LXII

610 41 25
                                    

***

Third person :

Ganon nalang ang taranta ni imee nung biglang nawalan ng malay si sara habang hawak niya sa mga bisig niya ito.

Inabot niya ang isang throw pillow sa malapit na sofa para maihiga niya doon si sara at para hinde ito masaktan.

Tinawag niya si van na head security ni sara at inatasan ito na eh clear ang daan para mailabas nila si sara at madala sa ligtas na lugar kung saan pwede siya matignan ng pribadong doctor at pinagkakatiwalaan niya.

Mabuti nalang at karamihan sa mga staff ng OVP ay nakauwi na at iilan nalang ang mga natitira.

Nailabas naman nila si sara at nadala sa bahay ni bong sa palasyo kung saan magiging ligtas ito at walang nakakaalam na doon niya ito dinala.

Sinuguro ni imee na walang makakaalam ng nangyari kay sara at hinde makakarating sa media ang pagkahimatay nito.

Matapos makausap ni imee ang doctor na tumingin kay sara, napabuntong hininga na lamang siya at nasuklay ang buhok.

Alam niya naman na hinde makakalabas ang tungkol dito dahil matagal na nilang doctor ang tumingin kay sara kaya malaki na ang tiwala niya dito.

Binalikan niya si sara sa kwarto, kung saan ang mismong kwarto ni bonget at hinde parin ito nagigising.

Nag collapse ito dahil sa sobrang pagod at stress pati narin ang pagkabigla sa nangyari kay bonget.

Hinde niya napigilang umiyak nang maisip ang kapatid dumagdag narin ang pag aalala niya sa babaeng nakahiga ngayon sa harap niya at wala paring malay.

A lot of things have gone wrong, but this is not the right time para panghinaan siya ng loob, naisip nalang ni imee.

Hinde paman nangyare ang lahat ng ito ay kinausap na siya ni bonget at pinakiusapan na kahit anong mangyari ay wag siyang aalis sa tabi ni sara.

At yun nga mismo ang ginagawa niya ngayon, imbis na tumutulong dapat siya sa paghahanap sa kapatid.

Na secure narin niya ang kalagayan ng mommy nila at nasa pangangalaga ni irene.

Hinde pwedeng makarating sa mommy nila ang balita tungkol sa nangyari kay bonget dahil baka kung ano pa ang mangyari dito.

Mahina na ang puso ng mommy nila at hinde na nito kakayanin ang masamang balita.

Pagkaraan ng ilang sandali ay naisipan ni imee na manghingi ng update kaya tinawagan niya si martin na kasalukoyang nangunguna sa paghahanap kay bonget sa ngayon.

Wala pa mang tatlong ring ay sinagot na nito yung tawag.

"Imee?" sagot ni martin sa kabilang linya.

"How's it going?" tanong naman ni imee kay martin.

Napapailing naman si martin na labis din ang pag aalala sa pinsan.

"Still nothing, it's been 5 hours but we still can't find any trace of bong's chopper, para bang bigla nalang itong naglaho na parang bula" frustrated na sagot ni martin.

Nakagat ni imee ang pang ibabang labi para pigilan ang emosyon.

"Just continue doing your best para mahanap si bonget mart" kalmadong ani imee habang patuloy na kinakalma din ang sarili.

Against All OddsWhere stories live. Discover now