29

196 6 0
                                    

Stefan's POV

Sumabay na ko kay Mona pabalik sa Manila kasi pinapagalitan ako ni mom noong nalaman niyang babalik na si Mona at sinabi rin ni dad na sa main branch na lang ako pumunta saka kausapin si Mason.

Naging busy rin ako noong bumalik ako sa agency kaya hindi ko pa nasasabi kay Wacky ang balak kong pagalis sa agency.

Napansin ko ang paglapit ni Mona sa akin kaya niyakap ko siya. Nagulat nga sina Wacky at River sa sweetness namin ni Mona kaya sinabi namin sa kanila na nagkabalikan na kami at magkakaroon na kami ng anak.

Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya. "Puntahan ko lang si Wacky ah."

Bumitaw na siya ng yakap sa akin. "Okay."

Pumunta na ko kung nasaan si Wacky. Ngayon ko na sasabihin sa kanya habang wala ako masyadong ginagawa pa.

"Wacky, pwede ba kita makausap?"

Humarap siya sa akin. "Okay, about what?"

"Gusto ko sana sabihin sayo na aalis na ko sa agency."

Kumunot ang noo nito. "Nagbakasyon ka lang ng isang buwan tapos sasabihin mo sa akin na aalis ka na dito. Bakit biglaan? I mean, alam kong hindi ito ang unang beses na umalis ka dito pero bumalik ka rin agad."

"Habang nasa probinsya ako napag usapan kasi namin ni dad tungkol sa kumpanya. Wala kasi interesado sa amin magkakapatid humawak sa kumpanya namin at saka hindi na rin bumabata si dad. So... habang wala pang tagapag mana si dad sa kumpanya ay ako muna ang papalit sa kanya. Ang balita ko rin kasi hindi pumayag si Serena na si Kiefer ang papalit kay dad bilang CEO. Tutal siya ang unang apo."

"Yes, hindi nga pumayag si Serena pero kinausap ko siya tungkol diyan noong nalaman ko."

"Ano nangyari? Pumayag ba si Serena?"

"Napag usapan namin magasawa bago grumaduate ni Kiefer ng high school ay doon namin siya kakausapin para maintindihan niya ang sitwasyon."

"Paano kung hindi pumayag si Kiefer? Hindi naman pwede walang papalit kay dad."

"You know the situation. I can't force Kiefer to do what he doesn't want."

Hindi na ko sumagot pang muli sa kanya. Alam ko naman na magagalit si Serena kay Wacky kapag pinilit niya ang anak nila sa ayaw nito.

"At saka si Melody ang pangalawang apo. Kung papayag si Melody, okay lang ba na siya ang papalit?"

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Ano masama kung si Melody ang magiging CEO?"

"What I mean our youngest is a girl."

"Wala naman patakaran na bawal ang babae maging CEO ng isang kumpanya namin. At saka hindi pa nga namin alam kung ano ang gender ng magiging anak namin."

"Okay, ganito na lang... Let's wait until Kiefer reaches 16 years old to find out what he wants."

"Ang totoo niyan may usapan rin kami ni dad na hintayin namin mag 18 ang anak ko kung ayaw talaga ni Kiefer. Wala talaga akong balak maging CEO pero napaisip ako baka balang araw ay hindi na rin ako kilala ng mga tao dahil lalaos rin ako. Kailangan ko rin magtrabaho para sa magiging pamilya ko."

"Kung buo na talaga ang desisyon mo. Susuportahan kita."

"Thanks, Wacky."

"Kapag babalik si Paula wala na pala siyang babalikan dito. Umalis ka na rin sa pagiging modelo mo."

"Pwede ko i-suggest na siya ang maging manager ni Mona. Baka babalik pa rin si Mona pagkapanganak niya at saka hindi ko siya pipigilan magtrabaho."

"Pero... Hindi ba kapag naging CEO ka sa isa niyong branch ay sa probinsya na kayo titira?"

"Oo nga pala, 'no? Okay ganito... Kakausapin ko mamaya si Mona."

Pagkatapos namin magusap ni Wacky ay nilapitan ko na si River. Mabuti na nga lang wala siyang ginagawa ngayon.

"River." Tawag ko sa kanya dahilan na lumingon siya sa akin.

"What's up?"

"Mamimiss ko lang yung samahan natin dito."

Kumunot ang noo nito. "Anong kadramahan 'yan, Stefan? Para namang aalis ka na ah."

"Tama ang sinabi mo. Nagpaalam na ko kanina kay Wacky at hindi na rin niya ko pigilan."

"Bakit? Nagbakasyon ka lang tapos nagpapasya ka ng umalis."

Sinabi ko lahat kay River ang dahilan ko kung bakit ako aalis na sa pagiging modelo.

"I see... Damn, I'll be the only one left here when you leave Manila. Wala na si Serena dahil may sarili ng pamilya, bumalik na sa pagaaral si Paula kaya matatagalan pa bago siya bumalik tapos minsan lang pumunta dito si Wacky kaso isang beses ko lang siya nakatrabaho sa isang project. Pero huwag mong kalimutan na bumisita sa amin ah."

"Oo naman. Bibisita kami kapag hindi busy sa kumpanya."

"Kailangan ba na magkaroon ng farewell party para sayo?"

Tumawa ako. "Sino na ngayon madrama? Siyempre hindi na kailangan 'yan."

"Anyway, alam na ba ni Mona na aalis ka na?"

"Oo. Siya ang una kong sinabihan at ang sabi niya susuportahan daw niya ko sa desisyon ko."

"Alam mo, Stefan. Maswerte ka dahil mahal ka pa rin ng ex mo na girlfriend mo ulit. Minsan lang mangyari 'yan ah. Kaya huwag mo na pakawalan ulit."

"I know. Kumukuha lang ako ng lakas na loob dahil balak kong kausapin ang mga magulang ni Mona at saka yayain ko siya ng kasal."

"Agad-agad? Sabagay magkakaroon na nga pala kayo ng anak. Well, good luck."

Kahit hindi ako bigyan ng basbas ng mga magulang ni Mona ay itutuloy ko pa rin ang binabalak kong pakasalan ang anak nila.

"Puntahan ko na si Mona ah."

Pinuntahan ko na si Mona sa dressing room niya.

Lumingon siya sa akin. "Ikaw lang pala iyan, Stef."

"Kamusta ka?"

"Okay lang naman ako. Bakit mo natanong kung kamusta ako?"

"Baka kasi inuutusan ka ng iba kahit inanunsyo ko na noon ang tungkol sa pagdadalang tao mo."

"Ah, hindi na nila ako inuutusan.  May konting photoshoot lang kanina then, tapos na. Wala na kong gagawin pa."

Tumango ako. "Mmm..."

"May problema ba, Stef?"

"Hindi ko kasi alam kung paano ko ba sasabihin sayo ito."

"Ano ba 'yon?"

"Balak ko kasing kausapin ang mga magulang mo pero hindi ko alam kung paano ko sila makakausap."

"Pharmacist ang mga magulang ko kaya pwede mo sila makita sa drugstore."

"Baka busy sila kapag doon ako pupunta. How about at your house? Hindi naman siguro sila lumipat ng bahay, 'no?"

"Hindi naman kasi noong bumalik ang memory ko pumunta ako sa bahay pero hindi ako nakipag kita sa kanila."

"This weekend samahan mo ko. Pupuntahan natin sila."

"Huh? Ayaw ko makipag kita sa kanila. Iba na ang itsura ko ngayon baka nga hindi sila maniwala na buhay ako, eh. Matagal ng panatay ang anak nila."

"But you still use your father's last name."

"Ano ang gusto mo? Magastos kung magpapalit pa ako ng apelyido."

"Pero okay lang. Magpapalit ka rin naman ng apelyido kapag kinasal na tayo."

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now