***
Play music above
Sara :
Kasalukoyan akong naghihintay ngayon kay bong at sa asawa niya kasama si ate imee at iba pang mga officials dito sa airport para ihatid sila para sa 2 days state visit na naman ni bong sa ibang bansa.
Tatlong araw matapos ang huling pag kikita namin at kahit binigyan kona nga siya ng halik ay hinde parin nagpatinag sa tampo niya sa akin.
Hinde parin niya ako masyadong kinakausap at pinaparamdam niya talaga kung gaano siya nagtatampo.
Napakahirap talaga ng taong yun pagnagseselos.
Hinde kopa nagagawang magpaliwanag sa kanya dahil nga sa hinde pa ako nabibigyan ng pagkakataon.
At first I really don't think na kailangan kopa mag explain about me having dinner or meeting up with someone I know.
Nasa politika kami and I know that he knew how important camaraderie is on our line of work.
Kaya hinde ko talaga maintindihan kung bakit parang ang lalim ng pinanggagalingan ng tampo niya sa akin.
Dati naman ay hinde siya nakakatiis na hinde ako kausapin, ngayon naman ay parang ok lang sa kanya na hinde kami mag usap.
Hinde kopa naman ugaling manuyo kaya walang nangyayari kapag siya ang nagtatampo.
Ang lagay ngayon ay parang siya pa ang babae sa aming dalawa talaga.
Maya maya ay dumating nadin sila bong at kagaya nga ng nakagawian ay nagbeso lang kami at ganon din kami ni liza.
At kagaya nga ng inaasahan ay ganon padin ang inasal niya sa akin.
Medyo napipikon narin naman ako pero hinde ako pwede magpahalata at baka lalo lang madagdagan ang atraso ko sa kanya.
At nung paakyat na siya sa eroplano ay tahimik lang akong naghihintay sa kanya sa dulo, malapit sa hagdan.
Hinde niya kasama si liza mukhang naiwan pa sa huli.
Nung nasa harap kona siya ay nginitian kolang siya saka inihanda ang kamay ko para makipagkamay and to tell him to take care.
After he grabs my hand ay mahina niya naman akong hinatak para bumeso.
"Well talk pagbalik ko ok" bulong niya na nagpangiti naman sakin saka ko siya tinanguan.
Kung titignan ay para lang kaming simpleng nag uusap.
Nauna na siyang umakyat sa hagdan at mukhang nakalimutan niya pa talaga na hinde niya katabi si liza.
Saka niya nalang yata naalala nung nasa kalagitnaan na siya ng hagdan dahil dun palang siya lumingon.
Tumingin pa muna siya ulit sa akin bago tinignan si liza at inantay na makarating sa pwesto niya saka sila sabay nang umakyat.
Masaya naman ako at mukhang maayos na ang pag iisip niya at gusto niya na akong makausap.
YOU ARE READING
Against All Odds
RomanceA chemistry everybody can't deny, a match made in heaven indeed.. BBMxSara fictional love in politics story ❤💚