"Heto na yung impormasyon tungkol kay Mona Tolentino." Nilapag na niya ang isang folder ko sa mesa at inabot sa akin.
"Good." Binuksan ko na ang folder para basahin ang mga nakasulat.
Kaso may isang impormasyon ang umagaw sa akin. Dinouble check ko pa baka nagkamali ako ng basa pero iyon talaga ang nakasulat dito.
"Nagkaroon siya ng anak?"
"Ayon sa mga natanungan ko sa mga nakakilala sa kanya. Nagkaroon daw siya ng anak pero wala silang ideya kung nasaan na yung bata."
Kumunot ang noo ko. "Sa tingin mo ba buhay pa yung bata? Pwede bang alamin kung buhay o patay na yung bata?"
"Pwede ko naman gawin iyan pero dagdag bayad ulit ito, Mr. De Luca."
"Okay lang. Gusto ko malaman kung buhay o patay na yung bata. Kung buhay pa alamin mo rin kung saan siya pwede matagpuan ngayon."
"Tatawagan ko na lang kayo kung may nakuha na ulit akong impormasyon."
"Okay. Good."
Gusto ko malaman kung anak ko rin ba yung bata. Lagot talaga sa akin si Mona kapag nalaman kong nagkaroon pala kami ng anak.
Pagkatapos kong kausapin ang private investigator ay dumeretso na ko sa agency.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Paula.
"Sorry. May inaasikaso lang ako kanina."
"Mabuti nandito ka na, Stefan." Binaling ko ang tingin kay River at may inabot siya sa akin – isang wedding invitation pala.
"Imbitado ako sa kasal niyo?"
"Malamang. Ikaw ang kinuha kong best man."
"Sino ang kinuhang maid of honor ni Mei?"
"Si Jade – yung kapatid ko."
"May kapatid ka?!" Sa tagal na namin magkasama ni River sa trabaho pero ngayon ko pa lang nalaman na may kapatid pala siya.
"Oo, meron akong nakakatandang kapatid. Actually, kasama rin siya ni Mei sa team niya."
"Ngayon mo lang kasi nabanggit na may kapatid ka."
"Ganoon ba?" Natatawa niyang sabi. "Sige, una na ko sa inyo. Maghahanap pa kasi ako kung sino libre sa kasal namin para maging photographer."
"Good luck." Binaling ko ulit ang tingin kay Paula pagkaalis ni River. "May photoshoot ba ako ngayon?"
"Wala kang schedule ng photoshoot ngayon pero pumunta pala dito kanina sila Wacky."
"May kailangan ba sa akin sila Wacky? Pwede ko sila puntahan sa kanila."
"May pinapasabi lang."
Kumunot ang noo ko. "Ano iyon?"
"Sa darating na big event bawal kang tumanggi daw. Ikaw daw kasi ang VIP sa event na iyon. Ang kaso sinabi ni River hindi siya makakasama sa darating na event kasi inaasikaso pa nila ang kasal kaya ibang photographer ang kukuha sayo habang nandoon ka sa venue pero asahan mong marami ring paparazzi ang pupunta sa event."
"Big event? Like?" Wala talaga akong ideya kung ano na naman ba ang pakulo ng magasawa na iyon ngayon. Kung bakit nila naisip ang magkaroon ng big event.
"Grand ball."
"Grand ball?! Eh, ni hindi nga ako marunong sumayaw tapos wala pa kong partner."
"May magiging partner ka na pero doon mo na lang daw makilala ang magiging partner mo."
"I doubt it."
"You doubt it? Eh, si Serena nga rin pumili ng makakasama mo sa grand ball."
"That's why I doubt it. Si Serena ang pumili ng magiging partner ko at alam mo rin ang ugali noon."
"Sorry about that. Kaya maghanap ka ng susuotin mo sa grand ball at may oras ka pa naman para magpractice sumayaw."
"Nang aasar ka ba?"
"Hindi. Sinasabi ko lang sayo hindi lang ikaw ang mapapahiya doon dahil hindi ka marunong sumayaw, pati rin ang magiging partner mo."
"Ugh, fine. Kailan ba gaganapin ang grand ball?"
"May tatlong buwan ka pa para magpractice sumayaw. Make sure don't step on your partner's foot."
Hindi mawala sa isipan ko ang pinagusapan namin ni Paula kanina. Ano na naman ba ang pakulo ng magasawang iyon at ako pa talaga ang magiging VIP sa grand ball na iyon. Ni hindi nga ako umaattend sa ganyang event dati dahil hindi ako marunong sumayaw at hindi ko rin hilig ang ganyang event. Hindi nga ako pumunta sa prom namin noong high school tapos papuntahin ako ni Serena sa grand ball. Alam niyang ayaw ko ang ganoong event.
At may isang bagay pa hindi mawala sa isipan ko. Kung sino ang magiging partner ko sa event na iyon. Ayaw pa kasi sabihin sa akin ni Paula kanina. Kainis.
"Kuya, ang balita ko may grand ball daw gaganapin sa inyo ah. Kaya naghanap na ko ng susuotin mo." Sabi ni Calyx habang may hawak itong dalawang tuxedo.
Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?"
"Tumawag kasi sa akin kanina si ate Serena at kinausap ako na tulungan daw kita maghanap ng susuotin mo sa grand ball."
Ugh, hindi talaga ako titigilan ni Serena kapag hindi ako umattend sa darating na grand ball. At asawa nga pala siya ng may ari ng agency.
Paano ko nalaman na si Wacky ang may ari ng agency? Sinabi sa akin ni Serena.
"Calyx, may kilala ka bang nagtuturo ng sayaw? Alam mo naman hindi ko hilig ang ganyan at hindi rin ako marunong sumayaw. Ayaw ko namang maapakan ang paa ng magiging partner ko."
"May estudyante ako na dance instructor. Pwede ko siyang kausapin na turuan ka."
"Thank you, bro."
"Kailan ka ba pwede? Para sabihan ko rin siya."
"How about Saturday and Sunday? Doon lang kasi ako available."
"Okay. Kakausapin ko siya bukas." Nilapag na niya sa harapan ko ang dalawang tuxedo na hawak niya kanina. "Ikaw na ang bahala pumili kung ano ang gusto mo diyan sa dalawa. Magluluto na muna ako ng hapunan natin."
Tiningnan ko na ang dalawang tuxedo nasa harapan ko. Para sa akin parehas lamang yung dalawa, ang pinagkaiba lang siguro yung kulay.
Kinuha ko na yung isang tuxedo. "Hetong itim na lang ang susuotin ko sa grand ball."
"Ikaw ang bahala, kuya. Kailan nga pala gaganapin yung grand ball?"
"I don't know the exact date pero ang sabi ni Pau meron daw akong tatlong buwan para magpractice."
"Matagal tagal pala ang grand ball."
"Baka nakakaistorbo ako sa estudyante mo ah."
"Hindi iyan. Araw-araw ko nga nakikitang nagtuturo ng sayaw. Mukha kasing kailangan niya ng pera kaya nagtuturo siya ng sayaw."
"So, ang pagiging dance instructor ang trabaho niya?"
"Parang ganoon na nga."
"Tanungin mo rin siya kung magkano ang pagtuturo niya sa isang araw. Dodoblehin ko."
"Dodoblehin mo?!" Bakas sa mukha ni Calyx ang pagkagulat. "Seryoso ka ba diyan, kuya?"
"Mukha ba ako nagbibiro? Dodoblehin ko yung bayad sa kanya kung papayag siyang turuan ako."
"Okay, sasabihin ko rin sa kanya iyan bukas."
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...