21

146 10 1
                                    

"Rookie."

"Yes? May pagagawa kayo sa akin?"

Kahit ilang buwan na ko dito sa agency pero rookie pa rin ang tingin nila sa akin.

"Pwede mo bang ibigay ito kay Wacky?" May inabot siya sa aking envelope. "Ang pagkaalam ko nasa dressing room siya ngayon ni Stefan."

"Okay, ibibigay ko ito sa kanya."

"Salamat."

Malayo pa lang ako sa dressing room ni Stef ay narinig ko na ang boses niya.

"Ilang beses na kitang sinabihan na huwag niyo papakialaman ang personal life ko! Tapos maririnig ko na lang na inaalam niyo ang nangyari sa amin ni Mona! Wacky, ano bang hirap intindihin doon ah?!"

"I'm sorry for what happened. Hindi ko kasi magawang tanggihan ang kagustuhan ni Serena."

"Bullshit! Pagsabihan mo 'yang asawa mo kung ayaw niyang magaway talaga kami at kakalimutan kong kapatid ko siya."

"May ginawa bang kalokohan si Serena?"

"Sa ngayon wala siyang ginagawang kalokohan at hindi ako papayag na unahan niya ko!"

Kumatok na ko kahit naguusap pa sila sa loob. Kailangan ko na kasi ibigay itong envelope kay Sir Wacky para makabalik na ko sa trabaho ko.

"Come in."

Binuksan ko na ang pinto at lumapit na ko kay Sir Wacky. "Sir, pinamimigay po sa inyo."

Inabot ko na sa kanya ang envelope at kinuha niya agad. "Huy, salamat."

"Ano 'yan, Wacky?"

"Picture namin. Hindi kasi namin nakuha 'to kahapon kaya kinausap ko yung photographer na ngayon ko kukunin yung pictures namin."

"Um, balik na po ko sa stu–"

"No, you stay here." Sabi ni Stef sa akin. "Wacky, pwede mo bang iwanan mo na kami?"

"Sure!" Saktong pagtayo ni Sir Wacky ay napansin kong prosthetic leg ang isa niyang binti. "Pagkatapos niyo magusap na dalawa pumunta ka na sa studio, Stefan."

"Nakita mo, 'no?" Tanong ni Stef sa akin pagkalabas ni Sir Wacky sa dressing room nito.

Napatingin ako sa kanya. "Nakita ko ang alin?"

"Ang binti ni Wacky."

"Oo. Kahit curious ako kung bakit pero mas pipiliin ko na lang na huwag itanong sa kanya. Baka kasi personal iyon."

"Hindi naman. Kaya prosthetic ang isa niyang binti dahil naaksidente siya noon. Dati namin siya kasamahan pero isang beses lang siya naging modelo."

Ganoon pala ang nangyari kay Sir Wacky. Kahit ganoon ang nangyari sa kanya hindi naging sagabal ang pagiging kapansanan niya.

"Ano nga pala ang gusto mong pagusapan? May gagawin pa kasi ako."

"I'm sorry kung natakot ka sa inasal ko kahapon. Ang ayaw ko sa lahat pinapakialam ang buhay ko."

"Ewan ko sayo, Stefan."

"S-Stefan? Stef dapat ang tawag mo sa akin, hindi Stefan."

"I can call you whatever I want."

Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko. "No! Hindi ako papayag na tawagin mo kong Stefan. Hindi nga ako pumapayag na may tumatawag sa aking Stef maliban sayo."

"No, I can call you wha–" Napaaray ako noong hinigpitan niya ang paghawak sa balikat ko. "Nasasaktan ako."

Binitawan na niya ang balikat ko. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya."

"Bakit kasi ayaw mo pang aminin na hindi mo talaga ako mahal at naawa ka lang sa akin. Saka katawan ko lang talaga ang habol mo sa akin." Yumuko na ko dahil gusto ng pumatak ng luha ko. "Naiintindihan ko naman iyon."

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya baka narealize niya ang sinabi ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Katawan ko lang talaga ang gusto niya, hindi ako.

At naniwala naman ako na mahal talaga niya ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapatawad ni Stef sa mga kasalanan ko sa kanya noon.

"Kung wala ka ng kailangan sa akin babalik na ko sa studio."

Imbes na bumalik ako sa studio ay pumunta na muna ako sa dressing room ko. Sobrang sakit kasi malaman na hindi ako mahal ng lalaking mahal ko.

Mga ilang minuto ako nasa dressing room at inayos ko na muna ang sarili ko bago lumabas para wala makahalata na galing ako sa pagiyak kanina.

"Mona, sorry. Hindi ko dapat inutos sayo na ibigay kay Wacky yung envelope."

"Ayos lang iyon. Alam kong marami kang ginagawa kanina kaya hindi mo maibigay kay Sir Wacky."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi ko namang alam na girlfriend ka pala ni Stefan."

"What?!"

Tama ba ang dinig ko? Girlfriend ako ni Stef? Eh, sino naman nagkalat ng fake news na iyan?

"Err... Sino may sabi?"

"Si Stefan." Tinuro niya kung nasaan si Stef. "Sinabi niya kanina na girlfriend ka daw niya."

Lumingon ako sa kanya habang busy siyang kausap si Sir Wacky bago binaling ulit sa kanya. "Um, excuse me lang ah. Mukhang kailangan ko na muna kausapin si Stefan."

Nilapitan ko na si Stef para alamin ang nangyayari. Parang limang minuto lang ako nawala kanina tapos ganito na ang nangyayari.

"Excuse me. Sir, pwede ko po ba munang mahiram saglit si Mr. De Luca?"

"Okay. Tatawagan ko na muna si Serena."

"Kanina Stefan, ngayon Mr. De Luca. Ano ang susunod na itatawag mo sa akin ah?"

"Ano ba itong natuklasan ko na sinabi mo sa iba na girlfriend mo ko? Alam nating pareho ex mo na ko ngayon."

"Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Ang sabihin ko sa mga nakapalibot sa atin ang tungkol sa relasyon natin."

Umiling ako. "Hindi ka pa nga nanliligaw, eh."

"Bakit pa natin patatagalin pa kung pwede namang instant boyfriend mo agad ako?"

"Walong taon tayo walang communication at sigurado ako sa loob ng walong taon ay marami nagbago sa atin."

"Kahit girlfriend na kita pwede naman natin makilala ang isa't isa. Parang nanliligaw pa rin ako sayo."

"Stefan, ano ba ang hirap intindihin sa sinabi ko?!"

"Ano pa ba ang gusto mo, Mon? Sabihin mo lang sa akin at gagawin ko."

"Ayusin mo ito. Sabihin mo sa kanila na wala tayong relasyon."

Umiling ito sa akin. "Ayaw ko. Matagal ko ng gusto sabihin sa mundo na ikaw ang mahal ko – ikaw ang girlfriend ko, Mon."

"Ewan ko sayo. Huwag mo muna ako kausapin."

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang matuwa noong sinabi ni Stef sa ibang tao na girlfriend niya ko. Baka dahil hindi ito ang gusto kong gawin niya. Ang gusto ko patunayan niya sa akin kung mahal ba niya talaga ako.

Ganoong kasimple lang naman iyon, eh. At hindi mahirap gawin.

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now