24

212 8 0
                                    

Isang buwan na ko nagbabakasyon sa amin at sa totoo lang hindi ko alam kung kailan ako babalik ng Manila. Eh, sa sobrang miss ko na ang mga magulang ko dahil minsan lang sila lumuluwas ng Manila pero si dad ang madalas lumuluwas ng Manila kapag may paguusapan sila ni tito Red. Baka ngayon iba na kasi kasal na ngayon si Serena at kakamustahin niya rin ang kakambal ko.

"Ang tagal mo na dito, Stefan. Wala ka bang balak bumalik sa Manila?" Tanong ni mom sa akin. Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay kasi nasa trabaho si dad ngayon.

"Gusto niyo na po ba ako bumalik?"

"Hindi naman sa ganoon, anak pero siyempre kailangan ka rin sa trabaho mo."

"Si Wacky po ang kinausap ko na magbabakasyon na muna ako. Pinayagan naman niya ko magbakasyon basta hindi ako lalabas ng Pilipinas."

Ano kaya ang mangyayari kung lumabas ako ng Pilipinas? Ano kaya ang gagawin ni Wacky sa akin?

"Mom, matanong ko lang po... Bakit niyo naisipan ni dad na tumira dito sa probinsya?"

"Nabanggit ko kasi sa dad niyo dati na gusto ko dito tumira kasi tahimik. Hindi ko naman inaasahan na magpapagawa ang dad niyo ng bahay dito at humingi pa nga kay Blue ng tulong para magpatayo ng kumpanya. Wala rin ako nagawa."

"Ganoon po pala ang nangyari."

Habang naguusap kami ni mom ay may narinig akong nagdoorbell. Sa ganitong oras kasi walang tao sa kapitbahay namin. Lahat na sila may pasok kaya imposible sa kanila iyon.

"Sino kaya 'yon? Aalamin ko lang kung sino yung nagdodoorbell."

"Take your time, mom." Humiga ako sa sofa. Sa totoo lang nabobored na ko dito wala kasi mapuntahan. Wala rin akong kilala dito sa probinsya kahit dito ako lumaki. Kahit dito nakatira ang mga magulang namin pero tumira kami ni Serena kila tito Red para sa Manila magaral at doon rin kasi ang trabaho namin. Umalis lang kami noong nagcollege kami at pinayayan naman kami. Alam naman ng mga magulang namin na hindi ko hahayaan ang kakambal ko kahit madalas kami nagaaway ni Serena ay mahal na mahal ko ang kakambal ko.

"Stefan, may bisita ka." Sabi ni mom sa akin.

"Huh? Sino po–" Nagulat ako ng makita kung sino ang tinutukoy ni mom na bisita ko. "What are you doing here?"

"Binibisita ka. Ang tagal mo kasi bumalik sa Manila."

"Stefan, I thought she was your ex girlfriend."

"Actually po nagkabalikan na kami ni Stef."

"Huh?!" Pati ako nagulat sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan sasabihin ni Mona na nagkabalikan na kami. Eh, hindi pa nga ako nagsisimulang manligaw sa kanya.

"Oh, bakit nagulat ka, Stefan? Hindi ba dapat alam mong girlfriend mo na siya?"

"Err... Pwede po bang excuse muna kami? Kakausapin ko lang po si Mona."

Hinila ko si Mona palabas ng bahay para doon kami magusap.

"Bakit mo sinabi kay mom na nakabalikan na tayo? Hindi pa nga ako nagsisimulang manligaw sayo."

"Ikaw pwede mo sabihin sa iba na girlfriend mo ko tapos ako hindi. You're so unfair, Stef! May sasabihin pa man ako kaya pumunta ako dito."

"Ano ba iyon?"

"Huwag na lang. Mukhang hindi ka talaga interesado malaman at saka galit ka pa."

"Hindi ako galit. Ano ba kasi iyon?"

"See? Galit ka."

"Ugh. Sorry, hindi ako galit kaya sabihin mo na sa akin ang gusto mong sabihin sa akin at nagpasya ka pa pumunta dito."

"I-I'm pregnant, Stef."

Parang huminto ang oras ko sa narinig ko. Tama ba ang dinig ko o niloloko lang ako ng pandinig ko?

"Stef?" Kumurap ako ang pagtawag ni Mona sa akin.

"P-Paano?"

Kasama ako sa check-up ni Mona at ang sabi ng doctor mababa na daw na mabuntis siya kaya pumunta kami sa iba pang doctor pero pare-pareho ang sinasabi nila. Hindi na ko mabibigyan ng anak ni Mona dahil sa nangyari sa kanya noon.

"Anong paano? Nakalimutan mo na bang may nangyari sa atin bago ka umalis. Nagkaroon ng bunga ang gabing 'yon at ang sabi ng doctor sa kalagayan ko ngayon ay isang milagro ang nangyari."

"Shit. I don't know what to say. Uh, let's get married."

"Huh? M-Married? Niyaya mo ba ko dahil dinadala ko ngayon ang anak mo?"

"No, no. Papakasalan kita dahil mahal kita, Mon." Sabi ko at hinalikan ko siya sa labi ng biglang...

May tumikhim.

Nagulat ako kaya napalayo ako bigla. "D-Dad?! What are you doing here?"

"Of course, I live here, young man."

"No, I mean... Bakit po ang aga niyo umuwi?"

"Tumawag sa akin ang mommy mo na nandito daw ang girlfriend mo kaya iniwan ko ang trabaho ko para makauwi agad. Hindi mo ba ipakilala sa akin ang kasama mo?"

"Um... Uh, dad, si Mona po pala. Girlfriend ko."

Nagsinungaling na tuloy ako sa mga magulang ko ngayon lalo na kapag nalaman nilang nabuntis ko si Mona.

"Mon, ang dad ko – Theo De Luca, ang panganay sa magkakapatid."

"Nice to meet you po."

"Nice to meet you too." Binaling ni dad ang tingin sa akin. "Stefan, mauuna na ko sa inyo pumasok. Baka kasi naudlot kayo sa ginagawa niyo kanina."

Pakiramdam ko umakyat lahat na dugo ko. Nakita ni dad iyon?! Shit. Ano na lang ang sasabihin ko sa mga magulang ko? Pero teka, alam nilang girlfriend ko si Mona at walang mali doon.

Tinawag na kami ni mom para kumain ng hapunan kaya niyaya ko na rin si Mona na dito kumain.

Ang tahimik habang kumakain dahil kinakabahan ako kung paano ko ba sasabihin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ni Mona at hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na hindi pa ko handa. Ugh, kailangan kong panagutan si Mona.

"Gaano na ba kayo katagal?" Tanong ni mom sa amin.

"Uh, um..." Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila. Hindi pa nga ako nagsisimulang manligaw sa kanya.

Tungkol sa pagsabi ko na girlfriend ko si Mona sa mga kasamahan namin sa agency ay para itigilan nila utusan si Mona parang wala mga paa at kailangan pa nilang utusan sa ibang tao.

"Magdadalawang buwan na po kami ni Stef."

"Stefan, bakit hindi mo sinabi sa amin na nagkabalikan pala kayo? Wala ka bang balak ipakilala sa amin kung sino ang girlfriend mo? Kung hindi sinabi ni Serena nagkaroon ka pala ng girlfriend noon ay hindi namin malalaman." Mahabang pahayag ni mom.

"Mom, huminahon na po muna kayo. Nawala lang po sa isip kong sabihin sa inyo pero may balak akong sabihin talaga sa inyo."

"Hija, pwede ba namin makilala ang mga magulang mo?"

"Ano po kasi..."

"Mom, hindi po kasi nila alam nandito na si Mona. I mean, nakabalik na siya galing France."

"Opo. Hindi rin po kasi maganda ang relasyon ko sa mga magulang ko kaya hindi pa ko nakakabalik sa amin."

Puro kasinungalingan na ang sinasabi ko sa kanila. Sana mapatawad ako ng mga magulang ko kapag nalaman nila ang totoo.

"Ganoon ba? Welcome ka dito sa amin, right, Theo?"

"Yes, welcome ka dito."

"Thank you po."

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now