19

150 7 0
                                    

Naghihintay na ko sa pagdating ni Mona. Damn, sobrang pagod ko ngayong araw. Grabe pala maging manager si Wacky. Daig pa ang movie director at ako yung actor sa isang movie na ginagawa niya.

May narinig na kong kumatok sa bintana kaya iunlock ko na at pumasok na siya sa loob.

"Sorry. Kanina ka pa ba naghihintay?"

"It's okay. Hindi naman ako naghintay ng matagal." Ginulo ko ang buhok niya.

Inayos niya rin agad ang buhok niya. "Baka pagod ka na ah."

"I'm fine." Pinatakbo ko na ang makina ng kotse ko.

"Nga pala, hindi ako makapaniwala na si Sir Wacky pala yung bago mong manager."

"Kahit rin ako pero ang sabi niya temporary lang."

"Bakit nga pala umalis si Paula?"

"Hindi ko ba nabanggit sayo dati na huminto sa pagaaral si Pau? Kaya umalis siya dahil gusto na niyang tumuloy sa pagaaral."

Sa masamang palad biglang bumuhos ang malakas na ulan at naipit pa kami sa traffic. Ang malas naman yata ngayon ah.

"Ah, memories." Sumulyap ako sa kanya. "Tanda mo yung huling pagsasama natin noon tapos bigla rin umulan ng malakas."

"How could I forget that? Iyan rin ang panahon na binigay mo sa akin ang sarili mo sa akin."

"Yeah, pero isa lang pinagsisihan ko talaga. Yung hindi na kita mabibigyan ng anak."

"Sinabi ba mismo iyan sayo ng doctor mo?"

Tumango siya sa akin. "Yes."

"Pero bakit gusto mong bigyan ako ng anak?"

"Ayaw ko ibigay ang sarili ko sa iba maliban sayo. Wala na rin namang lalaki ang tatanggap sa akin kapag nalaman niya ang kalagayan ko."

"Kaso ayaw ko ng anak. Kapag magkaroon tayo ng anak kailangan kitang pakasalanan. Kapag kasal na tayo magsasama tayo sa isang bubong."

"Wala na bang pagasa na mahalin mo ulit ako?"

"I'm sorry. Matagal ng tapos ang relas–"

Namilog ang mga mata ko noong bumaba siya ng kotse at tumatakbo sa kalagitnaan ng ulan.

"Mona! Shit." Bumaba na rin ako para habulin siya. Kagagalit lang niya sa sakit tapos nagpaulan para magkasakit ulit.

Niyakap ko siya mula sa likod pagkahabol ko sa kanya.

"Damn it. Mona, bakit mo ba iyon ginawa ah?!"

Pinaharap ko siya sa akin at nakita kong umiiyak siya. "Mahal kita, Stef. Mahal na mahal."

"I know. Ilang beses mo na sinabi sa akin na mahal mo ko."

"Kahit hindi mo na magawang patawarin ako pero ginawa ko ang lahat. Kaso sobrang sakit pala kung ikaw lang nagmamahalan sa inyo."

Mahal rin kita pero natatakot akong sabihin sayo baka isang araw bigla ka na naman umalis sa tabi ko.

"I don't know if I really deserve to be your boyfriend. I couldn't even protect you when you really needed me." Hinawakan ko ang isa niyang kamay at nilagay sa dibdib ko. "Yes, I do love you but I'm afraid to admit how I feel."

"Natatakot ka saan?"

"Baka isang araw mawala ka ulit sa akin."

"Hindi na ulit ako mawawala sa tabi mo. Promise."

Dahil basang basa na kami sa ulan kaya pumunta na kami sa malapit na hotel.

Hinubad ko na ang damit ko. "Maghubad ka na rin baka magkasakit ka na naman at mauna ka ng maligo."

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now