Nahuli na nga kami ng dating dahil may check-up pa nga ako tapos naipit pa kami sa traffic. Ano ba 'yan. Ngayon pa talaga sumabay ang traffic kung kailan nagmamadali.
Pagkarating namin kung saan gaganapin ang family reunion nila ay biglang bumalik ang kaba sa dibdib ko.
At hindi lang iyon, namangha pa ako pagkakita ko sa bahay. Ay, hindi pala dahil isang mansion pala ito. Sila na ang mayaman.
"Sino ang nakatira dito?"
"Ang lolo't lola ko pero matagal na silang wala kaya nagpasya sila na dito gaganapin kapag may family reunion."
"Ibig sabihin wala na nakatira dito?"
"Meron naman. Mga kasambahay namin at minsan kapag lumuluwas ng Manila si dad ay pumupunta siya dito." Hinawakan na niya ang kamay ko. "Tara, pasok na tayo sa loob."
Pagkapasok namin sa loob ng mansion nila ay naririnig ko na ang tawanan ng ibang kamag-anak nila. Kahit gusto kong umuwi at matulog na lang ay panigurado akong magagalit sa akin si Stef.
"Sorry, we're late."
Nagsitinginan ang mga bisita sa amin. My God! Ayaw ko ang ganito, eh. Pero siyempre may kilala rin naman ako dahil nandito si River - kahit hindi kami ganoon close sa trabaho. Sina Serena at Sir Wacky. Tapos nandito rin si Mason at may kasama siyang babae saka mga bata.
Wait, what? Kasal na pala siya ngayon. Sabagay walong taon na rin yung huling kita ko sa kanya at totoo niyan wala naman akong close sa mga pinsan ni Stef. Si Stef nga ang madalas kasama at kausap ko noon, eh.
"So, totoo ngang buhay at gumanda ka ngayon, Mona." Sabi ni Mason pagkalapit niya sa akin.
"Uh, yeah. Buhay na buhay ako ngayon."
"Wala ka pa rin pinagbago." Natatawa niyang sabi at binaling ang tingin kay Stef. "Sup, insan?"
"Okay lang naman."
"Mukhang marami kang ikukwento sa akin mamaya."
"Ugh. Mukhang alam ko na ang gusto mong malaman ngayon."
Ipinakilala na ko ni Stef sa iba pa niyang kamag-anak. Halos lahat pala ng mga pinsan niya ay may sarili ng pamilya. Pinakilala nga niya ko bilang fiancee. Well, totoo naman dahil engaged na kami ngayon.
"Kuya Stefan." May isang babae ang lumapit sa amin. Kung hindi ako nagkakamali ang pangalan niya ay Gaia at kababatang kapatid daw siya ni Mason. "Hindi ho ba pupunta si Calyx ngayon?"
"Sorry, Gaia. Hindi ko alam kung makakapunta si Calyx ngayon. Lumipat na kasi siya ng tirahan. Bakit hindi mo siya tawagan ko o itext?"
"Nakailang text na ako sa kanya pero niisa wala pa siyang reply. Kahit nga rin tawag, eh."
"Baka busy lang kaya hindi siya nakakareply o tumatawag."
"Sorry, I'm late!"
"Oh! Nandiyan na pala."
"Sige. Salamat, kuya Stefan. Lapitan ko na siya."
"Hi, Mona."
Ibinaling ko sa kanya ang tingin ko saka ngumiti. "Hello."
"Twin, hiramin ko na muna si Mona ah."
"Basta ibalik mo sa akin ng buo."
"Depende. Puntahan mo na nga yung mga boys."
Hinalikan niya ko sa pisngi. "Magenjoy ka lang ah."
Tumango ako. "Okay. Ikaw rin."
Pinuntahan na namin ni Serena ang iba pa niyang pinsan na babae. Habang kasama naman ni Stef ang mga lalaki.
"Ilang buwan na?" Kung hindi ako nagkakamali siya yung asawa ni River.
"Five months na."
"Alam niyo na ba ang gender ng magiging anak niyo?" Tanong ni Serena sa akin.
Tumango ako sa kanya. "Babae ang magiging anak namin."
Sobrang tuwa ko nga kanina noong sinabi ng doctor na babae ang magiging anak namin ni Stef. Natupad ang gusto ko.
"May naisip na ba kayong pangalan sa magiging anak niyo?" Tanong ulit sa akin ni Mei.
"Wala pa kaming naisip na ipapangalan sa baby namin."
"Ate Serena, bakit hindi mo sinabi sa akin na may girlfriend na pala si kuya Stefan?"
"Ayaw ko kasi magalit lalo sa akin si Stefan. Pinagsabihan na nga kami ni Wacky na huwag daw namin papakialaman ang personal life niya. At saka hindi mo ba naalala si Mona? Nandoon rin siya noong kasal niyo."
"Talaga? Sobra daming bisita noong kasal namin kaya hindi ko na maalala ang mga mukha."
Nakangiting tumango ako sa kanya. "Nandoon rin ako sa kasal niyo. Kasama rin ako ni River sa trabaho."
"Photographer ka rin ba? O modelo?"
"Modelo. Wala pang isang tao ako nagtatrabaho sa agency."
"Ano pala ang plano mo pagkapanganak mo?"
"Gusto ko sana bumalik sa pagaaral. "
"Ano ba ang dahilan mo kung bakit ka naging modelo?"
"Oo nga. Gusto ko rin malaman."
Bakit ako ang iniinterview nila? Hindi nga ako sanay sa ganitong bagay.
"Dahil nga walong taon kami walang communication simulang naghiwalay kami ni Stef kaya naisipan kong pumasok sa parehong agency. Gusto kong malaman kung kamusta na siya." Sagot ko kahit may part doon na hindi totoo. Alam na ni Serena ang totoong dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Stef pero hindi niya sinasabi kay Mei. At saka ayaw ko na maalala ang lahat na iyon.
Ang importante okay na kami ni Stef at magkakaroon na rin ng anak.
Napansin ko ang paglapit ni Gaia sa amin. "Ano kaganapan?"
"Tinatanong lang namin si Mona sa mga bagay-bagay." Sagot ni Mei sa kanya.
"Aww... Sayang nahuli ako ng dating. Wala nga akong alam na may girlfriend pala si kuya Stefan."
"Hindi ka nagiisa, Gaia."
"Mukha ngang namiss mo ng sobra si Calyx." Sabi ni Serena.
"Sobrang namiss ko ang bonding namin ni Calyx. Sobrang busy ko sa pamilya at trabaho ko tapos busy rin siya sa trabaho niya. Katulad kanina ang sabi niya sa akin nakalimutan na daw niya ang oras kung hindi pinaalala sa kanya ng mga estudyante niya."
Isa nga pa lang professor si Calyx.
Ang dami naming pinaguusspan pero napansin ko ang paglapit sa amin ni River at hindi lang 'yon may karga pa siyang baby.
"Mei." Lumingon si Mei sa kanya. "Kailangan na painumin si Nadia."
"Girls, excuse me lang ah." Tumayo na siya at kinuha na niya kay River ang baby.
"River, kamusta naman maging isang ganap na ama?" Tanong ni Serena sa kanya.
"Huh? Um..." Napakamot siya ng ulo. "Masaya simulang dumating sa amin si Nadia."
"Wala ba kayong balak sundan si Nadia?"
"Baliw ka talaga, Serena. Magagalit si Mei kapag narinig niya 'yan at sasabihin niya masyado pang baby si Nadia. Pero kung kailan handa na ulit si Mei doon namin susundan si Nadia. Sa ngayon focus muna kami kay Nadia."
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
Lãng mạnGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...