***
Inday Sara :
Pagkatapos kong bisitahin ang mga mangingisda sa zamboanga ay nagmadali akong bumalik kaagad sa hotel na tinuloyan ko para ayusin naman ang mga gamit ko para sa mas pinaagang flight ko bukas papuntang manila.
Nakatanggap kasi ako ng tawag kanina mula kay mama na iniwan daw ni mans ang mga bata sa kanya at nasa manila daw ito ngayon.
Naiinis ako ngayon sa kanya dahil ni hinde siya tumawag sa akin para ipaalam na iniwan niya ang mga bata sa mama ko.
Medyo namumuro na talaga siya sa akin at hinde na ako natutuwa.
Madalas siyang pumupunta ng manila at ang sabi niya sa akin ay may trabaho daw siyang ginagawa doon.
Pupuntahan ko siya sa bahay namin sa makati dahil naitanong kona sa care taker ko doon kung nandoon ba siya at ang sabi ay nandoon daw.
Ilang buwan na kaming madalas nag aaway dahil sa parehas na dahilan.
Nakapag usap na kami noon na kapag wala ako sa bahay ay siya ang bahala sa mga bata at hinde niya sila pwedeng iwan.
Ok lang naman sa akin na iwan niya kay mama ang mga bata kapag may emergency siyang kailangang gawin basta sasabihin niya sa akin ahead of time para matawagan ko si mama at ipakiusap ang mga bata.
Pero ngayon parang binabastos niya naman ako na hinde niya man lang sinabi sa akin ang ginawa niya at ni hinde man lang nagpaparamdam.
Nung makarating ako ng bahay namin sa makati ay naabutan kopa siyang paalis na.
Nagtalo kami kaagad dahil hinde ko napigilan ang sarili ko dahil sa inis ko sa kanya.
Nagpaliwanag naman siya na may urgent daw siya na kailangan ayusin dito sa manila kaya hinde na niya nagawang tawagan ako para ipaalam ang pag iwan niya sa mga bata kay mama.
Pero hinde ko tinanggap ang paliwanag niya dahil napakadami niyang oras para tawagan at kausapin ako kagabi pero hinde,
Nakapatay lang ang phone niya ng buong gabi, hinde ko siya magawang tawagan kaya mas lalo lang ako nainis.
Ang sabi niya ay may pupuntahan pa daw siya pero alam kong gusto niya lang umiwas sa pagtatalo namin.
Hinamon ko siyang sasama ako kung saan siya pupunta para mapaniwala niya ako pero mas lalo lang siyang nagalit.
Ang lagay daw ay pag lakad niya ay mangingialam ako pero siya hinde naman daw nangingialam sa lahat ng mga ginagawa ko.
Hanggang sa hinde na talaga siya natuloy sa lakad niya sa umagang yun dahil sa galit niya sa akin.
Dapat ay sasama pa ako sa caravan namin ni sir bongbong ngayon pero hinde na ako pumunta dahil sa hinde maganda ang istado ng mood ko.
Pero nakapag desisyon naman ako na pupunta ako sa rally namin sa gabi.
Sa huli ay sinuyo din naman ako ni mans dahil hinde niya natiis, pinagbigyan kolang siya dahil ayaw ko din naman ng gulo pero hinde ko parin siya pinatawad.
Nag brunch nalang kami dahil late na kami nagpasya kumain pero hinde ko parin siya masyadong kinakausap.
Ang sabi niya ay sasama nalang daw siya sa rally mamaya para sabay na kaming uuwi ng davao pagkatapos saka siya nagpaalam na may kailangan daw siyang lakarin pagkatapos naming kumain kaya tumango nalang ako.
YOU ARE READING
Against All Odds
RomanceA chemistry everybody can't deny, a match made in heaven indeed.. BBMxSara fictional love in politics story ❤💚