30

240 10 0
                                    

"Oo nga pala. Ano pala ang plano mo pagkapanganak mo?"

"Hindi pa naman siguro huli ang lahat kung babalik ako sa pagaaral, 'no?"

Nakanganga akong tumingin sa kanya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi ka pa pala tapos sa pagaaral?"

"Gusto nga rin ni Adam na tulungan ako sa pagaaral pero tumanggi ako sa kanya kasi ayaw ko maging pabigat. Dagdag pa ang gastusin kung pagaaralin niya ko."

"May balak ka bang tanggihan ako kapag sinabi ko gusto rin kita pagaralin para makapag tapos ka sa pagaaral?"

"Kasasabi ko lang na ayaw ko maging pabigat."

"Hindi ka pabigat, Mon. Boyfriend mo ko at handa akong tulungan ka sa pagaaral. Tanda mo na yun rin ang sinabi ko sayo noong gusto ka ipadala ng mga magulang mo sa France?"

"Okay, okay. Pumapayag na kong pagaralin mo ko pero hindi lang ako papayag na hindi kita bayaran sa pagtulong mo sa akin. Sabihin mo lang kung paano kita babayaran."

"How about..." Tinatapik ko ang baba ko habang nagiisip kung paano niya ako babayaran. Papayag na rin ako kaysa tanggihan niya ang ialok ko. "Samahan mo ko sa mga magulang mo. Iyon ang gusto kong kabayaran."

"Alam mo namang..." Tiningnan ko lamang siya dahilan na bumuga siya ng hangin. "Fine, sasamahan kita. Sabihan mo ko kung kailan ka pupunta."

"This weekend. Bawal umurong. Magtatampo ako sayo."

"Oo, sasamahan kita. Pero may tanong ako."

"Ano iyon?"

"Bakit mo ba gustong makausap ang mga magulang ko?"

"For their blessing. Kahit hindi nila ako bigyan ng basbas eh, papakasalan pa rin kita."

"Alis ka na. Magpapalit pa kasi ako." Pinapaalis na niya ko. May nasabi ba ko sa kanya? Wala naman ah.

Tinaasan ko siya ng kilay. "As if naman hindi ko pa nakikita 'yan. Paalala ko lang sayo na magkakaroon na tayo ng anak ngayon."

"Umalis ka na!"

Sumimangot ako. "Oo na. Aalis na ko."

Pagkatapos ng trabaho ay nakita ko si Wacky na lumabas na sa agency. Mukhang nagmamadali ng umalis ah. Miss na niya ba agad si Serena? At nagmamadaling umalis.

"Stef." Lumingon ako noong marinig kong tinawag ako ni Mona. "Sorry kung kanina ka pa naghihintay sa akin."

Kumunot ang noo ko dahil magkasama sila ni River. "Bakit kayo magkasama na dalawa?"

"Nakita ko kanina si Mona na parang may problema at natatakot daw siya baka pagalitan mo."

Binaling ko ang tingin kay Mona. "Bakit naman kita pagagalitan? Wala ka namang ginawang mali para magalit ako."

"Mauuna na ko sa inyo. Ayaw ko maging third wheel dito." Pagpaalam ni River sa amin.

"Baka kasi galit ka sa inasal ko kanina. Pinaalis kita sa dressing room."

"Hindi ako galit sa pagpapaalis mo sa akin kanina. Kaya huwag kang magisip ng kung anu-ano at makakasama 'yan sa baby natin."

"Sorry."

"Tara na." Pinagbuksan ko na siya ng pinto.

Nang makarating na kami sa bahay ay naunang bumaba ng kotse si Mona.

"S-Stef?" Niyakap ko siya mula sa likod at narinig ko ang pagsinghap niya nang halikan ko ang kanyang batok. "A-Ano ang ginagawa mo. Baka makita tayo ng kapatid mo."

"Hindi 'yan."

Palaging gabi umuuwi si Calyx galing sa trabaho niya. Araw-araw may klase daw siya hanggang 7PM kaya anong oras na nakakauwi iyon.

Pinaharap ko siya sa akin at sabik akong halikan si Mona para bang sobrang tagal na noong huli ko siyang hinalikan.

Humiwalay na ko nang may narinig akong tumikhim at binaling ko ang tingin sa kanya.

"Kuya, sabihin mo lang kung kailangan ko na maghanap ng malilipatan ko. Mukha kasing third wheel ako sa inyo."

Pinalo ako ni Mona sa braso. "Sabi ko sayo baka makita tayo ni Calyx."

"Hindi ko namang alam na maaga siya uuwi ngayon." Binaling ko ulit ang tingin sa kapatid ko. "Bakit pala ang aga mong umuwi ngayon? Hindi ba ang sabi mo hanggang 7PM ang klase mo? Wala pa ngang 7PM pero nandito ka na."

"Maaga kong pinauwi ang mga estudyante ko. Excuse me, magpapahinga na muna ako." Sabi niya at pumanhik na siya papunta sa kwarto niya.

Nagtataka ako sa kinikilos ni Calyx ngayon. Hindi siya ganoon dati, eh. Kung may problema man siya ay nandito naman ako para tulungan siya. O baka sinabi niya kay Gaia kung may problema ba siya. Si Gaia lang kasi ang madalas na nilalapitan ni Calyx.

Matawagan nga si Gaia.

"Kuya Stefan, napatawag kayo." Sabi niya pagkasagot sa tawag.

"Sorry kung bigla akong tumawag sayo, Gaia."

"It's okay. May kailangan ba kayo kung bakit ka tumawag?"

"Gusto ko lang kasi itanong sayo kung may nabanggit ba si Calyx na problema niya?"

"Hmm... Wala, eh. Ang huling kita namin noong dito siya nagover night last month. Bakit may problema ba si Calyx?"

"Kakaiba kasi ang kinikilos niya ngayon. Baka kasi may problema at may sinabi rin sayo. Ikaw lang kasi ang palagi niyang nilalapitan kapag may problema siya, 'di ba?"

"Sorry, kuya. Hindi na kasi kami nagkikita ni Calyx dahil sobrang busy ako sa trabaho at sa pamilya ko pero kakausapin ko siya."

"Salamat, Gaia." Binaba ko na ang tawag.

Bumuga ako ng hangin paglapag ko ng phone ko sa side table. Kilala ko rin si Calyx at hindi rin siya basta-basta nagsasabi ng problema sa amin ni Serena.

"Sino 'yong kausap mo?"

Lumingon ako sa likod. "Si Gaia, pinsan ko at close friend rin ni Calyx."

"Bakit?"

"Kakaiba kasi ang kinikilos ni Calyx kanina. Baka may problema na pala yung kapatid ko na hindi ko alam."

"Bakit hindi mo subukan kausapin si Calyx para alamin kung bakit problema nga ba siya o wala?"

"Kilala ko ang kapatid ko. Hindi siya basta-basta nagsasabi ng problema niya. Si Gaia lang ang madalas niya sinasabihan ng problema kaya tinawagan ko siya kanina. Baka may nabanggit ang kapatid ko sa kanya."

"Wala naman mawawala sayo kung susubukan mo siyang kausapin." Humiga na siya sa kama. Simulang lumipat si Mona dito sa bahay ay dito na rin siya pinapatulog sa kwarto ko para maalagaan ko siya.

"You're right. Sige, kakausapin ko siya para alamin."

Pumunta na ko sa kusina dahil alam kong siya ang nagluluto ng hapunan namin pero kapag late siya umuuwi ay ako ang nagluluto. Hindi kasi pwedeng malipasan si Mona.

"Calyx, pwede ba tayo magusap?"

"Tungkol saan, kuya?" Tanong niya habang abala siya sa pagluluto.

"May problema ka ba?"

Humarap siya sa akin. "Problema? Naku, wala akong problema. Bakit mo naisip na may problema ako?"

"Kakaiba kasi ang kinikilos mo kanina. Baka may problema ka na hindi ko alam. Calyx, kuya mo ko at kung may problema ka sabihin mo lang sa akin. Baka matulungan kita."

"Ahhh... Sorry kung nagaalala ka sa akin, kuya." Tumalikod na ulit siya sa akin para ituloy ang niluluto niya. "Ayos lang ako."

"Sigurado ka?"

"Yup, ayos lang talaga ako."

A Revenge For My ExWhere stories live. Discover now