Stefan's POV
"Where's Stefan De Luca?"
Napalingon ako kasi narinig kong may tumawag sa pangalan ko at kumunot ang noo ko pagkakita kung sino iyon. Kaya lumapit na ko sa kanya para alamin kung ano ang kailangan niya sa akin.
"What do you want fro–" Hindi natapos ang sasabihin ko dahil hinatak niya ang damit ko.
"Nang dahil sayo kaya nagkaroon ng sakit ngayon si Mona!"
Pinalo ko ang kamay niya. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. At huwag mo kong bintangan kung bakit siya nagkasakit ngayon."
"Huwag kang mag maang-maangan na hindi mo alam! Pinaghintay mo siya noong isang gabi, pero ano ang ginawa mo?! Hindi ka sumipot!"
"Hindi ko siya pinilit na hintayin niya ako."
"Damn you!" Susuntukin na sana niya ako.
"Sige, ituloy mo kung gusto mong sa kulungan ka pupulutin ngayon! Tandaan mo dating pulis ang tito mo. Ewan ko lang kung magagawan ka nilang tulungan." Sabi ko at inayos ko na ang damit ko.
Ang akala siguro niya hindi ko mapapansin nasa boutique rin siya ni tita Sarah noong gabing iyon. Nagulat ako noong tinanong ko si tita Sarah kung kaanu-ano nila iyong kausap niya pagkapasok ko sa boutique. Anak pala siya ng kapatid ni tito Rocco.
"Ano ka ba niya para umasta ka ng ganyan?"
"I'm only her friend."
"Hmph. Kaibigan ka lang pala niya para umasta kang boyfriend niya.
"Bakit, ikaw? Ex ka lang niya ah!"
"Exactly. Ex niya lang ako kaya nga wala akong pakialam kung ano man–"
"Ayaw ko man sabihin ito dahil magagalit sa akin si Mona pero ang tanga mo."
Kumunot ang noo ko. "What did you just say?!"
"Ang tanga mo! Dapat ikaw ang nakakilala kay Mona dahil nauna mo siyang nakilala kumpara sa akin."
"Siguro nga nauna ko siyang nakilala pero hindi tumagal ang samahan naming dalawa."
Mas nakakalamang ka nga sa akin dahil ilang taon mo siyang kasama.
I really hate it!
"Stefan, saan ka pupunta? Hindi pa tayo nagsisimula sa photoshoot mo." Tanong ni Paula sa akin.
Humarap ako sa kanya. "Uuwi na ko. Nawalan na ko ng gana magtrabaho ngayon."
"Anong wala ka ng gana magtrabaho?! Hoy, bumalik ka dito! Stefan!"
Hindi ko na pinakinggan pa ang pagtawag sa akin ni Paula dahil sumakay na ko sa kotse ko.
Nandito ako tapat ng isang bahay at paniguradong walang magbubukas sa akin dito. Masasayang lang ang oras ko kapag nagdoorbell ako tapos wala pala magbubukas sa akin ng pinto.
"What if nakatira ka magisa, saan mo ilalagay ang spare key mo?"
"Hmm... Sa ilalim ng flower vase."
"Bakit doon?"
"Iyon kasi ang unang naisip ko at saka para madali mo rin mahanap ang spare key."
Hindi ko alam kung nilagay niya talaga sa ilalim ng flower vase ang spare key niya.
Kumurap ako kasi nandoon nga talaga niya nilagay ang spare key. "Wow. Doon nga talaga niya nilagay."
Pumasok na ko sa loob pagkabukas ko ng pinto. Halatang wala siyang kasama dito at panigurado akong hindi pa iyon kumakain simula pang umaga.
Naghanap na ko ng pwede niyang kainin. Tinawagan ko pa nga si Serena kung ano ang pwedeng kainin sa taong may sakit. Siya kasi ang nagaalaga kay Calyx kapag nagkaroon ito ng sakit maliban sa akin kasi parehas kami nagkakasakit.
Ang himbing ng tulog niya kaya nilapag ko na lang ang ginawa kong lugaw sa side table.
"Mmm... S-Sino ka?" Binaling ko ang tingin sa kanya at lumaki ang mga mata nito. "S-Stef?! A-Ano ang ginagawa mo dito?"
"Pumunta ang kaibigan mo kanina sa agency at sinabi niya sa akin ang nangyari sayo. Kung hindi ka naman sira na naghintay ka sa pagdating ko noong isang gabi."
"Sabi ko nga sayo kahit ano gagawin ko kaya hinintay kita noong gabing iyon."
"Tsk."
Bakit ganoon kahit gusto ko siyang pahirapan pero hindi ko magawa. Hindi ko naman inaasahan na gagawin niya talaga ang sinabi ko sa kanya na hintayin ako.
Binuka ko ang bibig ko kaso walang lumalabas na kahit anong salita.
"Hmm? May gusto ka pang sabihin sa akin?"
"Wala. Baka hindi ka pa kumakain kaya kumain ka na lang." Tinulungan ko na siyang bumangon at kinuha ko na yung pagkain sa side table.
"Ikaw ba nagluto nito?"
"Huwag mo ng sayangin ang lakas mo kaya manahimik ka na lang diyan." Sinusubuan ko na siya pero napansin kong nakangiti siya. "What's so funny?"
Umiling siya sa akin. "Masaya lang ako. Para kasing panaginip ang lahat na ito. Kung panaginip lang 'to ayaw ko ng magising pang–"
"That's bullshit."
"Bakit? May nasabi ba ako na ikinagalit mo?"
"Sinabi ng huwag mo ng sayangin ang lakas mo. Ang kulit mo rin, 'no?"
"Sorry."
"Kumain ka na lang diyan para makainom ka na rin ng gamot."
Pagkatapos niyang kumain ay uminom na rin siya ng gamot.
"Stef, thank you."
"For what?"
"Nandito ka ngayon para alagaan ako."
"I didn't come to take care of you. It's my fault why you got sick today."
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi ko naman inaasahan na uulan rin pala noong gabing iyon, eh."
Nakayukom ang mga kamao ko habang nakaupo sa tabi ng kama niya. "I... I'm sorry for not protecting you. Nangako pa naman ako sa sarili ko na kahit anong mangyari ay poprotektahan kita, pero ano nangyari? Ni hindi ko man lang inalam kung may problema ka ba noong araw na iyon. I'm sorry, Mon. Bigo ako bilang kaibigan at boyfriend mo. I'm really sorry."
"Hindi mo kasalanan ang nangyari, Stef. Hindi ka bigo bilang boyfriend ko dahil masaya ako sa tuwing kasama kita. Ikaw lang ang nagbibigay ng lakas sa akin."
"Kung inalam ko lang sana... Hindi siguro ganito ang mangyayari. I don't deserve to be your boyfriend."
"Stef... Ayaw mo na bang mahalin ulit ako?"
Umiling ako. "Nangako ako sa sarili ko na hindi na ulit ako magmamahal. Marami pa diyan na mas deserving na mahalin at kayang protektahan ka."
"Huwag naman ganoon. Kasi ako mahal pa rin kita hanggang ngayon, Stef."
I'm sorry. Natatakot ako baka mabigo na naman akong protektahan ka sa lahat na problema mo.
Kung pwede nga lang bumalik sa nakaraan sana noon pa lang ginawa ko na. Araw-araw ko siyang kukulitin para sabihin sa akin kung ano ang problema niya para hindi niya isipin na magpakamatay.
"Stef?" Inangat ko ang tingin sa kanya pagkatawag niya sa akin. "Inaantok na ulit ako."
"Matulog ka na ulit."
"Pero ayaw ko matulog. Baka pagkagising ko mamaya wala ka na sa tabi ko."
"Huwag ka magaalala hindi ako aalis sa tabi mo. Matulog ka na."
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...