26

181 9 0
                                    

Kinabahan akong sabibin sa kanila ang tungkol sa pagdadalang tao ni Mona pero nangako ako sa kanya na sasabihin ko sa mga magulang ko ang tungkol doon.

"Gising ka na pala, Stefan. Kumain ka na."

"Good morning, mom." Nilibot ko ang paningin. "Si dad po?"

"Maagang umalis ang dad mo. May tatapusin pa yata siyang trabaho ngayon."

Shit, kung kailan kailangan ko silang kausapin na sabay. Ngayon pa pumasok ng maaga si dad kahit araw-araw naman siyang umaalis ng bahay.

"May problema ba?"

"Nothing." Sabi ko at tinitingnan ko lang ang kinakain ko. "Mom..."

"Yes, Stefan?"

"Ano po ang gagawin niyo kung malaman niyong nakabuntis pala ako?" Inangat ko ang tingin dahil wala ako nakuhang sagot mula sa kanya. "Mom?"

"Bakit? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi pa rin ako makamove on noong inanunsyo ni Serena na may anak sila ni Wacky tapos ngayon ikaw naman. Sino ang mabuntis mo? Si Mona ba?"

Dahan-dahan akong tumango. "Pero huwag po kayo magaalala. Pananagutan ko naman po sila at yayain ko rin si Mona ng kasal."

"Bakit niyo ito ginawa sa amin? Hindi pa nga kayo kasal ni Mona pero magkakaroon na kayo ng anak ngayon."

"Why, mom? Hindi pa kayo kasal ni dad noong dumating kami ni Serena."

"Ugh." Umupo si mom sa harapan ko. "Huwag mong sabihin sa akin matagal mo ng alam na buntis si Mona."

Alam ko ang tungkol doon dahil lumaki kami ni Serena na walang kinilalang ama. Kung hindi ako nagkakamali limang taong gulang na kami noong nakilala namin ang ama namin. Tapos dumating pa si Calyx na hindi pa sila kasal.

Mabilis akong umiling. "Kahapon ko lang po nalaman noong sinabi niya sa akin. Ang alam po kasi namin malabo na mabuntis si Mona. Ilang doctor na ang pinuntahan namin noon pero pare-pareho ang mga sinasabi nila."

"Kailangan mo rin sabihin sa dad mo ang tungkol sa pagdadalang tao ni Mona ngayon."

"Yan nga po ang plano ko ngayon kaso maagang umalis si dad para tapusin ang trabaho niya."

Ang totoo niyan wala namang problema sa gastusin dahil may sariling trabaho naman ako. Matutulungan ko si Mona hanggang sa manganak siya.

"Bakit hindi ka pumunta sa kumpanya?"

"Pero may usapan kami ni Mona na magkikita after lunch. Ipapasyal ko po kasi siya habang nandito siya sa probinsya."

"Kung aalis ka pagkatapos mong kumain at makakarating ka after lunch kung saan kayo magkikita ni Mona."

Pumasok na ko pagkarating ko sa kumpanya namin. Kilala rin namam ako ng security guard at binati ako ng ibang empleyado kaya binati ko rin sila.

Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa makarating ko na ang palalag ng CEO office.

"Good morning, Sir Stefan." Bati sa akin ng sikretarya ni dad.

"Good morning rin po! Nandiyan ba si dad ngayon? I mean pwede ba ako pumasok sa loob? Baka kasi busy siya ngayon."

"Pwede kayo pumasok. Wala naman po masyadong ginagawa si Sir Theo maliban sa iniwan niyang trabaho kahapon."

Hindi pa busy sa palagay na 'yan ah. Iniwan ang trabaho para makilala lang ang girlfriend ko.

Kumatok na ang sikretarya ni dad.

"Come in!"

Binuksan na niya ang pinto. "Sir, nandito po si Sir Stefan."

"Papasukin mo."

Humarap na siya sa akin. "Pasok na kayo sa loob."

"Thank you." Pumasok na ko sa loob ng office ni dad.

"May kailangan ka ba sa akin, Stefan kung bakit nandito ka ngayon?"

"Actually, yes." Umupo ako sa couch sa harapan ng desk ni dad. "Pagkagising ko kanina, ang sabi ni mom maaga daw kayong umalis."

"Oo, tinapos ko lang yung mga iniwan kong trabaho kahapon." Binalik na niya ang tingin sa ginagawa niya. "Ano ba ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon?"

"May importante po kasi ako gustong sabihin sa inyo. Eh, wala kayo sa bahay kaya nasabi ko na kay mom."

"Ano ba kasi iyon?"

Bigla akong kinabahan na ewan ko. Wala naman akong ginawang mali para pagsabihan ako ni dad.

Huminga ako ng malalim. "Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na buntis si Mona."

Nabitawan ni dad ang hawak niyang pen at gulat na gulat na tumingin sa akin.

"What did you just say? Are you saying Mona is pregnant?"

Tumango ako. "Yes..."

Binalik niya ang tingin sa ginagawa niya. "Congrats."

"C-Congrats?" Naguguluhan ako kung bakit iyon ang sinabi ni dad. Inaasahan ko pa man may iba pa siyang sasabihin o pagagalitan niya rin ako. "Wala po ba kayo ibang sasabihin sa akin?"

"Ano ang gusto mong sabihin ko sayo? Kahit pagalitan pa kita ngayon wala na tayo magagawa dahil nandiyan na yung bata. Malaki ka na, Stefan at alam mo ang ginagawa mo. Kaya mo rin buhayin ang mag-ina mo dahil may trabaho ka rin naman." Binaling niya ang tingin sa akin. "May isang kondisyon ako."

"What is it?"

"As you can see I'm not getting any younger. I need an heir to the company. Wala naman sa inyo magkakapatid ang interesado kaya sa mga apo ko na lang ibibigay ang kumpanya."

"Bakit hindi po ang anak ni Serena ang gawin niyong tagapag mana? Since Kiefer is your first grandson."

"Hindi pumayag si Serena sa kagustuhan ko mangyari. Naiintindihan ko naman ang kapatid mo. Ikaw na lang pagasa ko, Stefan. Kung hihintayin ko pa na magkaroon ng anak si Calyx baka mamatay na ako sa kahihintay."

Naiintindihan ko naman si dad dahil hindi na nga siya bumabata pero ayaw kong pilitin ang magiging anak ko sa magiging kinabukasan niya.

"Dad, I'm sorry but I have to say no. I don't want to force my future son on his future. But let's see when he reaches 18 if he will have interest in the company."

"I understand."

Bumuga ako ng hangin. "Naiintindihan ko rin naman po kayo. As for now, ako na muna ang hahawak sa kumpanya."

"Ang akala ko ba wala ka rin interesado sa kumpanya? Dahil masaya ka sa pagiging modelo."

"Yes, pero kayo na nga rin ang nagsabi na hindi na kayo bumabata. Baka napabayaan niyo na ang sarili niyo ngayon."

At huwag sana kalimutan ni dad kung ano ang tinapos ko kahit hindi ako interesado maging CEO ng kumpanya namin.

"Paano yung trabaho mo sa Manila?"

"Kakausapin ko po si Wacky na aalis ako sa pagiging modelo."

"You don't have to do this, Stefan. Mahal mo ang pagiging modelo mo."

"Mahal ko nga po ang trabaho ko pero hindi ako papayag na magkasakit kayo. Ayaw niyo naman siguro makita si mom na umiiyak kapag nagkasakit kayo, 'di ba? Kaya huwag na kayo makipag talo pa sa akin, dad. Kakausapin ko si Wacky pagbalik ko ng Manila."

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now