X

834 45 34
                                    

***

"Bong andiyan si cynthia, mukhang may masisira na naman ang mood ngayong araw, ayusin mo yan" bulong ni martin sa akin saka itinuro si cynthia na naka red shirt din at nakangiting kumakaway sa akin habang papalapit.

Nandito kami ngayon sa meeting place kung saan magsisimula ang caravan namin.

Kung sinusubukan ka nga naman ng pagkakataon dalawang araw mula nung huling pag uusap namin ni sara na nauwi pa nga sa pagtatalo dahil tinatanggi niyang nagseselos siya.

Ngayon eto na naman si cynthia papalapit na naman sa akin tapos pag dumating mamaya yung isa sisimangotan na naman ako buong araw tapos sasabihin hinde nagseselos.

"Hi ferdie Surprise!" bungad ni cynthia saka yumakap sakin.

Pilit akong napangiti then pat her back para hinde naman bastos kung hinde ko tatanggapin ang yakap niya.

"Cynthia, what brought you here?" kunyare ay pinasigla ko nalang ang boses ko para hinde niya naman mahalata na hinde ko talaga gustong nandito siya.

Kinakabahan na ako ngayon palang hinde ko alam kung bakit.

"I just want to experience being on caravan, can I join ferdie please I want to atleast show my support." she's smiling genuinely nakakahiya naman kung tatanggihan kopa siya kung gusto niya lang naman magpakita ng suporta.

"But cynthia the caravan is really tiring are you sure you can handle that?" I was trying to discourage her para hinde na siya sumama dahil hinde talaga maganda ang pakiramdam ko dito.

"It's ok, no worries" hinawakan niya ako sa braso sakto naman ng pag ingay na ng nasa harap namin dahil sa pagdating ni sara.

Napakaganda ng ngiti niya pagdating habang binabati niya isa isa ang mga kasamahan naming senador nung magtama ang mata naming dalawa.

Biglang kumabog ng malakas ang puso ko nung unti unting nawala ang ngiti niya at lumipat ang mata niya sa babaeng katabi ko saka bumaba ang tingin niya sa kamay ni cynthia na nakakapit sa braso ko.

Pakiramdam ko ay mawawalan ng kulay ang mukha ko nung bigla niyang iniiwas ang tingin niya sa amin saka humarap kay sen migz saka siya nakangiting bumati dito.

Hinde ko alam kung paano ko tatanggalin ang kamay ni cynthia sa braso ko, buti nalang at tinanggal niya din naman bago humarap ulit si sara sa amin at nakangiti na habang palapit saming dalawa.

Naunang lumapit si cynthia kay sara para batiin siya.

"Hi mayor sara, it's really nice to finally meet you, I'm cynthia by the way ferdie's friend" magiliw na bati niya kay sara na nginitian din naman ni sara.

"Hi maam, nice meeting you too" nakangiti sin siyang nakipagkamay kay cynthia pero kinakabahan parin ako kahit nakangiti siya.

Sara can play this game really well, she knows how to handle her emotion in front of everyone.

Nagsimula na ang caravan at nasa tabi ko si sara.

Hinde niya na naman ako kinakausap at hinde niya rin ako tinitignan kaya wala na akong nagawa kundi hayaan nalang muna siya.

Nung nasa kalagitnaan na ng caravan ay medyo mainit na sa pwesto namin ni sara kaya maya't maya na akong tumitingin sa kanya dahil nag aalala na ako baka naiinitan na siya.

Nagulat naman ako nung bigla akong nilapitan cynthia at inabotan ng tubig.

Nahuli kopa ang pagsulyap ni sara at tinaasan ng kilay si cynthia sabay iwas ng tingin.

Against All OddsWhere stories live. Discover now