"Stefan." Lumingon ako kay Mason noong tinawag niya ko. "Alam mo na ba?"
Kumunot ang noo ko. "Alam ko na ang alin?"
May ipinakita sa akin si Mason sa phone niya at binabasa ko ang article. Hindi maaari ito. Hindi magagawa ni Mona ang magpakamatay.
"Hindi totoo iyan!" Sigaw ko kaya napalingon sa amin ang mga estudyante.
"Nang makita ko ito kanina hindi rin ako naniwala pero naidentify na ng mga pulis ang bangkay nakita nila."
"Ayaw kong maniwala na wala na siya. Tatawagan ko siya!" Nanginginig ang mga kamay ko habang tinatawagan ko si Mona.
Kaso nakailang tawag na ko sa kanya hindi niya sinasagot ang tawag ko. Hindi maaari ito. Bakit niya ginawa ito? Wala siyang nababanggit sa akin na may problema pala siya.
Hindi ako pwede umuwi dahil exam week namin ngayon kaso hindi ako makapag concemtrate sa exam.
Pero hindi matutuwa si Mona kapag bumagsak ako sa exam at hindi makagraduate.
Pagkatapos ng exam namin pumunta ako sa tambayan namin. Umupo ako sa ilalim ng puno at nakatingala sa kalangitan.
"Kung alam ko lang na hindi na pala tayo magkikita pang muli sana..."
Nagsisi ako sa nangyari. Kung alam ko lang na may problema siya sana pinilit ko siyang sabihin sa akin at baka matulungan ko pa siya. Hindi sana ganito ang mangyayari.
"Tama nga na dito ka lang pala makikita."
Agad kong pinunasan ang luha ko. "Ano ang kailangan mo?"
"May problema ba, Stefan? Hindi ka makakapag sinungaling sa akin."
"Wala akong problema. Inaantok lang ako dahil wala pa ko masyadong tulog. Ayaw ko kasing bumagsak sa exam natin."
"Kalat na ang balita dito na may girlfriend ka na. Hindi mo ba siya ipapakilala sa akin?"
"Kahit gusto ko ipakilala siya sa inyo pero wala na siya dito."
Isa pa iyan. Hindi ko na magagawang ipakilala si Mona sa pamilya ko. Marami akong pinangako sa kanya na hindi na matutupad.
"What do you mean?"
"Kanina kasi ang flight niya papuntang France."
"Sa araw mismo ng exam natin."
"Wala tayo magagawa dahil iyon ang kagustuhan ng mga magulang niya."
"Aw, too bad. Ang akala ko pa naman makilala ko siya ngayon. Madalas naman tayo nagkikita pero ni minsan hindi mo nababanggit sa akin na may girlfriend ka na pala."
"Marami lang ako ginagawa kaya hindi ko nabanggit sayo hanggang sa nakalimutan ko na." Tumayo na ko at pinagpagan ko na ang suot kong pantalon. "Uuwi na ko. Sasabay ka ba pauwi sa akin?"
"Hindi. May exam pa ko mamaya."
"Sige, mauna na ko sayo."
Imbes na dumeretso ako sa bahay ay pumunta ako sa crime scene kung saan nagpakamatay si Mona. Wala na rin ang mga kapulisan dahil tapos na ang imbestiga nila.
"Sana hindi mo ito ginawa. Sabi ko nga sayo kung may problema ka man, tawagan mo lang ako." Muling pumatak ang luha ko. Hindi ako makapaniwala na wala na siya ngayon at malabo ko siyang makasama.
Sana panaginip lang ang lahat na ito at pagkagising ko buhay si Mona – magkikita ulit kami.
"Who are you?"
Pinunasan ko ang luha ko bago lumingon sa likod dahil may isang may edad na lalaki na pumunta rin sa crime scene.
Hindi ako pwede magkamali siya ang ama ni Mona.
Humarap ako sa kanya. "Hello, Sir. I'm Stefan De Luca – Mona's boyfriend."
Tumawa siya kahit wala namang nakakatuwa sa sinabi ko. "Nagpapatawa ka ba, hijo? Hindi naman siguro malabo ang mga mata mo para magustuhan mo ang batang iyon."
Nakakuyom ang mga kamao ko. Doon ko rin naalala na madalas nababanggit ni Mona kung gaano ayaw ng mga magulang niya sa kanya.
"Ayaw ko po maging bastos pero konting respeto naman po. Anak niyo pa rin po ang namatay. Kayo ho ang dahilan kung bakit ginawa ni Mona ito."
Kumunot ang noo nito. "Pardon? Are you saying that what happened to her is our fault?"
"Yes, she always mentioned to me how much you dislike her as if you regretted that she came into your life."
Hindi na siya makasagot pang muli kaya nagpasya na lang ako umalis baka ano pa ang masabi ko.
Dumeretso na ko sa kwarto ko pagkauwi ko at umupo sa gilid ng kama. Nilabas ko ang phone ko para basahin ang huling message sa akin ni Mona.
From Mona;
Stef, thank you for everything. Lalo na yung nasa amusement park tayo sobra ako nagenjoy. Palagi mong tandaan mahal na mahal kita.
Kahit naisip ko na parang nagpapaalam na siya sa akin pero ni minsan hindi pumasok sa isipan ko na gagawin niya talaga iyon.
Nagising ako may araw na sa labas – shit, hindi ako nakapag review para sa exam namin ngayong araw. Hindi ko nga mamalayan nakatulog pala ako kagabi habang umiiyak. Wala na yata akong luha na mailalabas na dahil nailabas ko na lahat kahapon.
"Good morning, kuya!" Bati sa akin ni Calyx.
"Morning. Pumasok na ba si Serena?"
"Maagang pumasok si ate Serena kanina. Ang sabi kasi niya 7 AM daw ang first exam niya."
"I see." Umupo na ko sa harap ng hapag.
"Kain ka na, kuya at papasok na rin ako."
"Okay, magiingat ka."
First year college na si Calyx. Parang kailan lang first grade pa lang siya pero ngayon... Ang bilis talaga ng panahon.
Pumasok na rin ako pagkatapos kong kumain at busy rin ako sa pagreview. Shit, walang pumapasok sa utak ko ngayon. Hindi ako pwede bumagsak para makagraduate ako.
"Good morning, Sir Stefan."
Inangat ko ang tingin sa kanya. "Oh, ano ang ginagawa mo dito, Nolan? Nasa kabila ang building niyo ah."
"Nagpaturo ako saglit kay Nolan kanina. Alam mo namang weakness ko ang subject na ito at ayaw kong may mababa akong grade dahil pagagalitan ako ni dad kapag may mababa ako."
"Sir Mason, Sir Stefan, balik na ko sa classroom namin. Malapit na kasi magsimula ang exam namin."
"Sige. Good luck!" Sabi ko.
"Anyway, Stefan." Binaling ko ang tingin kay Mason. "Namumugto ang mga mata mo. Galing ka ba sa pagiyak kagabi?"
"Oo, buong gabi ako umiyak. Hindi ko nga namalayan nakatulog pala ako at hindi rin ako nakapag review kagabi." Binalik ko na ang tingin ko sa nirereview ko. "Halata ba na galing ako sa pagiyak?"
"Sobrang halata. Dapat may ginawa ka diyan bago pumasok."
"Pasensya na. Ang akala ko kasi late na ko kaya wala na kong oras asikasuhin ang sarili ko. Hindi nga rin ako masyado nakapag ayos ngayon."

YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...