Stefan's POV
"Pinagpustahan niyo lang ba ako?"
Kumunot ang noo ko. "Pinagpustahan?"
"Huwag ka na magmaang maangan na hindi mo alam ang sinasabi ko, Stef."
"Hindi ko alam kung saan mo narinig iyan. Kahit kailan hindi ako nakipag pustahan na kahit kanino para ligawan lang kita. Totoo ang lahat na sinabi ko sayo dati na mahal kita, Mon. Kung hindi dahil sa kagustuhan mo na huwag ipasabi sa iba ay matagal ko ng ginawa kasi proud ako na ikaw ang naging girlfriend ko at handa akong ipaglaban ka kahit kanino. Kung hindi ka tanggap ng iba, pwes ako tanggap kita ng buong buo. Kung hindi ka proud na maging boyfriend ako masabuti pang huwag na natin papatagalin pa itong relasyon natin."
Sobra akong nasaktan sa sinabi niya. Pinagpustahan? Kahit kailan hindi sumagi sa isipan ko ang bagay na iyan at hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para paglaruan ang mga babae. May kapatid akong babae kaya hindi ko iyon magagawa.
"Bro, are you okay? Tulala ka kasi diyan."
"Hindi ko na pinatagal ang relasyon ko kay Mona."
"Bakit? Akala ko ba mahal mo yung tao tapos makikipag hiwalay ka sa kanya agad. Wala pa ngang isang taon ang relasyon niyo."
"Oo, mahal ko si Mona. Pero siya ba, minahal ba niya ko? Kung ang iniisip niya pinagpustahan ko daw siya kung bakit ko siya niligawan. That's bullshit, Mason."
Tinapik niya ang balikat ko. "Huwag mo muna isipin ang break-up niyo. Next week na ang exams natin. Focus ka na muna sa pagaaral para pumasa ka sa exams."
"Hindi ba si Nolan ang tutor mo? Hindi mo yata siya kasama ngayon."
"Ayaw ko na muna istorbohin si Nolan ngayon. Kung bumagsak man ako sa isang subject babawi baka magagawan ko pa ng paraan."
Umiling ako. "Ibang klase ka talaga."
Pero tama si Mason na huwag ko na muna isipin ang nangyari kanina. Kailangan focus na muna ako sa darating na exams namin.
"Insan, balik na ko sa classroom natin ah."
Kaklase ko si Mason dahil pareho ang kurso namin kahit wala akong balak na pumasok sa kumpanya namin. Pagmomodelo talaga ang gusto ko at mabuti na nga lang hindi ako pinatigil ni daddy sa gusto ko para maging CEO ng isang branch namin.
"Mr. De Luca."
"Which one, Sir? Dalawa po kaming De Luca." Tanong ni Mason sa professor namin.
"Si Stefan."
"Bakit po, Sir?" Tanong ko naman. May nagawa ba kong mali kung bakit niya tinawag.
"Come to my office after class."
Pagkatapos ng klase namin pumunta na ko sa office ng professor namin. Ano kaya ang nagawa kong mali?
"Sir, bakit po?"
"Mr. De Luca, I'm sure you are aware that we had a quiz earlier."
"Yes po."
"Pero bakit niisa walang sagot ang papel mo?"
"Huh?" Ipinakita niya sa akin ang papel ko na walang sagot niisa. Shit, ano ba ang nangyari sa akin? Hindi naman ako ganito dati ah. "Sorry po, Sir. Pwede po bang magtake ulit ako ng quiz after school?"
"I'm sorry, Mr. De Luca. Bumawi ka na lang sa darating na midterm exams next week."
"Okay po."
"You may go."
Hinintay ni Mason ang pagbalik ko sa labas ng classroom. Dala na nga rin niya ang gamit ko, eh.
Inabot niya sa akin ang bag ko. "Bakit ka pinapunta ni Sir kanina sa office niya?"
"Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko, insan. Kung bakit niisa wala ako nasagot sa quiz natin kanina." Sinabunutan ko ang buhok ko. "Hindi naman ako ganito dati."
"Sinabihan na kita huwag mo muna isipin ang break-up niyo ni Mona. Malapit na ang midterm exams natin at kung bumagsak ka dito baka mahirapan ka pa bumawi sa finals."
"Baka magagawan ko pa ng paraan." Ginaya ko ang sinabi niya kanina.
"Mauuna na ko sayo. Pupunta pa kasi ako sa kumpanya bago umuwi, eh."
"Sige. Dito na muna ako bago umuwi."
Habang naglalakad ako ay napadpad ako sa tambayan namin ni Mona. Hay naku, bakit ba ako dito pumunta?
Pero teka bakit wala pa siya dito? Pagkatapos ng klase niya ay dumeretso siya dito ah. O baka hindi pa tapos ang klase niya.
"Stef?"
Namilog ang mga ko pagkarinig ko ang boses niya kaya agad akong lumingon sa likod. "Ano ang ginagawa mo dito? Tapos na ba ang klase mo?"
"Mm... Katatapos lang. Ikaw?"
"Kanina pa tapos ang klase ko. Pauwi na rin ako."
"Wala ka bang trabaho ngayon?"
"Wala. Next week na kaya ang midterm exams natin kaya kailangan ko na muna magfocus sa pagaaral ko."
"Baka hindi na ko makagraduate."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Kaninang lunch break tumawag sa akin si mama at pinapasabi na next week na daw ang alis ko."
"Bakit? Ang akala ko ba pagkatapos ng graduation doon ka aalis. Tapos ngayon sasabihin mong aalis ka na next week."
"Isa lang ang naiisip ko. Ayaw na nila ako makasama at makita kaya pinapamadali na nila ang pagalis ko papuntang Paris."
"Tsk." Naglakad na ko sabay hatak sa braso niya. "Sumama ka sa akin."
"S-Saan tayo pupunta?"
Tumingin ako sa kanya. "Kakausapin ko sila na huwag na ituloy ang binabalak nila sa pagalis mo at ako na ang magpapaaral sayo hanggang grumaduate ka. Malapit na tayo matapos sa pagaaral tapos sasayangin lang ng mga magulang mo. Anong kalokohan ang nasa isip nila ah?!"
"Please huwag mo na gawin iyon. Ayos lang." Sinusubukan niyang pigilan ako. "Saka hindi mo na rin ako girlfriend, 'di ba?"
"No! Hindi ako papayag na hindi ka makapag tapos sa pagaa-"
Umiling siya. "It's okay, Stef. Thank you kahit wala na tayo ay nandiyan ka pa rin para sa akin."
Niyakap ko siya. "Mahal kita, Mon kaya kahit ano gagawin ko para mapasaya lang kita."
Ginantihan rin niya ako ng yakap. "I love you too."
Humiwalay na ko ng yakap dahil hindi ko alam kung tama ba ko ng narinig kanina.
"R-Really? Mahal mo rin ako?" Imbes na sagutin niya ko ay binigyan niya ko ng isang halik sa labi. "K-Kailan pa?"
"Matagal na kitang mahal kaso natatakot lang akong umamin sayo. Masaya ako sa tuwing kasama kita."
"Gusto ko ipagsigaw kung gaano kita kamahal, Mon. Lalo na't alam na rin naman ng lahat na ikaw ang babaeng mahal ko."
Ngumiti siya sa akin. "Um, pwede bang favor?"
"Sure! Anything you want."
"Date tayo."
"Sure! Date tayo."
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...