. Halata ngang dati niyang modelo sa ganda niyang iyan.

"Okay. Ang anunsyo ko lang naman sa inyo na balak namin ni Serena idiriwang ang ika-tatlumpu't anim na anibersaryo ng agency natin at plano namin isang grand ball."

"May isang problema tayo kasi may isang tao na ayaw umattend sa ganitong event. May ideya ba kayo kung ano ang gagawin natin para hindi siya tumanggi?"

"May naisip ako, Serena." Sabi ni Paula.

"Ano iyon?"

"What if sabihin natin na bawal siyang tumanggi?"

"Hmm... Not bad. Pero sa tingin mo ba hindi na siya tatanggi sa atin?"

"Ikaw dapat nakakilala kay Stefan dahil ikaw ang kakambal niya." Sabi ni Sir Wacky pero nagulat ako na may kakambal pala si Stef at bayaw niya si Sir Wacky.

"Wala naman mawawala kung susubukan natin."

"Wacky, Serena, hindi pala ako makakaattend sa anibersaryo natin kasi inaasikaso pa namin ni Mei ang kasal namin."

"Naiintindihan namin."

"River, kamusta na pala si Mei at ang anak niyo?"

"They both are fine."

"Sorry kung hindi ako napapabisita sa inyo. Masyado kasing busy, eh."

Tumikhim si Sir Wacky. "Misis ko, maya niyo na pagusapan iyan. May importante pa tayong gagawin."

"Sorry. Nagiguilty kasi ako na hindi ako nakadalaw kay Mei."

"Ayos lang, Serena. Naiintindihan naman namin kung bakit hindi ka nakadalaw."

Hinanap ng paningin ko kung nakapasok na ba si Stef pero mukhang hindi pa. Alam kong marami akong kasalanan sa kanya lalo na't matagal ako walang paramdam sa kanya. Hindi ko man lang magawang magpakita sa kanya noong bumalik na ang memorya ko.

Hindi ko siya masisi kung galit siya sa akin.

"Hello." Lumingon ako noong may narinig akong boses at nakita ko si Serena nakatayo sa tabi ko. "Perfect ka!"

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Naguguluhan ako sa sinabi niya. Perfect ako saan?

"Huwag mo na ko i-po. Mukha namang kasing edad lang kita. At perfect ka maging partner ng kapatid ko sa darating na grand ball."

"Mukhang hindi magandang ideya iyan sinasabi mo."

"What do you mean?"

"Long story kasi, eh."

"Okay. Anyway, what's your name?"

"Mona. Mona Tolentino."

"Mona Tolentino. Sounds familiar." Ngumiti siya sa akin. "Nice to meet you, Mona."

"Me too."

Tumalikod na siya sa akin. "Wacky, may nahanap na kong babagay na maging partner ni Stefan."

"Misis ko, I don't think that's a good idea."

"Ako ang bahala kay Stefan."

"Bahala ka. Huwag mo ko idadamay kung magalit sayo si Stefan." Lumalapit na sa amin si Sir Wacky pero may napapansin ako sa kanya. "And I heard she is your brother's ex girlfriend."

"Ex girlfriend?!" Bakas sa mukha ni Serena ang pagkagulat. "Nabanggit nga pala sa amin dati na hiwalay na daw sila ng girlfriend niya. Alam kong nagkaroon siya ng girlfriend noon pero hindi ko siya nakilala o nakita. Ikaw pala yun. Kailan ka pa nakabalik galing France?"

"Galing France?" Naguguluhan ako. Hindi naman ako galing France ah.

"Yes, ang sabi kasi ni Stefan sa akin dati ipinadala ka daw sa France ng mga magulang mo. Kaya hindi ka niya naipakilala sa amin."

Sinabi ni Stef na pumunta ako sa France? Well, iyon naman talaga ang plano pero hindi ko na kaya yung panlalait sa akin ng mga magulang ko pati na rin ang iba ko pang kamag-anak. Panigurado kapag nasa France na ko baka ganoon rin ang gagawin nila sa akin kaya nagpasya na lang ako mawala na sa mundo.

Hindi ko namang inaasahan na may makakita sa akin at tinulungan niya ako.

"Kung ano man ang nangyari sa inyo ng kapatid ko, ikaw pa rin ang gusto kong maging partner niya sa grand ball." Binaling na niya ang tingin kila River at Paula. "River, Paula, kayo na ang bahala magsabi kay Stefan pagdating niya mamaya pero huwag niyong sabihin sa kanya na si Mona ang magiging partner niya. Baka hindi talaga iyon pupunta. Sabihin niyo din na bawal siyang tumanggi."

Pagkaalis ng magasawa ay sakto naman ng pagdating ni Stef. Saan kaya siya galing? At ngayon lang siya dumating. Simulang sinabi niya sa akin ang lahat nangyari noong araw na iyon ay hindi na niya ko pinapansin. 'Di ko rin siya masisi kung iyan ang gusto niyang gawin. Sanay rin naman ako na walang pumapansin sa akin pero siya ang makulit na palagi akong kinakausap.

Nakatingin ako sa kanila sa malayo habang kausap ni Paula si Stef. Tungkol yata sa gaganaping grand ball ang pinaguusapan nila.

Pagkatapos ng trabaho ay umuwi na rin ako agad. Wala naman akong gagawin pa, eh.

"Balita ko may gaganaping grand ball diyan sa agency niyo ah." Sabi niya sa akin.

"Ang bilis naman umabot sa inyo tungkol diyan."

He is Adam, siya yung nakakita at tumulong sa akin habang wala pa kong malay. Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin dahil hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa anak ko. Kung hindi ko nakita ang death certificate ay hindi niya sasabihin sa akin na nagkaroon ako ng anak. Pero pinatawad ko rin siya agad dahil ako rin naman ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko.

At hindi ko siya boyfriend.

"Nakalimutan mo na yata may kakilala ako nagtatrabaho rin sa agency. Siya rin ang nagpapasok sayo doon."

"Oo nga pala."

"Kailan ba gaganapin yang grand ball niyo?"

"In three months."

"Matagal pa pala. May susuotin ka na ba? Kung wala pa dapat bumili ka na agad."

"Wala pa kong susuotin para sa event namin."

"May alam ako na pwede ka tumingin na babagay sayo. Bukas susunduin kita sa agency."

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now