Mona's POV
Galing ako sa bookstore noong isang araw para bumili ng mga kailangan ko pero may isang bagay na umagaw sa atensyon ko – ang isang magazine na may picture ni Stef sa front page.
Napabili nga ako ng magazine kahit hindi ko kailangan, eh.
Aaminin ko ang gwapo ni Stef sa personal o kahit sa picture niya pero sino ba ang matinong lalaki ang magkakagusto sa kagaya ko? Tinatawag nga ko ng mga nakakilala sa akin na ugly duckling dahil sa sobrang panget ko.
Kahit nga sa pagpasok ko dala ko yung magazine. Kasi naman gusto ko kausapin si Stef tungkol sa trabaho niya.
Hindi na rin ako binubully ng mga varsity dahil siguro alam nila na isang De Luca ang makakalaban nila kapag binully nila ulit ako. Ewan ko ba kung bakit ako pinoprotektahan ni Stef sa mga bullies.
Nakita ko si Stef sa lobby at lalapitan ko na sana siya kaso napalibutan siya ng mga babae. Ang iba doon ay miyembro ng cheering squad at ang iba naman ay miyembro ng girls volleyball team. Saan ka pa?
Sino ba naman ako para pansinin niya, 'di ba?"
Pumunta na lang ako sa tambayan ko dahil doon tahimik at makakapag aral rin ako. Ayaw ko kasi sa library dahil maraming pares ng mga mata ang nakatingin sa akin. Alam ko ang iba sa kanila ay huhusgahan nila ang itsura ko.
"Ang tahimik talaga dito, 'no?"
Tumingin ako sa taong 'yon at nakita ko siya. "A-Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ba dapat kasama mo yung mga babae?"
"Yeah, pero dumating yung mga pinsan ko kaya kinuha ko na rin ang pagkataon na tumakas sa mga girls. Mas gusto ko pang tumambay dito dahil tahimik." Umupo na siya sa tabi ko at tumingin rin ako kung saan siya nakatingin – sa magazine pala siya nakatingin. "Hindi ko alam na bibili ka rin pala ng magazine na may picture ko sa front page."
"Hindi ko nga alam kung bakit ko iyan binili noong isang araw, eh. Pumunta ako ng bookstore para bumili ng mga kailangan ko."
Tumawa siya ng mahina. "Ibig sabihin ba niyan fan na kita?"
"Huh? Wala akong interest sa trabaho mo."
"Ayos lang 'yan. Huwag kang mahiya, Mona."
"H-Hindi ako nahi–" Hindi natapos ang sasabihin ko dahil hindi ko na alam ang sunod nangyari.
Did he kissed me?
Ngumiti siya sa akin. "I like you."
"Huh? Y-You l-like me?" Kinuha ko na ang mga gamit ko sabay tayo. "Huwag mo nga ko lokohin, Stef!"
"Hindi kita niloloko, Mon. Gusto kita."
"Ano ang nagustuhan mo sa akin? Sobrang panget ko kaya. Ugh, huwag mo ng sagutin ang tanong ko. Ayaw ko rin naman marinig kung ano man ang sagot mo."
Napahawak ako sa labi ko habang naglalakad ako. Talaga bang hinalikan ako ng isang Stefan De Luca kanina? Yung first kiss ko ninakaw niya.
"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"
"Sorry, sorry." Hindi ko namalayan na may nabangga pala ako.
"Ang panget mo na nga, bulag ka pa!"
Yumuko na lamang ako. Ayaw ko kasi ng gulo at saka hindi naman niya kailangan pahiyain ako sa maraming tao.
Paguwi ko sa bahay ay sobrang tahimik. Mamaya pa kasi uuwi ang mga magulang ko at kahit may kasama ako dito ay hindi rin naman nila ako pinapansin. Para bang sinusumpa nila na sana hindi na lang ako nabuhay. Hindi ko namang ginusto na ganito mangyari sa akin, eh.
Kinabukasan maaga akong pumasok para wala pa masyadong tao.
"Mon!" Ang akala ko walang tao ang titingin sa akin lalo na't may tumatawag sa akin. Si Stef lang naman ang tumatawag sa aking Mon.
Lumingon ako sa kanya. "Ano ba ang kailangan mo sa akin?"
Ang ayaw ko sa lahat yung na sa akin yung atensyon ng mga tao. May mga pares ng mata ma parang ang sama ng tingin sa akin. Para bang konting mali ko lang ay papatayin nila ako.
"Gusto ko sagutin yung tanong ko sa akin kahapon."
"Ayaw ko nga marinig kung ano man iyang sagot mo."
Umiling siya. "No, dapat kong sabihin sayo ang sagot ko."
Bumuga ako ng hangin. "Fine. Hindi mo ko titigilan hangga't hindi mo sinabi sa akin ang sagot mo. Pero pwede bang huwag dito?"
"Saan mo gusto? At saka para alam ng lahat kung ano ang gagawin ko."
"Basta ayaw ko dito. Doon tayo magkita sa tambayan."
"Okay. Kung sino ang mauna na pumunta doon, maghintay ah."
Pagkatapos ng klase ko ay pumunta na ko sa tambayan. Ang totoo niyan wala talaga akong balak pumunta doon at alamin kung ano man ang gustong sabihin ni Stef sa akin.
Nagtago ako sa likod ng malaking puno pagkakita ko sa kanya. Gaano na kaya katagal siya naghihintay diyan?
"Hey, you." Napatalon ako sa gulat noong may nagsalita sa likuran ko kaya lumingon ako sa kanya. "What are you doing here? Wala bang– teka, ikaw yung kausap ni Stefan kanina ah."
"Tinanong mo ko kung ano ang ginagawa ko dito. Wala, napadaan lang ako. Sige, alis na ko." Nagmamadali ako bumalik sa school building ko. Iba ang kurso namin ni Stef at malayo ang school building niya sa akin. Kaya hindi rin siya bumibisita sa school building namin.
Hindi ako makapag focus sa klase namin dahil iniisip ko ang ginawa ko. Ni hindi ko nga alam kung gaano ba katagal naghintay si Stef sa tambayan. Paano kung hindi siya pumasok sa mga klase niya para hintayin ang pagdating ko sa tambayan.
Kainis! Lakas maka guilty naman ng ginawa ko.
"Ms. Tolentino!"
Kumurap ako noong tawagin ako ng professor ko at napatayo ako. "Sir!"
"You are not listening, Mona."
"Pasensya na po, Sir. May ininiisip lang po ako."
"Related ba iyan sa lesson natin? Kung hindi related iyan, huwag mo muna isipin. Magfocus ka na muna sa lesson natin ngayon."
"Sorry po. Hindi na po mauulit."
"Okay, maupo ka na ulit at itutuloy ko na ang lecture."
Pagkatapos ng klase ko ay nagmamadali akong pumunta sa tambayan ko.
Nang makarating na ko doon ay hinanap ko si Stef. Sana walang professor na pumunta dito at makita si Stef na hindi pumasok sa mga klase niya. Ah, bwesit! Sana hindi siya mapagalitan ng professor niya.
"Glad you came."
Niyakap ko siya pagkakita ko sa kanya at inangat ang tingin. "Hindi ka ba napagalitan?"
"Bakit naman ako pagagalitan? Kung wala akong ginawang mali."
"Ibig sabihin walang professor na pumunta dito at tinanong kung ano ang ginagawa mo?"
"Kung ang iniisip mo na pinagalitan ako dahil hindi ako pumasok dahil hinihintay ko ang pagdating mo. Nagkakamali ka. Walang professor na pumunta dito at hindi rin ako napagalitan. Pumapasok ako sa mga klase ko sa oras."
Humiwalay na ko ng yakap sa kanya. "Mabuti naman kung ganoon."
"Nagaalala ka sa akin dahil ang iniisip mo baka pagalitan ako ng professor ko. Baka lalo ako main love niyan sayo kung palagi kang ganyan, Mon."
Umiwas ako ng tingin. "W-Wala akong sinabi na nagaalala ako sayo kung pagalitan ka pa ng professor mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/322075383-288-k315951.jpg)
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...