Lumapit na ko pagkakita ko kay Adam. Hindi man lang nagmessage sa akin na maaga siyang pupunta.
"Ang aga mo yata ngayon. Wala ka bang gagawin sa trabaho mo?"
"Wala masyado kaya umalis na rin ako agad." Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. "Siya ba yung ex na tinutukoy mo sa akin dati?"
Lumingon ako sa likod at nakita kong nakatingin sa amin kanina si Stef. "Yes. Why?"
"Kanina ko pa kasi napapansin na nakatingin siya sa atin. Sabihin mo lang sa akin kung hindi ka kumportable kapag nandiyan at makausapin ko iyang ex mo."
"Huwag na. Hindi naman niya ko pinansin. Tara na doon sa sinasabi mong lugar para matingnan ko na yung mga gown."
Nauna na nga siya pumasok pagkarating namin sa boutique. Nilibot ko na rin ang paningin ko kasi ang daming magagandang gown.
"Hello, tita."
May isang babae ang humarap sa amin. "Oh, Adam. Kailangan ka pa nakabalik?"
"Matagal na po ako nandito."
"How's your father?"
"My old man still as strong as ever."
"Bakit ka nga pala nandito ngayon, Adam?"
"Yung kaibigan ko po kasi naghahanap ng susuotin niya sa event sa trabaho niya. Nandito kami para hindi siya mahirapan pumili."
"Kaibigan lang ba? Baka iba na pala at ayaw mo lang sabihin sa akin."
"Naku po, tita." Napakamot ng batok si Adam. "Hindi ko po girlfriend si Mona at may mahal na iyang iba."
Pinalo ko siya sa braso. "Hindi ko po boyfriend si Adam."
"Pumili ka ng gown na gusto mo at ang assistant ko na ang bahala sayo."
Ang daming magagandang gown kaya ang hirap pumili. Kung pwede nga lang lahat na ito bilihin ko, eh.
"I need your help, tita Sarah." May narinig akong familiar na boses dahilan napalingon ako.
"Anong klaseng tulong ang kailangan mo, Stefan?"
"Medyo pong maliit ang damit ni Calyx sa akin. Pwede niyo po bang i-adjust? Kayo lang po ang pwede kong malapitan para dito, tita."
"Okay. Ako na ang bahala dito."
Kinakabahan ako bigla sana hindi kami makita ni Stef na nandito rin. Malaking gulo ito. Teka, malaking gulo? Ano naman ang pakialam niya kung nandito rin kami ni Adam?
"Salamat po. Babalikan ko na lang po kung kailan pwede kunin."
"Tatawagan na lang kita kapag naadjust ko na ito."
"Salamat po ulit."
Nakahinga ako ng maluwag noong nakaalis na si Stef na hindi niya napansin nandito rin ako.
Pagkatapos kong pumili ng susuotin ko sa grand ball namin ay binalikan ko na si Adam kaso narinig ko ang pinaguusapan nila ng tita niya.
"How did you know that guy earlier, tita?"
"He is Stefan De Luca. Anak siya ng isa kong kuya kaya pamangkin ko rin siya."
Laking gulat ako sa narinig ko. Isang De Luca rin pala ang tita ni Adam pero Hernandez ang apelyido niya.
Binaling ng tita ni Adam ang tingin sa akin. "Are you done, hija?"
"Yes po. Babalikan ko na lang po next week yung gown. Pasensya na po sa istorbo, wala pa kasi akong pera ngayon."
"It's okay. Anytime pwede mong kunin yung gown."
"Ako na ang magbabayad ng napili mo tapos bayaran mo na lang ako kung kailan ka magkaroon ng pera." Sabi ni Adam.
"Ayaw ko. Magkaroon pa ko ng utang sayo."
"Babayaran mo nga ako kung kailan ka magkaroon ng pera."
"Ayaw ko pa rin. Buo na ang desisyon ko, Adam. Next week ko kukunin yung gown at saka matagal pa naman yung event namin."
Nagpaalam na kami sa tita niya para makauwi na rin at gusto ko na magpahinga.
"Paano naging tita ang tita ni Stef?"
"Stef? Ahh... Stefan De Luca. At saka anong klaseng tanong 'yan? Of course, her husband is my old man's big brother."
Ngayon naiintindihan ko na.
Kinabukasan maaga akong pumasok. Hindi pa nga ako kumakain ng almusal dahil tinatamad ako magluto.
"Good morning, Stefan."
"Good morning! Nasaan pala si Pau?"
"Baka hindi makakapasok si Paula ngayon."
"Why?"
"Tinawagan niya ko na masama daw ang pakiramdam niya. Kaya sa akin niya binilin ang schedule mo ngayon."
"Wow. Ikaw pala ang temporary manager ko ngayon."
Dahil wala ako masyadong gagawin kaya pinapanood ko na lang photoshoot ni Stef sa malayuan. Alam ko namang ayaw niya ako makita.
"Sorry, Stefan."
"What's wrong?"
"Nagmessage kasi sa akin si Mei kanina at kailangan ko rin puntahan siya. Lagot kasi ako kapag sinabi ko sa kanya nakalimutan ko na ngayon pala kami makikipag kita sa wedding planner."
Narinig ko ang pagtawa ni Stef. "Baliw ka talaga. Sige na. Umalis ka na baka pagalitan ka pa ni Mei."
"Sorry talaga. Bukas na lang natin ituloy ang photoshoot."
"It's okay, bro. Importante sa inyo ang kasal niyo."
"Thank you."
Luminigon ako ng may humawak sa balikat ko. "Adam?! Wala naman tayong usapan kahapon na magkikita ngayon ah. At saka next week ko pa kukunin yung gown."
"I know. Kanina pa kasi ako tawag nang tawag sayo pero hindi mo sinasagot."
"Ohh... Sorry, hindi kasi pwede dalhin dito ang phone at nasa dressing room ko yung gamit ko. Bakit ka pala nandito?"
"Kung hindi ka busy ngayon yayain sana kita kumain sa labas. Magiging busy na kasi ako kaya bihira na lang tayo magkita."
"Ganoon? Kukunin ko lang yung gamit ko sa dressing room."
"Hintayin na lang kita sa kotse."
Sumakay na ko sa kotse ni Adam pagkakuha ko sa gamit ko at sinuot ko na rin ang seatbelt.
"Ano nga pala ang reason mo kung bakit ka umuwi ng Pilipinas?"
Nakwento kasi niya sa akin dati na lumaki siya sa ibang bansa pero hindi niya nabanggit ang dahilan kung bakit siya umuwi.
"I met someone online."
"Gusto mo siyang makilala ng personal?"
"Yes. Wala nga siyang ideya nandito ako ngayon sa Pilipinas."
"Ano ang pangalan niya?"
"I don't know her name. All I know is her job."
"Ano ang trabaho niya?"
"Isa siyang professor sa isang university."
"Baka lalaki iyan na nagpapanggap na babae." Natatawang sabi ko.
"No, I have her photo."
"Can I see her photo?"
May hinahalungkat siya sa phone niya habang nakahinto pa kami at ipinakita na niya sa akin. "Iyan ang picture niya kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin siya nakikita."
"In fairness ang ganda niya. Para siyang diyosa. Well, good luck na lang. Sana mahanap mo siya."
"Thanks. How about you? Nasabi mo na ba sa kanya ang nangyari sayo?"
"Not yet. Paano ko naman sasabihin sa kanya kung ayaw niya kausapin ako?"
![](https://img.wattpad.com/cover/322075383-288-k315951.jpg)
YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
RomanceGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...