31

224 9 0
                                    

Mona's POV

"Nandito na tayo." Sabi ko pagkarating namin sa tapat ng bahay ng mga magulang ko.

Ang totoo niyan hindi pa ako handa humarap sa kanila. Kahit alam ko na wala silang pakialam kung patay na ba ko o buhay.

"Sa tingin mo nandito sila ngayon?"

"Oo, wala silang pasok kapag weekend."

"Let's go." Binuksan na niya ang pinto sa side niya.

"Um, pwede bang dito na lang ako?"

"Hindi pwede."

"Ihhh... Hindi pa kasi ako handa humarap sa kanila. Kahit sabihin natin wala silang pakialam kung buhay pa ko o patay na."

Imposible mangyari na nagluluksa sila noong nalaman nilang patay na ko. Baka nga natuwa pa sila noong nawala ako, eh.

"Magtatampo ako sayo. May usapan tayo na sasamahan mo ko."

"Fine, sasama na ko sayo."

Sa dami pwede maging kabayaran ko sa pagtulong niya na makakapag aral ulit ako. Bakit kasi ito pa? Ayaw ko nga sila makita o makausap kaya hindi ako nakikipag kita sa kanila tapos ganito ang gusto ni Stef.

Nakayuko ako habang hawak niya ang kamay ko. Sinisigurado talaga ni Stef na hindi ako tatakas. Ayaw niya kasi bitawan ang kamay ko.

"Yes? How may I help you?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig sa boses na 'yan. Sobrang tagal na rin yung huling narinig ko ang boses nila.

"Good afternoon, Ma'am. Ako nga po pala si Stefan De Luca."

"Stefan De Luca... Sounds familiar. Ah, yes, ikaw yung nakwento ng asawa ko na nagpakilala sa kanya na boyfriend ng anak namin."

Anak nila? Kailan pa nila ako tinuring na anak nila? Ang huling pagkatanda ko sinusumpa nila ako dati.

"Ako nga po 'yon."

"Ano ang kailangan mo? Matagal ng patay si–" Namilog ang mga mata niya pagkaangat ko ng tingin. "M-Mona? Buhay ka? P-Paano? Ang sabi ng mga pulis ang bangkay mo ang nakita nila."

Pilit akong ngumiti. "Mahalaga pa ba sa inyo kung paano nangyari na buhay ako? Hmph... Ni hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo."

Ni hindi nga nila sinigurado kung ako nga ba talaga yung bangkay nakita ng mga pulis. Inaamin ko yung nakita nilang ID ay sa akin kaya ang akala ng mga pulis katawan ko yung nakita nila.

"Mona, sorry kung iba ang trato namin sayo."

Hinigpitan ko ang paghawak sa braso ni Stef at hindi na ko sumagot pang muli.

"Pasok kayo."

Tumingin sa akin si Stef. Wala na rin naman akong choice kaysa magtampo siya sa akin kung pipilitin kong bumalik sa kotse.

"Maupo kayo. Um, gusto niyo ba ng juice?"

"Huwag na po kayo magabala pa. Ang dahilan kung biglaan ang punta namin dito kasi gusto ko kayo makausap."

"Gusto mo ko makausap? Pati rin ba ang asawa ko?"

"Yes po, Ma'am."

"Wait. Tatawagin ko lang ang asawa ko."

Tahimik lang ako habang naghihintay.

"Ang yaman niyo pala."

"Hindi kami ganoon mayaman kumpara sa inyo."

"Mona? Anak."

Binaling ko ang tingin noong may narinig ako na isa pang familiar na boses.

At anak? Ano ba meron ngayon at tinatawag nila akong anak? Ano ba nakain nila? Mamatay na ba sila?

My God! Sana ganyan sila noong mga panahon na kailangan na kailangan ko ang isang magulang. Kung kailan kailangan ko sila pero palagi silang busy sa trabaho nila at hindi ko rin masabi sa kanila ang problema ko.

Wala nga pala silang pakialam kung may problema ba ko o wala. Kaya mas pinili ko na lang na solohin ang lahat na problema ko bago ko nakilala si Stef.

"Hello, Sir. We meet again." Sabi ni Stef.

Tumango siya. "Yes. Bakit pala kayo napapunta dito?"

"Bilang respeto po sa mga magulang ni Mona ay gusto kong sabihin sa inyo na papakasalan ko ang anak niyo."

"Kahit hindi kami pa–" Hindi natapos kung ano ang gustong sabihin ni papa dahil tiningnan ko siya saglit.

May tiwala naman ako kay Stef kahit hindi pumayag ang mga magulang ko ay alam kong yayain pa rin niya ko magpakasal. Mahal ako ni Stef.

"Ma'am, Sir, kahit ho hindi kayo pumayag ay yayain ko pa rin si Mona magpakasal lalo na't buntis siya ngayon. Hindi po kasi ako pinalaki ng mga magulang ko na tatalikuran ko ang mga responsibilidad ko sa buhay." Tumayo na si Stef dahilan na tumayo na rin ako. "Let's go, Mon."

Nauna na kong lumabas pero napansin kong hindi pala sumusunod sa akin si Stef.

"Ah, before I forget. Sir, I'm sure you remember the last thing I said to you when we first met.  All that is one of Mona's grudges against you. After all, we know that she is dead, so I am the one who told you about her grievances. At saka nga po pala, huwag na rin kayo magaalala dahil ako na ang magpapaaral kay Mona pagkapanganak niya sa anak namin at hindi na niya itutuloy ang kurso na hindi niya gusto."

Naluluha ako sa lahat na narinig ko galing kay Stef. Talagang handa siyang protektahan ako.

Paano kung hindi ko nakilala si Stef? Baka hindi ganito ang mangyayari sa buhay ko ngayon.

"Bakit mo iyon sinabi sa kanila?"

"Para alam nila nasa mabuting kamay ang anak nila at malaman rin nila na ang lahat na hinanakit mo."

Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya. "Kaya mahal na mahal kita kasi nandiyan ka palagi sa tabi ko. Thank you, Stef."

Hinawakan niya ang isa kong kamay. "Kaya huwag ka na magisip na pwedeng ikapahamak niyong dalawa ni baby, okay?"

"Promise. Hinding hindi na ko magiisip ng problema."

"Where do you want to go?"

"Gusto ko matulog ulit. Inaantok na ko bigla."

Alam kong palagi nandiyan sa tabi ko si Stef kapag may problema ako pero hindi habang buhay ay iaasa ko sa kanya lahat. Kailangan gumawa rin ako ng solusyon sa mga problema ko kahit sa mga magulang ko.

Mukhang kailangan ko silang kausapin na. Tama na ang walong taon.

"Stef, pwede mo ba kong samahan sa mga check-up ko?" Ibinaling ko ang tingin sa kanya pagkatanong ko.

"Oo naman. Gusto ko rin makita ang magiging anak natin."

Ngumiti ako. "Thank you."

"Sabihan mo lang ako kung kailan ang check-up mo."

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now