Bago ako umuwi sa amin kahapon ay tinatawagan ko yung private investigator na kilala ni Mason kaya ito nandito na ko ngayon sa tapat ng opisina niya para kausapin.
Kumatok na ko bago pumaeoksa loob. May isang lalaki ang nakaupo sa harapan ko. "Yes? How May I help you?"
"Ako nga pala yung tumawag sayo kahapon."
"Yes. Mr. Stefan De Luca, right?"
"Yes."
"Ano pala ang maitutulong ko sayo?"
"Gusto ko kasi malaman ang tungkol kay Mona Tolentino. Kahit ano makita mo, halungkatin mo na. Huwag mo na problemahin ang ibabayad ko sayo. Kapag nagawa mo ang trabahong ito buo ang ibibigay ko sayo – kahit magkano gusto mo."
"Tatawagan ko na lang kayo kung nakuha ko na ang lahat na impormasyon tungkol sa kanya."
"Good. Iyon lang ang pinapunta ko dito." Sabi ko at umalis na rin sa opisina niya.
Pagkatapos kong kausapin ang private investigator ay dumeretso na ko sa agency. Pagkarating na pagkarating ko doon ay isang sampal galing kay Paula ang natanggap ko.
"Ano ba ang nangyari sayo, Stefan?! Bigla-bigla ka na lang nagwalk-out kahapon! Mas mabuti pang umalis ka na sa pagiging modelo mo kung ganoon rin pala ang gagawin mo! Pinapahamak mo lang ang trabaho ko!" Alam kong galit si Paula sa biglang walk-out ko kahapon.
"I'm sorry, Pau. Give me another chance."
"Alam mo namang kung gaano importante sa akin ang trabaho kong ito."
Namilog ang mga mata ko ng makita kong umiiyak na si Paula kaya hinatak ko siya para yakapin. "Hindi ko talaga kayang makasama siya sa isang project. Kahit sino pwede ko maging partner, huwag lang siya."
Wala akong pakialam kung napapalingon sa direksyon namin ang iba. Alam naman nilang lahat na girlfriend ko si Paula kahit nagpapanggap lang kami pero binigo ko siya kahapon. I know it was my fault. Kailangan kong bumawi sa kanya.
Lumapit na ko kay River pagkatapos ko patahanin si Paula kanina. "River, sorry sa nangyari kahapon."
Napakamot siya ng ulo bago tumingin sa akin. "Alam mo kambal talaga kayo ni Serena. Kaso ang pinagkaiba niyo lang na dalawa – siya tinapos niya yung project na ginagawa nila ni Wacky kahit galit siya doon sa tao dati pero ikaw nagwalk-out ka na lang kahit ayaw mo kay Mona. Galit na galit nga si Paula sa ginawa mo kahapon."
"I know. Sinampal nga ako kanina pagkarating ko. Kaya nga gusto kong bumawi kay Pau ngayon."
"Adam!"
Napalingon ako ng marinig ko boses ng taong kinaiinisan ko ngayon at kumunot ang noo ko sa nakita ko. Sino ang lalaking iyon?
Boyfriend niya?
Ano naman kung boyfriend niya? Matagal na rin naman kami tapos.
"Nagseselos ka, 'no?"
Kunot noo akong lumingon sa kanya. "Gago. Bakit naman ako magseselos? Mas hamak na gwapo ako at maganda rin ang pangangatawan ko doon."
"Maganda ang pangangatawan? Sang-ayon ako doon dahil wala pala akong abs." Natatawa niyang sabi.
Umiling lamang ako. "Ano ba ang nagustuhan ni Mei sayo?"
Kibit balikat ito sa akin. "Hindi ko tinanong sa kanya kung ano ba ang nagustuhan niya sa akin at wala akong pakialam kung ano man iyon. Ang importante mahal namin ang isa't isa."
Ugh, in love ang kumag.
Pinuntahan ko na si Paula sa dressing room ko.
"Pau, galit ka pa rin ba?"
"Oo, galit na galit ako sa ginawa mo kahapon."
"Sorry na kasi. Hindi na talaga mauulit, promise!"
Bumuga siya ng hangin. "Hindi ko na alam, Stefan. Dalawang beses mo na ipinahamak ang trabaho ko. Noong una yung hindi ka sumipot tapos yung kahapon. Binigyan kita ng pagkakataon dahil alam kong hindi mo na uulitin ang ginawa mo noon at maraming fans mo ang magagalit kapag nalaman nila ang dahilan kung bakit ka umalis."
Parehong tao kung bakit ito nangyari sa akin. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakapasok noon sa trabaho dahil tinulungan ko siya hanapin ang tinapong bracelet na bigay ng lola niya.
"Siya lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako nakapasok noon, eh."
"Mona na naman?! Pwede bang tigilan mo na pagbabanggit sa pangalan ni Mona."
"Hindi ko naman binabanggit ang pangalan niya ah. Teka nga, nagseselos ka ba?"
"Hindi ako nagseselos. Bilang manager mo ayaw kong mawala ang pagiging pro–"
"Bakit hindi natin totohanin ito?"
"Huh?!" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"Bakit hindi natin totohanin ito?" Ulit ko.
"Sorry, Stefan pero hindi ko matatanggap iyang kagustuhan mo. Una sa lahat wala akong nararamdaman para sayo at alam ko isang babae lang ang nasa puso mo hanggang ngayon."
Did she rejected me?
"Sana maintindihan mo ko, Stefan."
"Oo, naiintindihan ko." Nagpakawala ako ng mahinang buntong-hininga. "Are we still friends?"
"Of course. Hindi pa rin magbabago ang relasyon natin. Ako pa rin ang manager mo."
"Ibig sabihin pinapatawad mo na ko?" Nakita ko ang pagtango niya sa akin. "Whoo! Yes! Thank you, Pau. Promise, hindi na talaga mauulit ang nangyari kahapon."
"Gagawin ko ang lahat para hindi na siya magiging partner mo sa susunod na project. Para namang hindi ka na magwalk-out diyan."
"Whoo! Thank you! The best ka talaga!"
Nagulat ako pagkabukas ko sa pinto ng dressing room ko. Ano ang ginagawa niya dito? Huwag niyong sabihin narinig niya ang lahat na pinagusapan namin ni Paula kanina?
Hindi ko na siya pinansin dahil nilagpasan ko na lamang siya. Ayaw ko siyang makausap o kahit nga makita, eh.
"W-Wait!"
"Una na ko sayo, Stefan." Sabi ni Paula at iniwanan na niya kami. Bwesit, alam naman niyang ayaw kong makasama si Mona tapos iiwanan niya kami dito.
"Alam kong galit ka sa akin, pero pwede bang mag–"
"Wala na tayo pagusapan dahil matagal na tayong tapos." Singit ko sa sasabihin niya sa akin. Ang kapal niyang lumapit sa akin para kausapin ako.
"Please, Stef."
Humarap ako sa kanya. "Bakit?! Maibabalik mo ba ang mga panahon na nagluluksa ako sayo tapos malalaman ko lang na buhay ka pala! Walang araw na hindi ako umiyak, Mona. Dahil iniisip ko kung bakit mo iyon ginawa. Ako ang huli mong kasama tapos hindi mo man lang sinabi sa akin kung may problema ka sa inyo. At kung alam mo lang nakita ko rin ang ama mo noong pumunta ako sa crime scene kung saan ka nagpakamatay. Inisulto ka kaya sinabi ko sa pagmumukha niya ang lahat na sama ng loob mo sa mga magulang mo. Sila ang dahilan kung ka nagpakamatay. Pero araw-araw ako nagsisi dahil wala akong nagawa para iligtas ka."
Umiwas na ako ng tingin sa kanya dahil pumatak na ang luha ko. "Ilang taon ako nagsisi sa nangyari sayo."
"I'm sorry." Lumuhod siya habang humagulgol. "I'm so sorry, Stef."
"Your sorry is useless because you hurt me – No, you betrayed me!"

YOU ARE READING
A Revenge For My Ex
عاطفيةGagawin lahat ni Stefan para sa mga taong mahal niya kahit nasasaktan na siya basta makita niyang masaya ang mga ito. Ang akala niya matagal ng patay ang babaeng mahal niya pero iyon buhay pala at sasaktan lang pala siya nito. Paano kung nagcross ul...