"Um, Stef." Tumingin ako sa kanya. "Ayaw ko naman na magkaroon ng utang sayo."
"Sabi ko nga sayo hindi mo na kailangan bayaran ako."
Ilang araw na rin ang lumipas simulang gumaling si Mona.
"Pumayag ka na kasi bayaran kita. Hindi ko nga lang mababalik ang pera na ginastos mo noong nasa ospital ako kasi wala ako ganoong kalaking pera pero kahit anong gusto mo ibibigay ko sayo."
"Anything I want?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa saka ngumisi. "How about your body?"
"Huh?! Ano kasi..." Umiwas siya ng tingin habang namumula ang pisngi nito.
"You said anything I want. Ang katawan mo ang gusto ko bilang kabayaran."
"P-Pero okay lang ba sayo na hindi na kita mabibigyan ng anak?"
"Hindi ko kailangan ng anak. Ang kailangan ko ang katawan mo."
"O-Okay." Yumuko ito. "Pumapayag na kong ibigay sayo ang katawan ko."
Pagkatapos kong kausapin ni Mona ay pumunta na ko sa studio. Pagkakita nga sa akin ni River nilapitan na niya ko.
"Stefan, kinausap ako ni Paula na ngayong araw daw dadating ang papalit sa kanya."
"Parang ayaw ko na maghanap ng bagong manager. Si Pau lang ang pinagkatiwalaan ko sa ganito, eh."
"Naiintindihan ko. Noong baguhan pa nga lang ako dito si Paula na ang manager mo."
"Wala na tayo magagawa. Kailangan niyang tuparin ang mga pangarap niya." Sabi ko kaso sinusundan ng paningin ko kung saan pumunta si Mona. "River, excuse me lang. Kung dumating na yung kapalit ni Pau pakisabi mamaya ko na siya kakausapin."
Sinundan ko na si Mona papasok sa dressing room niya. Mukhang may photoshoot siya ngayon.
Suminghap siyang lumingon sa akin. "Ang akala ko kung sino na - ikaw lang pala iyan, Stef. Ano ang ginagawa mo dito?"
Nilock ko ang pinto bago lumapit sa kanya. Hinawakan ko na ang baba nito at sinunggaban ko ng halik. Damn, masyado kong namiss ang mga halik niya.
"Mmm..." Umungol siya dahil kinagat ko ang ibabang labi nito at malaya kong naipasok ang dila ko sa loob ng bibig niya.
Humiwalay na ko nang kapusin na kami ng hininga.
"S-Stef..."
"Wala pa rin nagbago sayo, Mona. Madalas ka pa rin nauutal." Natatawa kong sabi at muli ko siyang hinalikan sa labi. "That's a good luck kiss."
"Kasi naman kinakabahan ako baka ano ang gawin mo sa akin."
"Ginawa mo naman akong masamang tao niyan. Wala akong gagawing masama sayo."
"Kilala kasi ang pamilya mo. Takot ang lahat na tao kapag kayo ang binangga."
"Tama ka pero kay tito Red lang madalas takot ang mga tao. Isa kasi sa mababait si dad kaya wala masyadong natatakot sa kanya."
Umiling ito sa akin. "Mali ka. Marinig lang ng mga tao ang De Luca nanginginig na sila sa takot. Kapag binangga nila ang pamilya mo baka tuluyan na sila mawalan ng trabaho."
Bumuga ako ng hangin. "Nakikita mo bang takot si River o Pau sa akin? Hindi naman, 'di ba? Alam nilang wala akong gagawing masam sa kanila."
"Pero matagal ka na nilang kilala."
Umiling ako. "Noong unang araw nakilala ko si Pau wala akong nakitkitang takot sa mga mata niya. Yung kay River naman mas naeexcited pa nga siya noong unang araw niya dito. Pangarap kasi niya na makasama kami ni Serena sa isang project. Kaya kung ano man ang naririnig mo sa ibang tao dahil hindi kami ganoon kasama basta hindi maapihin o sasaktan ang mga mahal namin sa buhay."
Niyakap niya ako at binaon ang mukha sa dibdib ko. "Hindi na ko matatakot sayo."
"Wala ka naman ikatakot sa akin. Wala akong gagawing masama sayo maliban na lang kung may gagawin ka talaga na hindi ko gusto."
"Wala akong gagawin. Ibibigay ko naman sayo ng buo ang katawan ko."
"Tungkol diyan..." Napakamot ako ng ulo. "Hintayin na lang kita sa kotse mamaya."
"Hindi naman siguro–" Pinitik ko siya sa noo. "Aray!"
"Baliw. Kung anu-ano ang iniisip mo. May makakita sa atin kung doon natin gawin."
"Akala ko kasi doon, eh."
"Balik na ko sa studio. Baka kasi dumating na yung kapalit ni Pau."
"Kapalit ni Paula? Saan siya pupunta?"
"Maya ko na sabihin sayo ang buong detalye."
Hinanap na ng paningin ko kung nasaan si River para tanungin kung dumating na ba yung kapalit ni Paula.
"Stefan, here." Nakita kong kumakaway sa akin si River kaya lumapit na ko sa kanya.
"Nandito na ba yung kapalit ni Pau?"
"Oo. Actually, kanina pa nga siya nandito."
"Babae ba?"
Tumawa siya kahit wala naman nakakatuwa. "May sinabi ba si Paula na babae ang kapalit niya?"
"Wala. Huwag mong sabihin lalaki ang magiging manager ko?!"
"Do we have a problem if I'm a guy?"
Lumingon na ko at laking gulat ko makita kung sino ang magiging manager ko. "Wacky?! What the hell? Ikaw ang magiging manager ko?!"
"That's right. Ako ang magiging manager mo pero temporary lang."
"What do you mean temporary? Babalik pa si Pau?"
"Oo, kaso matatagalan pa siya bago bumalik. So, matagal ang pagsasama nating dalawa."
"Baka may kinalaman si Serena dito ah. Kung bakit ikaw ang naging manager ko."
"Walang kinalaman ang kapatid mo dito. Matagal ko ng gusto maging manager ni Serena dati kaso hindi niya tinanggap ang offer ko. So... ikaw na lang habang wala si Paula."
"Mabuti naman kung ganoon. Sinabi ko naman sayo dati na ayaw kong pinapakialaman ang personal life ko."
"Stefan, wala akong pakialam kung ano man ang personal life mo. Kahit nagkabalikan pa kayo ng ex mo, wala akong pakialam. Nandito ako para ituloy ang naiwang trabaho ni Paula."
"Nagkabalikan na kayo ni Mona?!" Nagulat si River sa narinig niya. Nawala sa isip ko nandito pa pala ito.
Binaling ko sa kanya ang tingin. "What? Wala akong sinabing nagkabalikan na kami at hindi na ko interesado pumasok sa isang relasyon. Alam niya iyon. Kaya imposible iyang iniisip mo."
"Akala ko ba mahal mo pa rin siya."
Ngumiti ako. "Dati iyon. Noong mga panahon na wala pang closure ang relasyon namin pero ngayon meron ng closure kaya pati ang nararamdaman ko para sa kanya nawala na rin."
Rinig kong pumalakpak si Wacky. "Okay! Magsimula na tayo. River, pasabi sa ibang staff na ayusin na yung mga gagamitin sa photoshoot. Stefan, magpalit ka."
Mukhang mas manager pa si Wacky kaysa kay Paula kasi hindi ganyan si Paula noong siya pa yung manager ko. Tatanungin ko lang siya kung ano ang schedule ko tapos ako na ang bahala sa susunod na gagawin.
Alam na nga pala ng lahat na si Wacky ang may ari nitong agency. Kahit ganoon hindi pa rin nagbabago ang pakitungo sa kanya ng iba.
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...